Monday, April 20, 2015

Church Outing at J.M.D.'s Resort

It is Summer Time at officially ay idineklara na ng PAGASA na andiyan na si Haring Araw at magpapasikat na ng sobra.

Parang sa It's Showtime lang na Magpasikat segment.

Nandiyan na naman ang mga common denominator tuwing Summer like Pawis , Bungang Araw , Halo-Halo , Beaches , Parasol , Baguio , Tagaytay , Air Conditioner , Electric Fan , Shakes , Sore Eyes , Abaniko o Pamaypay , Tuli at siyempre ang hindi magkamayaw na kaliwa't kanang Swimming Time.

Masarap maglublob sa tubig kapag ganitong tag-init at ang sarap magbabad sa malamig na tubig na tila ba ayaw mo nang umahon pa.

Kaya naman para sa taunang summer outing ng aming church na Peacemakers Family Fellowship Pagrai Chapter ay dumako kami sa J.M.D.'s Resort sa malayong bayan ng ...........

Marikina ha ha ha ha .

Ang lapit lang ano he he .

Eh ba't naman kailangan pang lumayo kung merun namang mas malapit na enjoy din namang maglunoy sa katubigan.
.
Malapit lang ito sa Rossevelt College sa Sumulong Highway.

Private resot ang peg namin para solo namin ang lugar.

Of course para sa good vibes at tamang faith strengthening  ay kailangang pasimulan ng Word of God sharing ang umaga bago magtampisaw sa pool.

Pagkatapos ng sharing ay maraming mga water activities ang aming ginawa sa pool like water volleyball , domino diving , water pyramiding , habulan sa pool at iba pa.

At siyempre salu-salo sa pagkain.

Potluck boodlefight.

Sorry ha walang picture kasi hindi gumana ang aking digicam.

I mean nakalimutan ko sa bahay eh #ulyaninnaako.

Imaginin n'yo na lang ang boodlefight namin he he he .

Talagang literal na nag-away away at naglabu-labo sa kainan ha ha ha.

Magara din ang swimming pool dahil may water fountain effects sa buong paligid nito.

Ang saya!

Here are some pictures na nakayanan kong kunan mula sa aking hamak na Ipad huh .

Enjoy and #beatthesummerheat



















2 comments:

  1. mukhang enjoy! kakamiz ang mgaganyang gathering!

    ReplyDelete
  2. @ Senyor ... trulalu super enjoy lalo at kasama mo ang iyong mga kapamilya at kapuso he he : )

    ReplyDelete