Thursday, April 30, 2015

Who Wants To Be A Millionaire ? SM Novaliches Audition



WWTBAM SM NOVALICHES AUDITION

Isa pang audition ang ipinanawagan ng pamunuan ng Who Wants To Be A Millionaire?

This time ay sa SM Novaliches naman ang venue.

Gora ulit ang lola n’yo siyempre.

The usual pirma chuchu para sa registration papers ulit at submit ng 2x2 pic mula sa aking photo album ulit ha ha ha.

Salang ulit sa quiz exam na 12 questions para sa first round.

Ang malas naman dahil hindi ako nakapasok sa Top 12.

Bagsak ang lola n’yo ha ha ha.

Boba ha ha ha .

12 questions lang hindi pa nasagot ng tama at mabilis.

O sige puwede pa ring humirit daw ng isang beses.

Take 2 ang exam ko.

Go ulit ako at pirma ng registration papers at dahil wala na akong dalang picture ay nagpa-xerox na lang ako ng SSS ID ko oh di ba .

Take 2 ako ng exam.

Mataman kong pinakikinggan ang mga tanong.

Pero parang walang pumapasok na sagot sa kukote ko eh.

Mukhang maliligwak  na naman ako sa pangalawang pagkakataon huh.

At natapos ang 12 round of questions.

At ini-announce na ang mga nakapasok sa Top 10.

Waaaahhh , wala ang pangalan ko.

Bagsak na naman ang lola n’yo for the second time.

Hindi ako makapaniwala.

Pumupurol na yata ang utak ng lola n’yo.

Naboboba na ang lola.

It’s time to read the whole volumes of  encyclopedia ulit at isama mo na ang Guinness Book of World Records ha ha ha .

Ah ewan .

So ang ending , umuwi akong luhaan at lulugo-lugo, eh ano pa nga ba !

Ah basta walang susuko hanggang hindi nakakaupo pa rin , aba matinde !
#milYOUnaire

No comments:

Post a Comment