TRAVELBOOK NOW!

Saturday, April 18, 2015

Sotaya Buffet Diner

Sa pagpapatuloy ng aming food trip ni Rommelita ay idinako naman kami sa isa pang eat all you can buffet diner dito pa rin sa Antipolo.

Oo , kami na ang masiba at matakaw sa pagkain kaya puro eat all you can diner ang aming dinarayo.

Kita naman ang ebidensya sa tiyan ni Rommelita ha ha ha.


Parang kabuwanan na niya sa laki ng kaniyang tiyan ha ha ha ha.

This time ay dumako naman kami sa Sotaya Restaurant na matatagpuan sa M.L. Quezon Avenue Extension sa Antipolo City.


Rural ang ambience ng lugar na style bahay-kubo .


Pati ang kanilang mga buffet dishes ay nasa mga palayok pa huh.


At ang kanilang water jug ay mga sinaunang banga din ang lagayan.


Pagdating sa pagkain ay mayruon silang mga karaniwang luto gaya ng kare-kare , adobong manok , liempo , sinigang at iba pa.

At mayruon din namang pasta na spaghetti at desserts like buko pandan at puto.


Pagdating sa lasa ay masasabi kong pangkaraniwan din lang naman ito subalit pasable na rin para sa halagang 149.00 per head.

Kung ikaw ay gutom na gutom at nangangasab sa mga pagkaing lutong bahay ay dumako ka na sa lugar na ito at sulitin ang inyong 149.00 at lantakan ang mga pagkaing Pinoy na ito .

Saan na naman kayang eat all you can diner ang aming susunod na susugurin?

Sugod na !




No comments:

Post a Comment