TRAVELBOOK NOW!

Friday, March 6, 2015

NAKABOLA

Dumako ako sa isang kainan na nasa tapat lamang ng University of  Rizal System sa Barangay Calumpang Manila East Road Binangonan Rizal.

Ito ay ang Nakabola Company.

Ito ay itinayo ng magpinsang Shiela Cu at Bong Arduo.

Ang nakakatuwa sa kainang ito ay naghahain sila ng mga silog meals na ang korte ng mga cold cuts ay hugis bola o bilog.

Hence the name NAKABOLA.

Hindi naman nangbobola ang  mga may-ari ng negosyong ito at lalong hindi sila Japanese he he he.

They are truly Filipino na nakapag-isip nang isang negosyong mapagkakakitaan matapos nilang manilbihan mula sa ibayong dagat.

Ang sinasabi kong mga Nakabola Meals ay ang mga Tocino , Longganisa , Meatballs , Chicken Balls atbp.

Trulalu ang mga ito ay hugis bilog na hindi tutulog-tulog.

Dito ko nga lang nakita ang mga pagkaing ito na kinorteng bilog dahil karaniwan sa mga cold cuts na ito ay hindi naman pabilog ang hugis o anyo.


Bukod sa mga ito ay mayron din silang iba pang mga meals na tulad ng Fried Chicken , Lumpiang Shanghai , Soy Chicken , Pork Chop , Burger Steak , Red Wings at Shredded Tapa.

Karaniwang mga kostumer nila ay mga estudyante ng kalapit na URS school .

Subalit unti unti na rin silang nakikilala dahil nga sa kakaibang hugis ng  kanilang mga produkto.

Bukod pa sa masarap at malinamnam na lasa ng mga ito na sila mismo ang gumagawa.

Kumbaga , home made and hand made talaga ang recipe ng kanilang mga pakain.

Para sa kanilang mga Silog Meals : ang Student Meal ay nagkakahalaga lamang ng abot-kayang presyo na 29.00 lamang.

Samantalang ang Regular Meals naman ay 39.00 .

Bukod dito ay nagbebenta din sila ng mga pre-packaged na Nakabola Frozen Foods like :

Tocino 1/4 - 65.00
Skinless Longganisa 1/4 10 pieces - 60.00
Shanghai 10 pieces - 60.00
Embotido 150 grams - 50.00
Beef Tapa 200 grams - 90.00

Bukod sa Nakabola Meals nila ay mayruon na din silang Foodcart sa loob mismo ng SM Angono .

Ito ay ang Nakabola Ice Jelly.


These are crushed ice and milk topped with the following flavors :

Brownie Fudge which is their Bestseller
Coffee Crumble
Saba And Corn
Cheesy Nachos
Mango Float

All for 35.00 only per order


And for this month of March they have a promo where you can buy 3 orders for 100.00 only

Plus the Cheesy Nachos will be priced 30.00 only for the whole month of March.

Kaya sugod na tayo sa kanilang first ever foodcart branch in SM Angono ground Floor.

Sabi ng mag-pinsan ay may plano din silang ipa-franchise ang kanilang business in the near future but for the mean time ay gusto muna nilang ma-improve at palaguin ng husto ang kanilang napiling negosyo bago nila ito isabak at iarangkada sa todo at bonggang marketing.

So watch for it.

In the meantime for any inquiries about their food products just call 664-7257

Or visit their Facebook page here: NAKABOLA FACEBOOK

Enjoy : )














No comments:

Post a Comment