TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 2, 2015

Lindol sa Nepal at Mary Jane Veloso

Nakakawindang ang mga trahedyang bumalot sa buong mundo at sa Pilipinas this weekend huh.

Una ay ang napakalakas na 7.8 magnitude na lindol  na dumating sa bansang Nepal na ikinasawi na ng halos 7,000 katao at patuloy pang nadaragdagan as of this time.

Marami ang nasawi sa nasabing trahedya kabilang na ang Google executive na si Dan Fredinburg.


Nakakatakot isipin na maaari din itong mangyari sa ating bansa anumang oras mula ngayon.





Partikular ay ang kinatatakutang paggalaw ng Marikina Valley Fault na malapit lamang sa Metro Manila.

At tulad sa Nepal ay inaasahan ding libu-libo ang mamamatay , masusugatan at mawawalan ng bahay o ari-arian kapag ito ay nangyari.

Kaya dapat ngayon pa lang ay may kaukulan nang paghahanda ang ating pamahalaan tungkol dito.
 
Pero tila walang ginagawang hakbang at binabale-wala ng ating pamahalaan ang mga paghahandang hakbang hinggil sa usaping ito.

Petiks petiks lang sila at hinihintay muna sigurong maganap ang malakas na lindol bago sila umaksyon.

Sana hindi mahuli ang lahat bago tayo magkumahog sa pagkilos.

Huwag sanang too late the hero ang ating motto para sa kaganapang ito.

Pangalawa ay ang pagbitay sa ating kababayang si Mary Jane Veloso sa Indonesia dahil sa kaso ng drug trafficking.


As of last time ay nagkaruon ng reprieve sa kaniyang nakatakdang pagbitay dahil na rin sa pakiusap ni Pnoy kay Indonesian president Joko Widodo.

Pero ang nakakaimbyerna sa lahat ay ang tila inggrato at walang utang na loob na komento ng  ina ni Mary Jane na sa halip na pasalamat ang mamutawi sa bibig ay  pagkutya at pagkundena pa ang kaniyang binigkas.

Nakakawalang-gana tuloy.


Sana ay magsilbing leksyon ito sa maraming mga OFW at mga Pilipino na maging maingat sa pagtanggap ng pakipadala ng mga bagahe sa tuwing aalis ng bansa.

In the meantime , be positive muna tayo sa kabila ng lahat ng negatibong bagay na ito.

Dahil bukas ay laban ng  ating Pambansang Kamao na si People's Champ Manny Pacquiao.



Let's just hope for the best at sana by miracle and by sheer chance of luck kahit medyo underdog ang ating manok ay manalo ang ating kababayang si Manny Pacquaio!

Amen!

1 comment: