TRAVELBOOK NOW!

Saturday, March 28, 2015

Improvised dog leash

At dahil kailangan ko nang itali ang aking puppy na si Blownie kapag iginagala ko siya tuwing umaga , pumunta ako ng Masinag para bumili ng dog leash.

At nang makakita ako ay nalaman kong 115.00 ang isa.

Umiral na naman ang kakuriputan ko.

Siyempre naman , eh pang bentelog ko sa hapunan  ang perang iyan noh he he he.

Kaya nag-isip akong mag-improvise na lang ng dog  leash.

Biglang kumislap ang bumbilya sa itaas ng ulo ko ( mala - Albert Einstein ang picture ha )

Parang ganito lang oh :

Hayan at naghalungkat na ako sa mga lumang baul sa bodega.

May nakita naman ako.

Heto.

Isang lanyard mula sa Authority Hoodie.



At isa pang lanyard mula naman sa Canon.


At isang chain o kadena.


Ganito lang 'yan.

Ikabit ang unang lanyard ( Authority Hoodie ) sa unang bahagi ng chain o kadena.


Matapos ito , ay ikabit naman sa dulo ng kadena ang pangalawang lanyard ( Canon )


Presto , nakabuo na ako ng isang matinong dog leash , o debah ha ha ha .


Puwede na ngayon siyang gamitin para kay Blownie.

Sponsored pa ng Canon he he he he.


Ayan na siya oh , sitting pretty with her new improvised leash.



O debah naman , ako na ang creative ha ha ha.

Take it from me , gamitin lang ang kaunting creative juices na tumataktak sa utak para makatipid.

Sa panahon ngayon kailangan ay praktikal para hindi mapagastos nang mahal.

At  kaunting halungkat lamang mula sa mga inaagiw na lumang baul.

Kaya ang natipid kong 115.00 na pambili sana ng dog  leash ni Blownie.

Ibinili ko na lang ng dog food niya .



Ha ha ha ha ikaw na Edgar !

1 comment:

  1. Hahaha. Albert Einstein levels ang idea mo hehe. Oo nga, sa panahon ngayon mahirap nang kitain ang anda noh.

    ReplyDelete