Wednesday, April 8, 2015

Nanay's Pansit Malabon

At sa aming pagpapatuloy na food trip ni kaibigang Rommelita , dumako naman kami sa lugar na madalas bahain .

Walang iba kundi ang Malabon.

In fairness , walang baha nuong pumunta kami ( eh summer ngayon noh )

Sikat ang Lungsod ng Malabon of course dahil sa Pansit Malabon.

At dahil napanuod namin sa GMA show ni kabagang na Jessica Soho na Kapuso Mo Jessica Soho ay gora kami dito.

Duon sa show ay may tatlong karakter na sinasabing pinakamasasarap na nagluluto ng Pansit Malabon sa buong bansa.

At sa tatlong ito na pinaglaban-laban para magluto ng pinakamasarap na Pansit Malabon ay si Nanay Bernardita ang nanalo.


At ito ang hinanap namin ni Rommelita.

Ang Nanay's Pansit Malabon.


Nahanap naman namin ito sa tulong ng isa naming kakilala sa lugar.

Natagpuan namin ito sa Governor Pascual Avenue na nasa Barangay Concepcion Malabon City.

Isang antigong bahay ang kinaroroonan ng adjudged pinakamasarap na Pansit Malabon by KMJS.



Dito nagsimula ang lahat ng pangarap ni Nanay Bernardita P. Cruz - Ignacio.

Ayon kay Mam Bernardita ang nagpasimula ng lahat ng ito ay si Nanay Remedios Cruz na isa niyang tita.

1984 pa daw nang sila ay magsimula nito.


Ayon sa kaniya ay kasa-kasama siyang namamalengke at paglaon ay nagluluto ng original recipe ni Nanay Remedios.

At dahil dito ay napag-aralan niya nang maigi kung paano lutuin ang masarap na Pansit Malabon.

Isang matandang dalaga si Nanay Remedios.

cute ng violet flower

At nang ito ay sumakabilang buhay na ay si Nanay Bernardita na ang nagpatuloy ng tradisyon ng masarap na Pansit Malabon.

At tunay ka dahil nanunuot sa dila ang lasa ng Pansit Malabon ni Nanay.




Masarap ang sauce at ang pinaghalo-halong ingredients gaya ng pusit , hipon chicharon at itlog.

Tunay nga na ito ang karapat-dapat na manalo.

Amin ding tinikman ang suman pinipig na inilalako din sa tindahan.




Kakaiba din ang linamnam ng kakaning ito ha in fairness.

Nagpapasalamat kami kay Nanay Bernardita dahil sa kaniyang pagpapaunlak sa aming interview .




Ayon sa kaniya ay ito lamang ang nag-iisang tindahan kung saan inihahain ang kanilang original recipe.

Wala silang branch at hindi rin sila nagde-deliver.

Kaya talagang dadayuhin mo sila dito sa Malabon para matikman mo ang kanilang ipinagmamalaking pagkain.





the pricelist
Kailangan paghirapan mo munang pumunta dito bago mo malasahan ang kanilang sarap.

Ganiyan talaga ang masasarap na pagkain : pinaghihirapan.

At salamat na din sa pabaong masarap na bagoong at sitsirya.


Tungkol naman sa baha , nabanggit din ni Nanay Bernardita na may improvements na rin.

Kung dati daw ay hanggang tuhod ang tubig sa kanilang lugar tuwing tag-ulan , ngayon ay hanggang talampakan na lang he he he.

Kaya no worries na puwedeng pumunta kahit na tag-ulan.

For more info , just visit their Facebook page here : Nanay's Pansit Malabon

Or call their number 281-0449.

2 comments:

  1. nakakain na rin ko pancit malabon bought by my sister, d ko lang sure kung sa kanila binili:)

    ReplyDelete
  2. @ Ms. Joy , super sarap nito promise , di kayo magsisisi sa lasa at sarap : )

    ReplyDelete