TRAVELBOOK NOW!

Monday, March 9, 2015

National Breakfast Day - Mc Donalds

At dahil National Breakfast Day ngayon sa Mc Donalds kung saan ay mamimigay sila ng libreng Mc Muffins for the first 1,000 customers ... magpapahuli pa ba ang numero unong timawa na lola n'yo ha ha ha.


Siyempre kung saan ang libre , duon ako debah .

Ako na ang buraot ever.

As early as 7:00 ay nasa Mc Donalds Masinag Branch na ako para makipila sa kalibrehan.

Pagdating ko ay wala namang masyadong pila kaya una agad ako sa counter.

At siyempre dahil nakakahiya namang umorder lang ng libreng Mc Muffins , napilitan ( insert sad face here ) din akong umorder ng Mc Cafe kunyari ha ha ha.

Hayan at may kasabay nang libreng Mc Muffins ang aking inorder na Mc Cafe.


Oh di ba , utak utak lang ang gamitin para makalibre.

Hmmmmm , pero sayang pa din ang perang ibinili ko para sa kape.

Dapat sana ay pinang-tapsilog ko na iyon ha ha ha.

Bigla tuloy akong napaisip.

Hindi kaya at wise business strategy lang ito ng Mc Donalds para mas lalong maka-gain ng mas maraming benta for a day ?

Kasi nga naman , hindi ka naman pupunta sa Mc Do branch para lang kumuha ng libreng Mc Muffins di ba ?

Kaya tuloy mapipilitan kang umorder ng kahit isang item na sasamahan ng libreng Mc Muffins.

Hmmmmm , sounds like a smart business move.

He he he , naisip lang naman ng aking mapaglarong utak.

Sori naman .

Ako na nga ang nilibre , ako pa ang nagmamarakulyo ha ha ha ha.

Happy National Breakfast Day everyone.

Next year na ulit ako makakatikim nito ng Mc Muffins panigurado.

Enjoy : )

1 comment:

  1. Bongga ang strategy mo teh. Pero sabi ng McDo mas bongga daw strategy nila he he.

    ReplyDelete