TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, May 19, 2015

Milk Tea Death result

Lumabas  na ang resulta ng imbestigasyon tungkol sa killer milk tea na nagpatumba sa dalawang katao kabilang ang isang babaeng kostumer nito at ang mismong may-ari ng Ergocha Milk Tea shop .


Ayon sa police report ay may sangkap na oxalic acid ang nasabing milk tea na inihain sa kostumer at aksidenteng nainom din ng may-ari ng shop.

Aba at panglinis at pampaputi ng damit namin iyang oxalic acid na iyan huh at bakit ihahalo sa inumin.


Kalokah.

Dapat mapanagot ang kung sinuman ang maysala at gumawa ng krimen na iyan , sinadya man o hindi.

Ang balita ay sinampahan na ng kaso ang anak ng may-ari ng shop  dahil siya ang nakita na nagdala ng isang kahina-hinalang pakete na tinimpla daw niya sa isang pitsel.

Malinaw na nai-video ito sa CCTV.

At gayundin ang kahina-hinalang kilos nito bago at matapos ang insidente katulad ng pag-aalis sa CCTV circuit nito kaya siya ang nadiin sa kaso.


Ang hiling lang namin sa kasong ito ay maisilbi ang hustiya para sa mga nasawi at nasugatan.

At ang ibayong pag-iingat sa mga tumatangkilik at naghahain ng produktong ito at magsilbing leksyon ito para sa mga susunod na insidente upang ito ay maiwasan.


1 comment:

  1. Ayaw ko na yata mag try inom ng tea na timpla ng iba:)

    ReplyDelete