TRAVELBOOK NOW!

Sunday, March 15, 2015

Native Puto Bungbong and Bibingka

Isa sa madalas kong kinakainan kapag napupunta ako ng SM City Calamba ay itong foodstore ng Native Puto Bungbong na nasa second floor ng mall.


Masarap ang kanilang puto bungbong kasi na hinaluan ng asukal na muscovado.

Ang isang balot ay may tatlong puto bungbong na kasama for 45.00 only.




Panalo rin ang kanilang mga mini bibingka na iba iba ang flavor like buko pandan, chociolate , langka , macapuno , ube , mocha at marami pang iba for only 23.00 naman.


At ang tsokolate drink nila na mapapa-ooohhh la la ka sa linamnam.

Mayruon din silang salabat if you like ang medyo pungent na taste ng drinks mo at nagpapaganda ka ng boses mo he he .

Kaya kung mapapadako ka sa Calamba Laguna ay huwag kalilimutang dumaan sa stall ng Native Puto Bungbong .







No comments:

Post a Comment