TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 21, 2015

Sunog sa Kentex Manufacturing sa Valenzuela

Nakakalungkot ang balita ukol sa pagkamatay ng 72 katao sa isang sunog sa pabrika sa Valenzuela City partikular ang Kentex Manufacturing.

Nakakapanindig balahibo ang eksena habang nilalabas ang mga bangkay na nakalagay sa mga body bags palabas ng nasunog at naabong pabrika.

Maliwanag na may pananagutan dito ang may-ari at namamahala ng nasabing pabrika. 

May mga kakulangan at  diperensya ang pabrika kaya nangyari ang trahedyang ito.

Sinasabing nagsimula ang sunog dahil sa welding incident na isinagawa sa loob ng pabrika katabi ang mga flammable materials na nakaimbak duon na naliparan ng alipato o baga mula sa welding.

At mula duon ay mabilis na kumalat  ang apoy sa kalooban ng pabrika.

Naalala ko tuloy ang nangyari sa Ozone Disco nuong 1996 na halos 162 ang namatay na mga bata at kabataan habang nagdiriwang ng kasiyahan.

At sunod ay ang Manor Hotel fire incident nuong 2001 na halos 75 din ang namatay kabilang na ang maraming mga Christian at pastor na tumutuloy dito matapos ang isang church activity sa isang lugar.

Sa tuwing magkakaruon ng ganitong trahedya tungkol sa sunog ay magkakaruon ng kaliwa’t kanang imbestigasyon.

Subalit sa paglipas ng panahon ay makakalimutan na naman.

At balik na naman sa dati.

Hanggang sa mangyari na naman sa ibang lugar at panahon ang halos kahalintulad na insidente.

Tapos imbestigasyon na naman.

Hay naku , truly we never learn .

Ang dasal ko pa rin , hustisya para sa mga biktima.

Rest In Peace to the 72 fire tragedy victims.

Pasintabi po para sa mga disturbing images na ito na kuha mula sa isang kakilala na si Jayson Diego Caoili.









2 comments:

  1. kakilabot!Sa Valenzuela pa naman nakatira 2 ko anak at 2 sisters with families:(

    ReplyDelete
  2. ngayon ko lang nakita pics, nakaka awa naman sila :(

    ReplyDelete