TRAVELBOOK NOW!

Monday, June 29, 2015

Dinakdakan

Of course alam na nang karamihan sa atin ang Ilokano dish na Dinakdakan.

Nope hindi ko naman kayo dadakdakan dito.

Walang dakdakan na mangyayari dahil hindi naman ako madakdak he he he.

Ang Dinakdakan ay isang native Ilokano dish made of grilled pig head and face innards  o iyong mga karneng makikita sa ulo at mukha  ng isang baboy.

Minsan ay kasama ang utak nito.

Ito ay medyo may kaasiman ang lasa dahil sa may sangkap na suka at parang pinaksiw.

Somewhat similar to Sisig.

First time ko ulit makatikim sa aking pagbakasyon sa hometown ng aking mother dear sa Balaoan, La Union.

At nagkataong nagluto si Auntie Sayang at Ate Abeth ng masarap na luto nito.

Hayun at hindi ko napigilang lumantak ng aking pihikang sikmura.

In fairness ay masarap ang lasa niya .

Para ka lang kumakain ng sisig na mas malalaki ang hiwa ng laman at karne.

At least I have tried di ba .






No comments:

Post a Comment