TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 9, 2015

Luna Snack PinkHaus

Isang kakaibang kainan ang nakaagaw ng pansin namin ni Rommelita habang kami ay rumarampa sa Malabon.

Ito ay ang Luna Snack PinkHaus na nasa Concepcion Malabon malapit sa simbahan.


Out of curiosity , ay pumasok kami sa loob.

Hindi nga kami nagkamali , pinkish ang lahat nang nasa loob ng kainan.

Bongga lang day.

At nang amin nang inusisa ang serbidora , duon namin nakumpirma na pink din kasi ang may-ari he he he.

Tingnan mo nga naman dahil sa instinct namin ay hindi nagkakamali at ang lakas ng lukso ng pinkish blood na dumadaloy sa aming mga ugat kaya nagkaka-amuyan kami.

Sniff , sniff.

Ang utak ng lahat ng kakaibang trip na ito ay si Jess Mirandella .

And I sense na lahat  ng kaniyang mga tauhan ay pinkish din .

Naman.

Take a look kung gaano ka-pinkish ang interior ng lugar.





 Matuk .

Pati ang chandelier itsurang pinkish cake na upside down he he he.



At ang daming pink na stuffed toys.

Ang sarap yakapin ng kanilang pinkish furs.



At para naman sa aming order na foods , nope hindi naman lahat pinkish , over naman na 'yun.

Konti lang naman ang mga foods na pinkish at ang alam ko lang ay makopa at strawberry he he .

Akala ko nga pati foods ay pinkish din ang kulay.

Ang totoo , assorted ang kulay ng kanilang menu like a colored rainbow.


Aming tinikman ang kanilang Caramel Cookie.



Mayruon din silang Chocolate at Butterscotch Cookie worth 50.00 per serving.


Okay naman at swak sa panlasa.

Aprubado ikanga.

Para naman sa kanilang drinks ay try namin ang kanilang Choco-Peppermint Milk Tea para kay Rommelita at Passion Fruit Tea naman ang sa akin.


Swak din ang lasa in fairness.

In fact naubos nga namin ito huh , burp.



Ang isa pang maganda ay libre ang wi-fi.


Oh di ba habang lumalapang ay nagpe-Facebok , Twitter at Instagram at Blogger na din huh.

Diyata at si Rommelita ay Gaytube ang pinapanuod sa WWW.


At dahil tinawag na ako ng aking Inang Kalikasan ay hinanap ko ang restroom.

OMG , nagulat ako at nanghilakbot pagbukas ko ng pinto ng banyo.

Pati ba naman CR , pinkish pa din !



At pati ang kanilang bathroom deodorizer pink pa din !



Kalokah , kayo na huh !

Hindi bale okay lang naman  dahil attractive sa mga customers lalo na duon sa mga miyembro ng pink community.

Pero sabi nila ay hindi lang naman mga pinkish ang kanilang mga patrons bagkus ay mga babae , lalaki , tomboy , bata , matanda and what have you.

Maging sino  ka man ay welcome ka dito.

Lahat ng klase ng tao ay dinadayo at pinupuntahan sila.

They are open from 1 PM till 1 in the morning.

For more info , visit their Facebook page here : Pink Haus

Or call their number 374-6042

At para sa kanilang group shot heto :


Oh di ba naman , ang gaganda lang nila he he he.

Enjoy!

No comments:

Post a Comment