TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, June 30, 2015

Chichacorn

Habang sakay ako ng bus papuntang Vigan City ay biglang nag-ring ang selepono ko.

Ang nasa kabilang linya ay ang Auntie Liling ko.

Dahil nalaman niyang papunta ako ng Vigan ay nagpapabili siya ng Chichacorn daw.

Nuong una ay hindi ko pa maintindihan ang ibig niyang ipahiwatig.

Akala ko ay something like a Chinese sounding snack foods ang pinapabili niya.

Marami daw nito sa Vigan.

Okay.

Nang makalapag na ang aking pagal na mga paa at hita sa Vigan ay ito ang aking unang tinunton.

Tunay nga naghilera ang nagtitinda nito dito.


Ito lang pala siya:


Akala ko naman ay kung ano na .

Mga cornick lang pala he he he.

But in fairness ay masarap siya huh.

Malutong at malasa.

Puwedeng pampulutan he he he.

So sa susunod kapag pumunta kayo ng Vigan ay bumili kayo nito .

For sure ay magugustuhan ninyo ito bilang kutkutin na pagkain.

Chichacorn o Chichapops.

Only from Vigan City Ilocos Sur.

No comments:

Post a Comment