Thursday, April 16, 2015

Kinalas and Toasted Siopao

Nang dumako kami ng kaibigang Rommelita sa Marikina ay napako ang aming pansin sa tarpaulin sign na ito.



So walang pagpapatumpik-tumpik na amin itong pinuntahan at inimbestigahan.

Nalaman naming original Bicolano ang nagluluto ng recipe na ito .

Taga Naga City Camarines Sur.

At ang kanilang ipinagmamalaking recipe ay ang Kinalas at ang Toasted Siopao of Naga.

Ang Kinalas ay isang Bicolano noodle recipe na ang sangkap ay mula sa pinagkalas-kalas ( hence the name ) na laman ng ulo ng baka.

May kakaiba itong sangkap na mula rin sa ulo ng baka kaya may kakaiba itong lasa kaysa sa pangkaraniwang mami noodles.

At tunay nga dahil masarap at malasa ang kanilang version ng Kinalas.

Pati ang kanilang ipinagmamalaking Toasted Siopao ay malasa din huh.

Hindi katulad ng ibang toasted siopao ay wala itong itlog na sangkap sa loob bagkus ay meat fillings na umaapaw ang nasa loob nito.

Malambot din  lang ang monay bun nito unlike their other predecessors na medyo matigas.

Superb ang lasa , promise.

Kaya kung madadako kayo sa W. dela Paz Street sa Marikina City malapit lamang sa Marcos Highway ay inyong daanan ang kainang ito at tikman ang kanilang ino-offer na pure Bicolano delight.

Hindi na kailangang dumayo pa sa malayong lugar ng Naga sa Bicol dahil dito lamang sa Marikina ay matitikman na ang pagkaing ito na kanilang ipinagmamalaki.

Dios Mabalos !




1 comment: