Sunday, April 19, 2015

Who Wants To Be A Millionaire ? SM San Lazaro Audition



Nagdaos na naman ng isang audition ang Who Wants To Be A Millionaire ? ng TV 5 hosted by Bossing Vic Sotto and this time ay sa SM San Lazaro naman sa may Tayuman Manila ang venue ng audition.

Magbabalik na kasi sa ere ang longest running game show na Who Wants To Be A Millionaire sa TV 5 pa rin siyempre  starting on May  10 at si Bossing pa rin ang host.

At dahil bagong simula ay may mga bago ring pasabog ang show like imbes na 15 questions ang sasagutin mo bago mo makamit ang milyong pera , this time ay 12 tanong na lang ang kailangan mong sagutin ng tama para makamit mo ang pangarap na milyon.

Dalawa pa rin ang safe haven pero this time ay sa pangatlong tanong pa lang ay safe haven na agad at ang sunod na safe haven ay nasa pang-walong tanong.

Mas pinadali din ang mga lifeline at sa pagkakataong ito ay ibinalik nila ang Call A Friend lifeline na dating nawala o tinanggal sa nakaraang season.

Iyan ang mga pasabog ng bagong show at marami pa ang aabangan sa pagsisimula nito sa Mayo.

At siyempre isa na naman ako sa mga sumugod sa SM San Lazaro audition para sa mga bagong uupo at makakaharap ni Bossing sa hotseat.

Mag-aalas dose na nang ako ay makarating at salamat naman dahil nakahabol pa ako sa audition na malapit nang matapos.

As usual ay pirma at sulat na naman ng papers  para sa registration at submit na naman ng 2x2 pictures ( naubos na nga ang pina-print ko na ID pic sa kaka-audition dito huh kaya gumupit na lang muna ako mula sa photo album ko ha ha ha ha) .

After that ay ang quiz exam ng 12 questions na dapat ay masagutan mo ng tama at mabilis gamit ang remotely controlled answering mechanism para makasama ka sa Top 10  na papasok sa susunod na round.

Good thing ay nakapasok naman ako sa Top 10 sa number  oh di ba.

Proud din ang lola n’yo.

Ang next round ay Camera Interview .

In a minute ay magpaabot ka ng message mo sa harap ng camera kay Bossing as if ay kaharap mo siya.

Dapat ay bongga ang minute message mo para makapasok ka sa next round which is a one on one interview.

When it was my turn to have my 1 minute camera moment ay medyo nahiya yata ako at ang tangi kong nasabi lang ay ang sinulat ko na top 10  reasons kung bakit ako ang dapat na umupo sa hotseat.

Ang tanging nabanggit ko lang ay 2 reasons which are because I am cameragenic ( wow huh ) and because I am smart.

Nagpaka-mysterious effect pa ako at ang sabi ko ay ang natitirang 8 reasons ay ire-reveal ko kung sakaling makapasok  ako sa next round.

Eh hindi yata na-excite at na-mystified ang mga hurado behind the walls kaya ligwak ang beauty ko sa sunod na round waaahhhh.

Hayan tuloy at hindi na naman ako pasok sa bagong audition round na ito ng Who Wants To Be A Millionaire? 

Hayyyzzzz , siguro ay hindi ko pa talaga panahon para makaupo sa mailap na hotseat .

Pero hindi bale at marami pa namang susunod na audition for sure ng WWTBAM and siguradong hindi ako pahuhuli dito hangga’t hindi ako nakakaupo sa hotseat.

Alamkong darating din ang araw na ibibigay ni Lord ang oras para sa akin na finally 7.50 na ang Ariel este  makakaharap konaface to face si Bossing sa hotseat.

Kung kailan iyon , hindi ko alam .

Sana malapit na.

In the meantime ay panibagong dagdag ang blogpost na ito sa humahabang serye ng aking pakikipagsapalaran para sa Who Wants To Be A Millionaire?

At sa mga classmate ko dito sa audition na palaging nagre-reunion everytime na may pa-audition ang WWTBAM ay ito ang aking mensahe :

“ Sige lang nang sige , walang susuko  hanggang hindi nakakaupo “

#walang kadalaladalaatwalangkasawasawa 

#milYOUnaire




No comments:

Post a Comment