TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 26, 2015

Mga Nakatagong Senyales Na Ikaw Ay Isang Mahirap - Pinoy Philosophy

I must share this blog article from here PINOY PHILOSOPHY


Mga nakatagong senyales na ikaw ay isang mahirap


Poverty is a disease. A pandemic disease. For example, the dreaded disease: cancer. We must know the underlying causes of cancer. And of course, to treat that disease, we must first know that you have the disease. We must be aware of its symptoms. Many symptoms are obvious. But some, the deadliest one, are asymptomatic – meaning, we don’t feel the disease, there are no signs and symptoms, we’re not aware; but we manifest the disease already and the condition is worsening.
For that analogy, you cannot achieve financial literacy if you don’t have complete awareness of yourself, especially if you are not aware of the hidden signs and symptoms of poverty.
Okay, enough for the introduction (and the serious tone of this article.)
For this writing, I will write it in my native language (Filipino) and I intended to write it in a humorous way. I had chosen to do so, so every Filipino can easily get entertained and understand this article; because I observed many Filipinos are “asymptomatic”. My first concern is for my fellow countrymen. And all I really wanted is to increase their awareness.
Ito na talaga, “wala nang madaming palabok.”
Para sa listahan:

1. Pumipila ka nang mahaba sa ATM pag araw na ng sahod.
Malalaman na natin agad na araw na ng 15 at 30 dahil sobrang mahahalata mo na 'pag nasa labas ka, lalo na sa mall, at sa trapik ng mga lansangan sa Maynila, at mas lalo na sa haba ng mga pumipila sa ATM machine.
Mag-wiwithdraw ka kahit pa 'yung pila sa ATM ay kasing haba ng pila sa Wowowee, o pila sa pagkuha ng NBI clearance. Kasi, naubos na kaagad ang pera mo ilang araw pa lang bago ang payday, kaya pagpatak ng araw ng sahod, dali-daling pumipila sa ATM para makakuha ng pera.
O kaya pag wala naman sa iyo ang ATM mo – nasa pangangalaga ni Misis, o kaya mas malala, nasa-sanglaan ng ATM card – isa ka sa mga interesado sa sagot sa Frequently Asked Questions 'pag payday na: “May sahod na ba?” O kaya, “May pumasok na ba na pera sa ATM?”
At ang masama pa diyan, yung winiwithdraw mong pera sa ATM nung araw ng sweldo, ipinangbabayad mo lang kaagad sa utang kasi naubos na ang pera mo ilang araw bago pa yung araw ng sahod. (Aray!) Ano kaya ang pinag-gagawa mo sa pera mo? “Pinapa-ikot” mo ba, in a bad way?

atm long queue philippines
2. “Pag nanalo ako sa lotto” mentality
“Pag nanalo ako sa lotto, bibili ako ng sariling mansyon ko. Tapos magbabakasyon muna ako sa France. Pagbalik ko, bibili ako ng sports car, yung red. Tapos mag-gogolf ako ng may madaming guwardiya, baka kasi makidnap ako.”
Tapos ang reply sa iyo ng kausap mong kontrabida, “Paano ka mananalo? E hindi ka naman tumataya!”
Pero 'pag nalaman niya na tumaya ka na, kakampi mo na siya, at sasabihin, “Pre, balatuan mo na lang ako pag nanalo ka ha!” Hahaha.
Sabi nga ng bandang Kamikazee, “Libre lang mangarap, managinip ka habang gising.” Habang gising, hindi habang tulog!
Kaya ito, literal na gising na gising ang karamihan, pag may “lotto craze” (yun yung pag mataas na ang jackpot).

Tapos gising na gising yung mga nakapila, makikita mo sa mukha nila na sabik na sila manalo, parang “woooooow, sana ako na ang susunod na magiging instant milyonaryo.”
Alam mo ba na kahit hindi pa uso ang lotto noon, may sinabi na ang Diyos patungkol dito? Ang sabi sa Bibliya, sa Proverbs 13:11, “Wealth gained hastily will dwindle, but whoever gathers it little by little will increase it.”
Totoo ito! Madami ng jumackpot sa lotto ang naghihirap din pagkatapos lang ng ilang buwan at taon? Instant yaman e. Walang pinagkaiba ito sa mga dating boksingero o artista o NBA player na mababalitaan mo na lang na naghirap bigla.
Kahit sabihin mo pa na, “Pag nanalo ako sa lotto, uunahin ko ang mag-donate ng 10% ng mapapanalunan ko para sa church.”

3. Sobrang maluho na wala sa lugar
“Ubos ubos biyaya, pagkatapos ay nakatunganga.”
“OK lang basta nasa uso.”
May mga tao na dapat silang laging “in” — may laging latest model ng iPhone o Samsung Galaxy — pero 'pag may emergency na walang mailalabas na pera. O baka para sa kanila, emergency ang pagkakaroon ng gadget sa mall. (Oops! Natatamaan ako.)
Okay lang naman na bumili ka ng magagarbong gamit, lalo na kung “pitik” lang yun sa dami mong pera, at alam mong madali lang bawiin iyong ginastos mo (as in madali). Ang hindi lang maganda ay bili ka ng bili ng latest na gadgets o sapatos o magagarbong damit o kung ano-ano pa, pero wala ka namang emergency funds (yung totoong ha!)
Ang mas masama, inutang mo lang naman yung pangbili mo. Bugtong bugtong hulaan ninyo: “easier to swipe, harder to pay.” Tapos sabay biglang titipirin yung pagkain, o kaya nag-promissory note yung anak mo kasi kulang ang pangbayad ng tuition. Sabi nila, “your cellphone reflects who you are.” Sauce. Marketing strategy lang ito ng mga manufacturer ng cellphone. Hindi ka naman magiging mayaman sa ginagawa mo — mayabang pwede pa!
You know what’s cool? Pansinin mo yung ibang totoong mayayaman na tao diyan, hindi naman maluho, yung lumang Nokia pa rin yung gamit (basta nakakatext at tawag, pwede na). Eto kilala nyo:
jaime zobel de ayala nokia cellphone
Yan ang totoong angas!
Kaya nga sila yumaman, kasi disiplinado, at hindi sila maluho. Sabi nga ni Boy Abunda, “proud to be kuripot!”

4. Pa-bonggang lifestyle
Sa picture sa ibaba, sa palagay ninyo, sino sa dalawa ang may mas mataas na kita? net worth?
higher net worth - rich or poor

Kahit karamihan hindi alam ang ibig sabihin ng salitang “net worth”, obvious naman ang sagot e: siyempre yung letter A. Pero maaaring mali tayo.
Madaming tao ang nagpapa-bonngga lang, mayaman kung tignan, yun pala marami rin palang utang. Yung taong grasa, kahit walang assets, wala rin naman liabalities, so therefore, zero ang net worth niya — at least hindi negative! So technically, mas lamang siya sa iyo! Nagulat ka noh?
Walang problema sa bonggang lifestyle, kung talagang mayaman ka! Yung mga madalas naiinis kay Mommy Dionisia Pacquaio dahil sa mga bagong designer bag at “pa-ballroom-ballroom-na-lang” na lifestyle niya, well, tanggapin niyo na na inggit lang kayo, dahil siya, madaming pera!
Etong bonggang lifestyle na tinutukoy ko ay kakambal ng pagiging maluho. Ikaw ba yung tipong “social climber” kung tawagin? Starbucks ng starbucks, gimik ng gimik, party ng party — pero uuwi rin naman na naka-jeep, makikipag-siksikan sa MRT at makikita mo rin sa sarili mo yung ibang signs nang pagiging mahirap na nakalista dito. Tapos habang umuuwi na, kakantahin ang kanta ng Yano, “Tapos na ang saya, balik sa problema.”
Tapos idadahilan nila, “YOLO!” Ewan ko kung ano meron sa expression na “You Only Live Once.” Totoo nga, pero, hindi dapat ito maging “escapegoat” para i-justify natin ang mga alam naman natin na hindi tamang mga ginagawa natin.
Madami diyan isang kahig, isang tuka, kahit pa nakapambihis mayaman, kahit nagtatrabaho ka pa sa Ortigas Center, o sa Libis, o sa Ayala, o Bonifacio Global City. Hindi sila nalalayo sa mga blue-collar na workers. Ang napapansin ko, at least karamihan ng mga blue collar workers ay responsable sila para sa pamilya nila, katulad ng mga construction workers; kaysa naman sa mga taong nagyoyosi sa paligid-ligid, ikakalat ang cigarette butts sa tabi ng sidewalk, ifa-flash ang kanilang magarbong cellphone, at makikipag-usap sa kabilang linya gamit ang “fake accent.” (222 lang naman ang kausap, hahaha.)
Baka nga mas mayaman pa ang katulong e. Kasi may naiipon. Pag-aralan ang mga pictures  na ito:
boom panesempleyado vs inday
Sabihin na natin na medyo pilosopo ang mga illustrations na nasa taas, pero may sense naman, diba?




5. Utang nang utang
Ang sagot sa bugtong sa itaas na “easier to swipe, harder to pay”, ay Credit Card.
Ito, nauna nang madalas kong banggitin ang about sa utang. Ok lang kung t, lalo na sa negosyo: iyon yung alam mo na maibabalik ang kapital, mababayaran mo ang utang mo, plus may tubo ka pa. Ang problema ay kung hindi ma-control na mangutang nang mangutang, o i-manage ang pinagkaka-utangan, nahirapan ka nang bayaran na ang naiisip mong solusyon is magtago na lang, something is wrong.
May kakilala ka ba na kapag nangungutang siya ay ang bait bait, pero pag siya na ay sisingilin mo na, siya pa ang galit! Sasabihin niya, “Badtrip ka naman pare e! Ngayon ka pa maniningil! Kita mo nang hirap pa ako sa pera e!”
Kung dati, yung may utang ang hindi “nakakatulog”, ngayon iba na: yung nagpa-utang ang hindi na makakatulog dahil hindi makasingil.
Masakit sa kalooban ang nakakakita ako ng ating mga kababayan na baon sa utang, lalo na sa 5-6, na parang ang tanging binabayaran lang nila ay yung tubo.
Ok na yun, basta may bagong LCD TV, at Android na cellphone. (Sarcastic mode)

6. Umaasa ka pa sa mga magulang mo kahit tumatanda ka na. At para sa mga matatanda na (mga retirado), umaasa ka naman sa anak mo.
“If you are born poor, it’s not your fault. But if you die poor, it’s your fault.” – Bill Gates
Nakakalungkot pagmasdan 'pag may nakikita tayong mga matatandang tao na patuloy pa rin silang nagtatrabaho — lalo na yung manual labor: mga jeepney drivers, nagbebenta ng kung ano-ano sa lansangan, etc. Tapos aabutin pa ng hating gabi dahil kailangan para mabuhay lang sila. Nakaka-awa.
I know the Lord will bless them in the afterlife. “Blessed are the poor, for theirs is the Kingdom of God.”
Saludo ako sa mga taong kahit matatanda na, ay patuloy na nagta-trabaho, dahil sila ay napaka-responsable.
Kaso lang, ay ito, mahirap man sabihin ito: pero in a way, responsable din naman sila kung bakit humantong silang ganon. Marahil dahil hindi nila napaghandaan ang kanilang kinabukasan, o  marahil ang mindset nila, “aasa na lang ako na ‘ambunan’ ako ng mga anak ko, tutal pinalaki ko naman sila. May utang na loob naman sila sa akin.”
Hindi ko alam kung anong mali sa mindset nilang ito, lalo na sa mga Pilipino. Utang na loob ?Hindi e. Basta may mali, pasensya na kung hindi ko lang maipaliwanag, at inaamin ko yun. (Pero aalamin ko iyon!)
Ang alam ko ito ang malinaw na mali: Malaki ka na, kaya mo na magtrabaho, o minsan may trabaho na nga e, kaso umaasa ka pa rin sa magulang mo. “Palamunin” ka pa nila. O kaya “mayaman naman si Papa.” 'Pag hindi napagbigyan ang kagustuhan mo, ikaw pa ang may ganang magalit. Ano ka bata? Bakit hindi mo pagsikapan sa sarili mo ang mga bagay na iyong kagustuhan?

7. Reklamo nang reklamo
Pakiramdam ng mga mahihirap ay biktima sila ng sirkumstansya —  nang dahil nakatira sa squatters’ area, nang dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral, etc. At ang paborito ng lahat: nang dahil sa kasalukuyang gobyerno.
“Kasalanan na naman ni PNoy ito!”
Bakit may ibang yumayaman naman sa panahon ni PNoy e?
“Edi, kasalanan ni Gloria, Binay, Erap, ”
Bakit sila Henry Sy, sama mo na yung may-ari ng Jollibee na si Tony Tan Caktiong, yumayaman. E pare-pareho lang naman tayong set ng mga naging at kasalukuyang politiko.
“E Intsik sila e. . . E sira kasi MRT e. . . E hindi kasi ako year of the Dragon e. . . E kasi 'yung kapitbahay namin kasi videoke ng videoke e. . .”
Ang dami mong dahilan! Lahat sinisi mo. Reklamo nang reklamo.
Bakit hindi ka na lang magpasalamat? Buti nga may pang internet ka, nasa harap ka ng computer o kaya may hawak ka na gadget at nababasa mo itong blog. Buti nga nakakakain ka pa sa hapag-kainan. . . Madaming bagay ang dapat natin pasalamatan, pero pinipili pa natin magreklamo nang magreklamo. Isipin mo kung ikaw ang Diyos, sinong mas bibiyayaan mo: yung taong laging nagrereklamo o yung taong laging nagpapasalamat?
Hindi dahil sa iyong kasalukuyang sirkumstansya kung bakit na-impluwensyahan ang pag-iisip mo; kundi dahil sa iyong kasalukuyang pag-iisip kung bakit na-iimpluwensiyahan mo ang sirkumstansya mo.

8. Binabasa mo itong blog na ito
Hahaha. Ito ang twist sa article na ito. Nagbabaka-sakaling may isang “asymptomatic” signs ng poverty ka, at gusto mo itong malaman, kaya umabot ka sa puntong ito. Hahaha. Salamat sa pagbabasa, pero sorry.
Kung alam mo naman sa sarili mo na totoong mayaman ka, hindi ka naman magiging interesado sa article na ito in the first place, (unless na lang kung gusto mo makatulong sa mga mahihirap).
Pero para sa akin, hindi naman natin kasi kailangang alamin kung paano nagiging mahirap ang mga mahihirap. Paano pa kaya yung senyales ng pagiging mahirap. Bakit may magagawa ba tayo?
Alam ko na para maunawaan natin ang isang bagay, kailangan may kahit na kaunting idea kung ano ang dahilan nito. For example, kagandahan . Para ma-appreciate natin ang kagandahan, dapat alam natin kung ano ang panget. Ganoon din sa pagiging mayaman, dapat natin alamin kung ano ang pagiging mahirap. Ganito umiikot ang mundo sa simula’t sapul. Mabuti sana kung puro kagandahan at kayamanan lang ang meron sa mundo. Mga kagandahan lang ang ipinakilala sa atin. Pero hindi e.
Siguro kinontradict ko yung sinabi ko sa simula na “we must know the underlying cause of the disease.” Pero hindi na natin kailangang halukayin pa ang puno’t dulo ng kahirapan. Alam natin sa sarili natin ang puno’t dulo, kung magmumuni muni tayo. Alam natin 'yun sa sarili natin, at hindi sa iba. Oo nga may magagandang turo ang iba, pero na sa atin pa ring mga kamay ang ating ikakaunlad.
E paano pa kaya kung “mali” pa ang turo ng iba? Ang tendency sisisihin mo sila, kaya mali.
Ang concern natin ay ang gamot sa kahirapan. Ang concern natin ay ang solusyon sa kahirapan. At para masolusyonan ang kahirapan, kailangan magsimula muna tayo sa sarili natin para pagyamanin ito. Walk the talk.
Ang concern natin is ma-appreciate ang mga magagandang bagay. Ang buhay ay maganda.
Pakialaman muna natin ang sarili natin bago ang iba. Yun ang malaking bagay na puwede nating maitulong sa Diyos. At nang matulungan na natin ang ating sarili, saka tayo magbigay sa kapuwa, mas maganda na ikaw ang maging inspirasyon sa iba. Hindi mo naman kaya ibigay ang isang bagay kung ikaw mismo ay wala nito.
Marahil ay naging judgmental ako. Pero sinulat ko ang article na ito “Just for the sake of conversation lang,” kaya ko naisipang i-post ang aking saloobin. At hinihikayat ko ang lahat na magkumento ng kaniya kaniyang opinyon.

1 comment:

  1. I like this post. Napakamapagmatiyag sa paligid.

    ReplyDelete