TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 12, 2015

Year of the Pig/Sheep forecast

Ganda naman ng prediction sa akin for this year of the sheep 2015.

Year of the Pig ako kaya ito ang aking fearless forecast courtesy of  Robinsons Metro East.


Ayon diyan ay generally magiging ayos naman ang Year of  the Sheep 2015 ko.

Ang sabi pa ay makaka-meet daw ako ng mas maraming tao at mga bagong kakilala this year at lalo na iyong mga nasa alta-sosyedad o higher-ups  at may sinasabi sa lipunan.  Walang basagan ng  trip huh. Magkatotoo nga sana ito dahil dream kong maging sikat at prominente sa lipunan in the near future ha ha ha . Yung kasingsikat lang ni Kris Aquino o Vice Ganda ay puwede na ha ha ha. Taas ng pangarap ano. Hindi kaya mahulog ako mula sa kinauupuan ko? Well libre lang naman ang mangarap di ba at walang masama. At saka ano bang masama kung maniwala sa hula he he he.

Ang sabi pa dito tungkol naman sa career ay mare-reward daw ang aking mga pagsisikap na ginagawa ko sa aking company na pinaglilingkuran sa kasalukuyan.

OMG , isa pang forecast na pinapangarap kong sana ay magkatotoo. Kung magkataon ay magbe-base na ako sa Malaysia if ever na mapansin nila ang aking E is for Effort sa aking trabaho. Aba napakahirap kayang magbiyahe sa kung saan -saang lupalop ng bansa 'noh.

Tungkol naman sa financial matter ay okay din daw. Magbubunga na daw ang mga investment na inilaan ko last year. Hopefully ay tumubo na yung investment na inilagay ko sa isang cooperative and mutual fund. Oppss huwag ninyo akong pagtangkaang kidnapin at holdapin ha dahil hindi naman milyones ang investment ko dito. Mga nasa 500.00 lang yun he he he.

Sa lovelife naman ay more practical side pa din daw ako. In short , nganga pa rin ang status ko  this year, kalokah. Mas matimbang pa rin daw ang career , family and social life ko kesa sa lovelife. Parang totoo naman ito ha ha ha. So sa aking lovelife, set aside ka pa rin this year as usual he he he.

And lastly ay sa aking health ay lalong magiging maayos daw in the whole year to come. Basta daw ituloy tuloy ko ang exercise regimen na nasimulan ko this year. True nga dahil mayruon akong exercise routine every dawn of the day. Sarap kayang mag-exercise tuwing umaga . Bet ko kasi si Sir Yoyoy Villame.

Hayyy , nakaka-good vibes naman ito .

Very positive at sana nga ay magkatotoo for the whole year through.

What a fitting prelude  to celebrate the coming Chinese New Year on February 19.

Kung Hei Fatchoy everyone!

6 comments:

  1. Good for you. Sana matupad nga ang mga hulang iyan para sa'yo. Ano naman kaya ang hula para sa isang Year of the Rat na katulad ko?

    ReplyDelete
  2. Walang sa year of the dog? lolz

    ReplyDelete
  3. @ Beki sana nga matupad ang mga iyan for me
    @ Rix merun duon sa Robinsons Metro East kaso di ko napicturan he he he ...

    ReplyDelete
  4. wow! Congratulation. May your dreams come true!

    ReplyDelete
  5. wow! Congratulation. May your dreams come true!

    ReplyDelete
  6. wow! Congratulation. May your dreams come true!

    ReplyDelete