TRAVELBOOK NOW!

Friday, March 20, 2015

Hinulugang Taktak

Dahil sa blogpost ng katotong si Zai Salonga sa kaniyang blog na Rebwisiting Antipolo  tungkol sa Hinulugang Taktak Falls sa Antipolo ay naganyak din kaming magpunta sa nasabing lugar.

Kami na ang gaya gaya puto maya at inggitero much he he he.

Salamat na din sa post na ito ni Zai dahil nabigyan kami ng tip at warning  bago dumako sa lugar .

Bow kami sa iyo Zai(do) : D

At nito ngang nakaraang Sabado ay gumora ang mga lola n'yo sa Hinulugang Taktak.

Sabi nga sa kanta 'di ba :

" Tayo na sa Antipolo

At duo'y maligo tayo

Sa talon na kung tawagin

Ay Hinulugang Taktak "

O ha tanda ko pa 'yan he he he.

Ang pangit (ko) naman kasing tingnan na ako mismong tagarito sa Antipolo ay ni hindi pa nakikita ang ipinagmamalaking tourist spot na ito sa Antipolo.

Iyan ang tinatawag na dayuhan sa sariling bayan.

Dahil sa populasyon at dami na ng taong tumira dito sa Antipolo ay dumumi na rin ang talon na ito dahil sa mga basura at kemikal na itinatapon dito.

Kaya nga pansamantala itong isinara para sa renovation.

Salamat na lamang sa bagong pamunuan ni Mayor Junjun Ynares at siya ang nag-initiate ng renovation na ito.

At nagbukas na nga ang newly-renovated Hinulugang Taktak picnic grove and resort park .

Magmula sa Gate 2 Cogeo ay sumakay kami ng kaibigang Rommelita ng tricycle at nagpahatid sa mismong gate na ng park.

50.00 ang bayad sa tricycle.



Sinalubong naman kami ng mga magigiliw na staff ng parks .

Hindi naman sila mukhang intimidating he he he.

In fact they are very welcoming.

Kulang na nga lang ay i-escort kami pababa sa mismong park he he he.

Walang bayad ang entrance for the meantime.

Dahil ayon sa mga staff mismo , by the time na fully opened na ang park ay maniningil na rin sila ng entrance fee between 50.00 to 80.00 sometime in April.




Masarap ang simoy ng hangin at maaliwalas ang paligid nang kami ay dumating.

Totoo nga na malinis na ang park mula sa mga basura.


Maraming itinayong picnic hut sa paligid na puwede ninyong pagdausan ng mga salu-salo o pag-uusap o bonding time bilang mga pamilya o magkakaibigan.

Kung tungkol naman sa talon mismo , medyo kaaya-aya nang tingnan ang paligid nito.



may Valentine atmosphere pa rin sa lugar huh
Nasabi kong medyo dahil hindi nga lang kainaman sa pang-amoy ay ang hindi maipaliwanag na " aroma " ng tubig nito na tila pinaghalong kemikal at basura.

Ang sabi ng mga staff ay trini-treat pa rin daw nila ang tubig nito para maalis ang kakaibang " aroma " nito.

At ang dagdag pa ng mga staff ay nilalaliman din daw o drini-dredge ang lupa sa paligid ng talon ganundin ang kanal na lagusan nito para daw puwede na ang boating rides sa paligid nito.

taray huh nakapamewang pa

look sa sky 

rules and regulations for you to observe
Mayruong malaking swimming pool ang nasa gitna ng park.

ang lonely ng swimming pool , wala ang partner niyang tubig 
Subalit wala pa itong tubig .

Ang sabi nila ay by April pa daw ito malalagyan ng water para sa mga swimming events.

Sa aking nakitang improvements na ginawa sa pinakamamahal na Hinulugang Taktak ay masasabi kong job well done ang ginawa ng kasalukuyang pamunuan.

Sana nga lang ay hindi ito maging ningas kugon na paglaon ay mapapabayaan na naman ng mga susunod na administrasyon.

Na pangalagaan sana ang ating yamang kalikasan from this generation to the next generation.

ang wishing well , parang gusto kong kunin ang mga barya sa loob he he

ang spring water that we dare not to drink
Kaya sa mga naghahanap ng mapapasyalang lugar ngayong summer , muli ninyong dayuhin ang Hinulugang Taktak sa Antipolo.

At I am sure na mai-enjoy ninyo ang inyong mamamasdang kariktan ng lugar.

Minus the mysterious " aroma " na nga lang sana next time na mag-visit ulit kami.

Tandaan lamang na bawal ang magkalat at magtapon ng basura sa basurahan ayon sa warning ni Zai he he he : )

At pagkatapos nito ay tumuloy kayong magsimba naman sa Simbahan ng Antipolo na malapit lamang dito.




At mamili ng mga masasarap na pagkain gaya ng ibos , suman sa lihiya , kasoy , mani at iba pang mga native kakanin na itintinda sa mga stalls na nakapalibot sa Simbahan.

At bilang mga true blooded cowboy ay nakipila na din kami sa dinudumog na stall ng mga street foods malapit sa Simbahan .


Hmmmm ,sarap naman.

At bilang panulak ay itong malamig na lychee juice naman ang aking nilaklak para something new to the taste buds.





So ano pang hinihintay ninyo?

Tayo na sa Antipolo !

1 comment:

  1. Hi! Pano po magpunta ng hinulugang taktak from antipolo church by commute?

    ReplyDelete