TRAVELBOOK NOW!

Saturday, February 14, 2015

Liham Para sa Loveless on Valentine’s Day Tulad Ko - a repost

Dahil kasapi ako sa Samahang Walang Katabi sa Kama Kapag Valentines ( SWAKKAVA ) heto ang repost ng isang letter na nahagilap ko dito A Letter Writer

Read ka na lang at huwag nang mag-emote at maging bitter pa huh.

  Liham Para sa Loveless on Valentine’s Day Tulad Ko
Original Photo by: Doug88888
Original Photo by: Doug88888
Ang Liham Para sa Loveless on Valentine’s Day ay isang liham na nabuo mula sa pakikipag-usap ni Letter Writer sa isang kaibigang napre-pressure tuwing Valentine’s Day dahil sa patuloy niyang pag-iisa. Bagaman siya’y masaya sa kanyang buhay, inamin niyang dinadalaw din siya ng lungkot at minsa’y pagkayamot sa araw na kung saan ang karamihan sa kanyang mga kaibigan ay kasama ang kanilang special someone habang tinatanong siya ng nanay niya kung wala pa siyang Valentino.
Para sa mga kapwa ko Loveless on Valentine’s Day,
Nandito nanaman ang Valentine’s Day, isang araw na kung puwede ay dumaan na lang nang mabilis na mabilis para sa atin. Bakit ba naman hindi eh sa sobrang pag-commercialize sa araw na ito, kulang na lang sabihing krimen ang maging loveless. Yun namang mga very involved and committed sa special someone nila, halos ikaskas sa pagmumukha natin kung gaano sila kasaya at kasuwerte at kung gaano naman daw tayo kalungkot at kamalas. Yun ang akala nila.
Mantakin mo na lang sa Facebook ha, daig pa ang boxing commentator sa pagdedetalye ng blow-by-blow account tungkol sa Valentine’s date niya, isusuot nya, yung regalong ibibigay at matatanggap niya, at siyempre ang mga sweet nothings na sinasabi sa kanya at sinasabi nya. Grabe, kulang na lang pati paghinga nila, ikuwento pa. Syempre naman asahan na rin na makikita ang mga updates na yan sa lahat ng social media platforms na kasama siya, may tweet, instagram pictures, at kung saan pa puwede, basta ang importante maikalat nang mabuti.
Don’t get me wrong ha. Hindi ako galit sa mga in-love. In fact, marunong nga akong matuwa para sa kaligayahan ng iba. Ika nga, wala nang tatalo sa wagas na pagmamahalan kasi tunay na nakakagaan ng damdamin at nakakain-love. Ang hindi ko lang gusto ay yung mga “love for show”, yun bang in-love sa idea ng pagiging “in a relationship” imbes na doon sa taong karelasyon nila.
Nakaranas na rin naman akong magmahal and I know the feeling. Masaya at kung maari lang ay ipamalita natin sa lahat ng sulok ng mundo kung gaano tayo ka-loved at ka-in-love. Kaya lang, puwede pa rin namang gawin in good taste ang lahat.
Bago itong maging rant laban sa mga in-love, ibabalik ko na sa topic. Marami tayong ka-tribo na nabigo kaya nag-iisa ngayon. Meron ring pinili na talagang mag-isa dahil doon sila masaya. Ako pareho, nabigo ako minsan at ngayon nga’y masayang loveless.
Hindi naman natapos ang buhay ko mula noong unang Valentine’s Day pagkatapos naming mag-break ng boyfriend ko. Kung tutuusin nga, mabilis and recovery ko kasi pinili kong mabuhay ayon sa gusto ko. Medyo nahirapan kasi ako sa dati kong relationship kasi maraming standards at demands ang boyfriend ko na hindi ko masunod. Aminin ko man o hindi, mas nakahinga ako nang maluwag noong wala na siya kasi puwede ko nang gawin ang tunay kong interes at hilig.
Kahit masaya tayo sa buhay natin, minsan malungkot din ano kapag may mga okasyon na kailangang may partner kang kasama. Ang pinaka-ayaw ko ay yung sinasabihan ako ng matatanda tuwing family reunion na kailangan ko nang mag-asawa kasi hindi na daw ako bumabata. Feeling ko awang-awa sila sa akin kasi wala akong matisod, ha ha. Madalas ako pa ang nag-a-assure sa kanila na okay lang ako talaga. Sa inyo, meron din bang nagungulit na katulad nang ganito? Huwag na tayo magalit o magtampo, kadalasan naman concerned lang talaga sila sa atin.
So ano ang balak nyo sa Valentine’s Day? Siguradong love is in the air bukas, baka nga mamaya pa lang ramdam na ramdam na. Kaibigan, kung ang pag-iisa ay sadyang pinili mo, wala naman dapat ikahiya doon , di ba? Kung ikaw naman ay matagal nang naghahanap nguni’t patuloy na nabibigo, huwag mo nang masyadong damdamin, baka bukas makalawa ay dumating na sya. Kung hindi man, tuloy pa rin and buhay.
Tayong mga loveless ngayong Valentine’s Day, wala tayong dapat ipaliwanag. Puwede nga tayong magsaya sa ibang paraan sa araw na ito. Gaano man ang pressure na maramdaman natin bukas , isipin na lang natin, “This too, shall pass”. Oh di ba, may bibilical connotation pa.
Seriously speaking, we have the right as much as anyone else to enjoy Valentine’s Day as a day of celebrating love. Hayan, napa-English na ako, ibig sabihin nyan affected na ako. Huwag lang nating kalimutan na mahalin ang sarili natin  and we will be able to spread love to others in our own terms.
Nakikiisa sa inyo,
Letter Writer

1 comment:

  1. Bongga si acheng! Na-express niya ng mabuti ang saloobin ng katulad nating mga walang ka-Valentines. Minsan kainis din sa tv. Parang pilit ginagawang big deal ang pagiging single.

    ReplyDelete