TRAVELBOOK NOW!

Friday, February 20, 2015

A prayer for Jam Sebastian

Naantig ako sa isang balitang naging headline sa isang showbiz column.

Jam Sebastian ng Jamich , humihingi ng Mercy Killing sa kaniyang pamilya !

Si Jam Sebastian ay ang other half ng online real-life couple Jamich together with his fiancee Mich Liggayu.


Kung dati ay larawan si Jam ng isang lalaking punong puno ng buhay : makisig , masigla , masaya .

Ngayon siya ay larawan ng isang taong upos na ang pag-asa : payat , malungkot , lupaypay.
 
He is currently suffering from Stage 4 lung cancer and is bedridden in Saint Lukes Hospital for several months now.

Ang sabi sa balita ay halos buto at balat na si Jam na nakaratay pa rin sa banig ng karamdaman.

May bedsore nang kalat sa kaniyang katawan.

Ayon pa sa balita  ay in so much pain ang bata na ultimong banayad na ihip ng aircon ay mahapdi para sa kaniyang balat.

Gayundin ay hindi na rin ito nagdadamit at halos hubot hubad na lamang dahil ultimong pagsusuot ng damit ay masakit na iniinda niya sa kaniyang katawan.

Grabeng paglalarawan ito ng hirap at pasakit na pinagdaraanan ng isang tao.

Ako mismo ay hindi ko masabi kung kaya ko bang tiisin ang hirap at sakit na nararamdaman ni Jam sa ganitong panahon.

Which puts me into thinking : kung ako siguro ang nasa katayuan niya ay paniguradong hihilingin ko na rin ang agarang Mercy Killing para sa akin.

Ano ba ang Mercy Killing ?

Ang Mercy Killing ay ang agarang pagpatid o paghinto o pagtigil sa life support na nakaugnay sa isang pasyenteng dumaranas ng ibayong paghihirap at sakit upang tuluyan na siyang malagutan ng hininga tungo sa kaniyang minimithing kamatayan at pagpapahinga sa pagpapahirap ng iniindang karamdaman.

Ito ay ipinagkakaloob sa mga terminally ill patient lalo na iyong may mga cancer na halos wala nang pag-asang gumaling o magamot bilang paraan ng pagpapakita ng habag o awa sa pasyente na lubhang nagsa-suffer sa karamdaman katulad ni Jam Sebastian.

Subalit sa aking pagkakaalam ay bawal ito sa batas.
Ito ay dahil batay sa doktrinang ang Diyos lamang ang tanging may karapatan na bumawi sa buhay ng isang tao.

Tama din naman ang doktrinang ito.

Diyos ang nagbigay ng buhay , Siya din ang babawi.

Subalit kung ikaw ang nasa sitwasyon ng nasasaktan at naghihirap , mapapangatawanan at mapapanindigan mo ba ang doktrinang ito?

Kung  halos gabi-gabi ay hindi ka makatulog dahil sa labis na hapdi ng katawan.

Na parang ang katawan mo ay sinusuntok at binubugbog ng napakadaming tao na humahambalos sa iyo.

Na sa bawat turok ng hiringgilya ay mapapahiyaw ka sa kirot na dulot nito.

Sa pag-inom ng sangkaterbang piraso ng mapapait na tableta na pilit sa iyong ipinalulunok.

Na kahit hinahainan ka ng sa tingin mo ay masasarap na pagkain ay hindi mo magawang kainin dahil wala  kang panlasa at pang-amoy.

Na ang amoy mo ay pagkabaho-baho dahil sa ilang buwan ka nang hindi naliligo at dagdag pa ang mga amoy mula sa mga sugat sa iyong katawan na nagnanana at hindi gumagaling.

Na patuloy mong nakikita na nahihirapan din at palihim na umiiyak dahil sa paghihirap ng kaloobang makita ka sa iyong kalagayan.

 Kung masakit ito para sa mga pamilya ng pasyente , pihadong tripleng ibayo ang pighating dulot nito sa maysakit.

Kaya hindi ko masisisi kung humiling man ng Mercy Killing si Jam sa panahong ito.

Ako man ang nasa kalagayan niya ngayon ito ang unang unang hihilingin ko sa pamilya ko.

Do not prolong the agony will be my cry.

Pagpahingahin ninyo na ako dahil gusto ko nang matulog.

Subalit para sa pamilya ng maysakit at sa mga nagmamahal dito , hindi ito madaling gawin. 

Hindi ito ganuon kadaling ipagkaloob at isakatuparan para sa humihiling nito.

Mahirap na mahirap ito para sa pamilyang wagas na nagmamahal.

Ang sabi nga ng butihing ina ni Jam Sebastian ay " hilingin mo na ang lahat at kaya kong ibigay huwag lang ang iyong maagang pagpanaw."

There is hope.

There can be miracle .

Pero ang tanong , hanggang kailan ?

Hanggang saan ang paghihitay ?

Samantalang habang hinihintay ang oras ng paggaling at himala ng kamay ng Diyos , patuloy na nagsa-suffer ang ating pasyente.

Its a dilemma.

Parehong ayaw nating sundin ang hinihiling ng ating mahal sa buhay na naghihrap.

Samantala , nakakatuwang malaman na tinupad ni Vice Ganda ang hiling ng ating pasyente na makita sa personal ang komedyante.


Nagsilbing panibagong dingas ito ng pag-asa para sa aandap andap na kandila ni Jam Sebastian.

Sapagkat sa bawat masayang mukha na dumadalaw at nakikiisa sa pakikipaglaban ng ating pasyente ay nagsisilbing bagong hibla ng pag-asa sa kaniyang buhay.
 
Nakikiisa ang espasyong ito sa pananalangin ng agarang paggaling para sa internet sensation na si Jam Sebastian. 

Sana agad agad at isang mirakulo ang ipagkaloob sa kaniya.

Sana sa lalong madaling panahon ay gumaling na agad si Jam.

Sana bukas na .

O kahit sa susunod na araw ay magaling na siya.

Na parang nagdahilan lamang siya sa kaniyang sakit.

Na parang walang nangyari.

Nang sa ganuon ay muli silang makagawa ng mga romantic videos nila ni Mich Liggayu na muli nating mapapanuod sa Youtube.

Sana Po , Sana !

2 comments:

  1. Nawa'y mangyari ang higit na makabubuti para sa kanya. Si Lord na lang bahala. Amen

    ReplyDelete
  2. Reminds me of my younger sister who is suffering of stage 4 cancer right now at na given up na rin ng mga doctor. She wants to eat, pero sinusuka lang ang kinakain. Nabubuhay sa pain killers at dextrose:( But still, we are hoping for amiracle!

    ReplyDelete