TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 19, 2015

Pizza Ng Ina Mo

Napaunlakan kami ng kaibigang si Rommel na magtungo sa kainang pag-aari ni Mr. Marvin Munar - walang iba kundi ang PIZZA NG INA MO.

Ang kainan ay matatagpuan sa M.L. Quezon Street Angono Rizal. Malapit lang ito sa SM Angono , ilang tumbling lang ito mula sa SM Angono ay matatanaw mo na ito.


May dalawa pa silang branch , ang isa ay nasa Muzon Taytay Rizal at ang isa naman ay nasa Cainta Rizal.

Talaga namang head turner at curiosity filled ang pangalan ng business ni Sir Marvin . Subalit ano nga ba ang pinagmulan ng kanilang business name na PIZZA NG INA MO.

Nope , hindi naman kayo minumura ni Sir Marvin he he he.

Ang totoo , nakuha niya kay Sir Joey De Leon - the icon ng Eat Bulaga - ang pangalan nito.

Taong 2011 nang lumabas sa Eat Bulaga si Sir Joey na may suot na T-shirt at sa mga manggas nito ay may nakasulat na INA MO at INA KO sa magkabilaan.

Dito niya nakuha ang idea na PIZZA NG INA MO.

Same year 2011 ay ipinalabas ang pelikulang Enteng Ng Ina Mo ni Bossing Vic Sotto at Ai Ai Delas Alas.

That same year ay nag-file siya sa DTI  ng permit to use the name PIZZA NG INA MO as his business name.

Pero na - reject ito ng DTI .

Masyado raw bulgar at malaswa.

But our bold entrepreneur ay hindi paaawat.

Aba'y talagang buo sa kaniyang loob na magamit ang PIZZA NG INA MO bilang kaniyang sariling  business name.

Kaya't muli niya itong inapply bilang business name sa DTI Rizal.

Katuwiran niya , bakit ang pelikulang Enteng Ng Ina Mo ay pinayagan samantalang buong bansa pa ito ipapalabas.

Samantalang ang kaniyang business name ay sa Rizal lamang puwedeng gamitin ay bakit hindi pinapayagan.

Nasaan nga naman ang hustisya dito.

Porke ba milyonaryo si Bossing Vic Sotto?

Porke ba kapatid niya si Senator Tito Sotto ?

Charing lang he he he.

Love ko 'yan si Bossing !

Sa madaling salita , pinayagan din ng DTI Rizal na gamitin na ni Sir Marvin ang kaniyang dream name para sa kaniyang booming pizza business.

Approved ang kalokang name.

Simula nuon ay nakilala na ito sa buong lalawigan ng Rizal bilang prime pizza center .

Sa kagandahang loob ni Sir Marvin ay pinatikim niya kami ng kanilang bestseller  pizza , walang iba kundi ang  Supreme Ng Ina Mo.


Ito ang kanilang pinaka-the best of the best pizza kung saan ay all toppings ang inilagay dito katulad ng pepperoni, bell pepper, bacon , pineapple ,mushroom , beef.




Marami silang selections ng flavors ng Pizza like Hawaiian , Garden Fresh , Quatro Combo at siyempre ang Supreme. Puwede mo ring gawin ang sarili mong version ng pizza by selecting kung anu-anong toppings ang gusto mong ilagay. 

At bukod sa pizza ay marami pa silang available na foods sa kanilang menu of course.

Ang iba pang ino-offer nila ay mga silog like Longsilog , Porksilog, Sisig , Tocilog  at mga breakfast foods like burgers, footlong , bacon , ham at marami pang iba.

Ang kanilang super sarap na mami ay binubuo ng shredded meat , egg , chicharon , vegetables at masarap na sabaw siyempre.



At kung rice naman ang gusto mo ay mayruon silang Porksilog na malutong or crispy ang porkchop.


Talagang Sir Marvin didn't fail to offer us a hearty dinner that night .

Kung madadayo kayo sa dakong ito ng Rizal ay huwag ninyong kalilimutang sumaglit sa PIZZA NG INA MO dahil siguradong sulit ang anumang ibabayad ninyo sa kanilang mga ihahaing masasarap na pagkain sa inyong harapan.

At tiyak kong uulit ka pa at babalik-balikan mo ang sarap ng PIZZA NG INA MO.

For more information on Pizza Ng Ina Mo like deliveries , pick-up and dine in services call their hotline number at 0917 491 4201 , 710-2262 , 710-0310 , 710-3320 or visit their Facebook page here PIZZA NG INA MO















At pasalamat ulit kami dahil mayruon pang pasalubong he he he.


Salamat po Sir Marvin  and sa staffs and crews na kami ay pinagsilbihan nang maayos.

Mabuhay po kayo !

4 comments:

  1. Ang sosyal ng Supreme huh, yayamanin! Lahat mukhang masarap.

    Bilib ako kay sir. Di sumuko hanggang sa makamit ang pangarap :)

    ReplyDelete
  2. buti naman na approve ang kalokang name, salamat sa magaling na reasoning ni kuya Marvin :) winner ang name! :)

    ReplyDelete