Tuesday, April 7, 2015

Batangas Lomi

Masarap ang lomi bilang almusal at pang-meryenda.

Isa ito sa mga Chinese noodle dish na kinagigiliwan ko.

At isa naman sa mga nagluluto ng masasarap na Lomi ay ang mga Batangueño.

Ang Batangas Lomi ay may kakaibang linamnam at lasa na tanging mga Batangueño lamang ang nakagagawa.


Kaya naman sa tuwing dumarayo ako ng Batangas ay hindi ko nakakalimutang lumantak ng kanilang sariling lutong lomi.

Ewan ko ba at ano ang kanilang inihahalo dito at lumalabas na kakaiba ang lasa nito kaysa sa pangkaraniwang lomi na inihahain sa atin.

Ganundin naman ang pangkaraniwang sahog katulad ng atay , karne , kikiam , meatballs at siyempre ang ibinagsak na sariwang itlog.

Isa lamang ang Batangas Lomi sa ipinagmamalaking pagkain na inilalako sa probinsya.



Bukod dito ay may sarili din silang bersyon ng mga pagkaing Bulalo , Pansit , Suman at Goto.

At ang isa pa ay malapit lamang sila sa Maynila kaya very accessible ang biyahe at madaling puntahan.

Batangas Lomi , patok na putahe para sa pamilyang Pilipino.

4 comments:

  1. gusto ko din matikman yan:)

    ReplyDelete
  2. I am sure magugustuhan mo Ms. Joy : )

    ReplyDelete
  3. I super love lomi! Sayang wala gaanong Batangas lomi sa atin, cguro dahil wala tayo sa Batangas hehe! Kaya minsan, settle lang sa instant lomi :)

    ReplyDelete
  4. @ Zai merun dati ako natikman jan sa Gate 2 Cogeo kaso nawala din bigla ... siguro lumipat sila sa Batangas : )

    ReplyDelete