Monday, April 13, 2015

Lason sa Milk Tea

Nakakatakot naman itong nabalitaan ko tungkol sa milk tea.

Na dalawa ang namatay dahil sa pagkalason sa pag-inom ng nasabing tsaa.


Kabilang na ang mismong may-ari ng store na binilhan ng nakamamatay na milk tea .

Ang Ergo Cha na nasa Earnshaw Street Manila.



At ang isa sa dalawang customer na naunang nakabili nito.



Madalas pa din naman kaming bumili nito dahil sa sarap.

Bagaman at sabi ng pulisya ay isolated incident lang daw ito at sinasabing maaaring accidentally o deliberately ay may naihalong nakalalasong sangkap ng lason sa nasabing inumin.

Nakakatakot lamang malaman na dahil lamang sa pag-inom ng patok na milk tea lalo na ngayong tag-araw o tag-init ay magiging sanhi pa ng iyong maagang kamatayan.

Ingat ingat din 'pag may time .

Lalo na at nalasahan mo agad na medyo may kakaibang pait o antak ang lasa ng iyong pagkain na binibili.

Taste test muna ng ga-patak bago tuluyang lantakan ang pagkain na iyong inoorder sa mga tindahan.

Dahil baka hindi mo namamalayan ay mabibiktima ka na pala ng food poisoning dahil sa pagkaing iyong binili.

Ingat !


2 comments:

  1. Na-shock din ako nang malaman ko ang news na 'to. Nakakakilabot lalo na yung kuha ng cctv video kung saan ilang minuto lang ay binawian na agad ang biktima.

    ReplyDelete
  2. katakot naman bumili na ng tea na hindi sure kung ano nasa loon:(

    ReplyDelete