TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 5, 2015

Dearest Kuya Edgar

Sa araw pong ito ay ating tunghayan ang dalawang liham na aking natanggap mula sa ating mambabasa:

Dearest Kuya Edgar ,

Bago po ang lahat ay isang magandang araw sa iyo.

Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa at aaminin ko sa iyo na ako ay isang bakla.

Ang problema ko po ay tungkol sa aking boyfriend.

Merun po akong boyfriend at mahal na mahal ko po siya.

Halos mag-iisang taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong.

Masaya po sana kaming nagsasama ng aking asawa.

Kung hindi lamang po dumating ang isang problema.

Lately ay halos araw araw kaming nag-aaway at nagbabangayan.

Ang masama pa ay nagkakasakitan na din kami ng pisikalan.

Ang dahilan ng lahat ng ito ay ang kaniyang dating jowang bakla na si Maui.

Nalaman ko na lang na patuloy pala silang nagkikita ng lihim nang hindi ko nalalaman nitong si Maui.

Kung hindi pa dahil sa isang Facebook post ng baklang iyon ay hindi ko pa madidiskubre ang kataksilan ng aking boyfriend.

At ang masama ay hindi ito inaamin ng aking asawa.

At ito ang madalas na dahilan ng aming awayan.

Ang nais ko lamang naman ay maging tapat siya sa akin at hindi na makipag-komunikasyon sa baklang iyon.

Subalit hindi niya ginagawa.

Ang masaklap pa nito ay lagi din akong iniinis at inaasar ng baklang ito sa pamamagitan ng pagpu-post ng kung anu-anong picture sa Facebook nito kung saan ay magkasama sila.

At minsan ay nabalitaan ko pa na pumupunta sa trabaho nito ang baklang ito at sinusundo ang aking jowa.

Kuya Edgar sana ay mapayuhan mo po ako.

Hindi ko na po alam ang gagawin ko.

Ayaw ko siyang mawala sa aking buhay dahil mahal na mahal ko po siya.

Halos buong buhay ko ay ibinigay ko na sa kaniya.

Pero ayaw naman niyang tumigil sa pakikipagkita sa kaniyang dating karelasyon na labis na nagpapasakit sa aking kalooban.

Ang masakit ay inamin din niya mismo sa akin na mas mahal daw niya ang dating baklang ito na nakarelasyon niya.

Sinubukan ko siyang paalisin sa aking bahay isang araw ngunit hindi ko rin nagawa.

Dahil nuong siya ay nag-iimpake na ng kaniyang mga gamit at naghahanda nang umalis ay akin siyang pinigilan nang lumuluha.

Kuya hindi ko siya kayang mawala sa piling ko.

Ang sabi niya ay gusto na daw niyang lumisan sa piling ko at palayain ko na daw siya.

Pero hindi ko kaya.

Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa ang mawala siya sa buhay ko.

Ano po ang gagawin ko Kuya ?

Sana ay mapayuhan mo ako bago maging huli ang lahat.

Sapagkat nag-iisip na siyang lumayas sa aking bahay at muling makisama sa baklang iyon.

At ito ang  hinding hindi ko matatanggap.

Ang ipagpalit ako ng lalaking minahal ko sa ibang bakla.

Mas mabuti pang wakasan ko na din ang aking buhay bago ito mangyari.

Hihintayin ko po ang inyong payo sa lalong madaling panahon.


Nagmamakaawang humihingi ng tulong at payo ,

CHRIS


Dearest Chris,

Huminahon ka at maghunos dili sa iyong iniisip Chris na magpakamatay.

Narito ang isang payo mula sa iyong Kuya Edgar.

Nauunawaan ko ang iyong kinalalagyan .

Mahirap nga naman para sa isang tulad mo na nagmahal ng isang lalaki.

Damang dama ko ang paghihirap ng iyong kalooban dahil ang minamahal mong lalaki ay may iba palang minamahal na katulad mo rin ay isang bakla.

At ang baklang ito ay nauna sa iyo na maging karelasyon niya.

Hindi ko huhusgahan ang iyong boyfriend kung totoo ngang mahal pa niya ang baklang ito. Subalit sa kabila ng katotohanang nagpapatuloy pa din ang pakikipagkita niya dito ay maaari ngang mahal pa din niya ito.

Bukod pa sa inamin niya mismo ito sa iyo.

Ito ang katotohanang masakit tanggapin.

Na ang mahal mo ay may mahal palang iba.

Unang una ay hindi natin matuturuan ang puso ng ibang tao na piliin kung sino ang kaniyang mamahalin.

Dapat nating malaman na hindi natin puwedeng ipilit na mahalin tayo ng isang tao kung ayaw niya.

Sapagkat ang pag-ibig o pagmamahal ay hindi hinihingi bagkus ay kusang ibinibigay ng isang tao sa kaniyang kapwa.

Sa kaso ng iyong boyfriend ay inamin niya na mahal pa rin niya ang kaniyang unang nakarelasyong bakla patunay ang patuloy niyang pakikipagkita dito at ang kagustuhan niyang palayain mo siya at lumisan sa inyong tahanan.

Ang magiging payo ko para sa iyo ay ito :

Nawa ay matanggap mo nang may maaliwalas na kalooban  ang hiling ng iyong boyfriend na palayain mo na siya.

Unang unang dapat mong matutunan ay ang pagtanggap sa katotohanang may ibang mahal ang iyong boyfriend at hindi ikaw iyon.

Bagamat masakit at mahirap ay kailangan mo itong gawin sapagkat ito ang tama.

Inamin at hiningi na mismo ito sa iyo ng iyong boyfriend kaya pag-aralan mong ipagkaloob mo na ito sa kaniya.

Isa pang dahilan ay ang madalas ninyong pag-aaway at humahantong pa sa pisikalang sakitan.

Ibig sabihin ay mahihinto lamang ang ganitong mga pangyayari kung magpaparaya ang isa sa inyo.

At iyon ay walang ibakundi ikaw.

Huwag mong ipaglaban ang isang bagay na alam mong sa umpisa pa lamang ay talo ka na .

Tama na ang pagpapahirap mo sa iyong kalooban gayundin ang sa iyong boyfriend.

Magpapatuloy lamang ang inyong sakitan hanggat hindi humihiwalay ang isa sa inyo.

Kayat maiging gumawa ka ng isang desisyon na magbibigay laya sa  inyong dalawa.

Isang desisyon na magpapalaya sa iyo sa lalong madaling panahon.

Sa umpisa lamang naman masakit ang lahat .

Subalit makikita mo na sa paglipas ng panahon ay matututunan mo din siyang kalimutan.

And in no time at all ay ni hindi mo namamalayan na hindi mo na pala siya naaalala.

In the meantime para mas madali kang makalimot ay iukol mo ang iyong buong pansin at lakas sa ibang mas makabuluhang bagay na magpapabuti sa iyong buhay katulad ng mga bagong negosyo at karunungan.

Makakabuting humanap ka rin ng mga bagong kaibigan at kakilala upang mas mapadali ang paghihilom ng iyong sugat.

Nawa ay sundin mo at makatulong aking payo sa iyo.

At huwag mong gagawin ang iyong iniisip na pagpapakamatay.

Hindi ito ang solusyon sa iyong problema.

At lagi mong iisipin na mas madami pang ibang tao na mas mabigat ang problema kaysa sa iyo subalit ito ay kanilang napagtagumpayan at nalagpasan.

Sa tulong na din ng pananalangin sa Diyos at gabay ng mga mabuting kaibigan.


Nagmamahal ,

Kuya Edgar


Hello Kuya,

Ako po pala si MacMac.

ako po ang boyfriendng letter sender nyo na si Chris.

Ikinalungko t kolang po na ibalita sa inyo na wala an po ssi Chris.

Opo , nagpakamaty po siya gaya ng kanyagn sinabi s ainyo sa sulat .

Iniwan ko po sha at sumama kay Maui.

Nagulat na lang poako na sinabi ng isa naming kaibigan na nagpakamatay daw siya spa mamagitang pagbigti .

Nakakalungkot po Kuya at parang sinisisi ko ang sariliko sa pagpapakamatay nya.

Pero wala po akn magawa at huli na anglahat.

Sanasa pamamagian ng sulat n aito ay malinsi ang aking kunsensya.

At mapatwad ako ni Chris sanmna siya naruruon ngayun.


Macmac

Ito ay isang opisyal na lahok para sa patimpalak ng Saranggola Blog Awards

No comments:

Post a Comment