TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, February 3, 2015

Remember Mamasapano - #Fallen44

Bagong bago pa lamang na  sumisibol ang taong 2015 ay heto at binulaga na tayo ng isang karahasang hindi malilimutan sa kasaysayan ng bansang Pilipinas .

Ito ay ang pagkamatay ng 44 na magigiting na mga kapulisan ng Special Action Forces o SAF ng PNP.


Ito ay nangyari sa Mamasapano Maguindanao.

Kalunos lunos ang sinapit ng 44 na mga pulis dahil walang awa silang pinaslang nang walang kalaban-laban .

Diumano ang grupo nila ay nakatakdang dakpin ang international terrorist na si Marwan.

Subalit dahil sa palpak na intelligence report at sa kung anong kadahilanan ay naipit sila sa isang madugong bakbakan at na-trap sila sa isang lugar kung saan ay wala silang ibang lalabasan kung kayat madali silang nakubkob  ng mga kalaban.


Isa daw itong patibong kung saan ay tila mga hayop na isinulong ang mga pulis patungo sa naghihintay na nakaambang kamatayan.

Ang resulta ay 44 na buhay ang maagang nalagas dahil sa kapabayaan ng iilan.

Kung sinu sino na ang nasisi at siyang pinupukol ng bato na siya umanong may dahilan ng nasabing trahedya.

Subalit sa ganang akin ay hindi  mahalaga ang sisihan sa panahong ito.


Ang mas mahalaga para sa lahat marahil ay ang mag-alay ng dasal at panalangin para sa mga nasayang na buhay ng mga magigiting na pulis.

Masakit para sa marami ang nangyari lalo na sa mga pamilyang naulila ng mga namatay.

Subalit sa panahong ito ay sinsero o tapat na pakikiramay ang kailangan ng nasabing mga naulilang pamilya at hindi yung pag-epal at pagsakay ng ibang mga tao sa isyu na may pansariling interes.

Itigil muna ang mga pasaring at panghuhusga.

May tamang panahon para diyan.

Siyempre naman ay kinakailangan na may managot dahil sa pangyayaring ito.

Hindi puwedeng basta na  lang kalimutan at iwaglit ito sa malay ng mga mamamayang Pilipino.

Marapat lamang na gumulong ang hustisya at papanagutin ang mga maysala maging ang Pangulo man iyan o ang mga matataas na lider ng ating gobyerno.

In the meantime ay nakikiramay ang espasyong ito sa mga naulila ng nasabing trahedya na kailanman ay nakatatak na sa puso at isipan ng mga mapagmahal sa kapayapan at katahimikan ng ating bansa.

Saludo po ang buong sambayanan sainyo.


Remember Mamasapano.

You are all greatly admired and remembered and honored #TheFallen44 .

Honor and salute be to all of you our fallen heroes.




2 comments:

  1. Nalungkot din ako nang nabalitaan ko yan. Nakikiramay din ako sa pamilyang naiwan nila. Parang ayaw ko na ngang manood ng news kasi nakakaiyak. Sana manaig na ang hustisya at mapanagot na ang dapat mapanagot.

    ReplyDelete
  2. So tragic. May they all rest in peace .

    ReplyDelete