TRAVELBOOK NOW!

Saturday, February 28, 2015

Graham Moore " stay weird , stay different "

Still in Oscar Awards 2015 , widely applauded ang speech ng katotong Graham Moore when he received the award for his Best Adapted Screenplay for the film The Imitation Game.


Apir tayo jan .

Saludong saludo ako sa mga sinabi  mo.


Friday, February 27, 2015

Lady Gaga's medley of The Sound Of Music

Truly an artist talaga itong si Lady Gaga with her medley of The Sound Of Music  timeless anthems sa katatapos na Oscar Awards 2015.

Hindi lang pala puro ka-artehan ang emote nitong si Gaga huh.

Mayruon din pala siyang ibubuga sa mga musical at opera.

Nakakuha ng standing ovation ang lokah complete with a power hug from the legend herself Julie Andrews.

Kabog .

Watch the video here :

Thursday, February 26, 2015

TCAT Philippines

Isang patalastas :

Tcat Title
New Deals
Wallet Ninja 18-in-1 Pocket Multi-Tool
Orginal PriceP60068% Off
TCAT PriceP195 
Wallet Ninja
Wallet Ninja 18-in-1 Pocket Multi-Tool 
[Click Here]
Wireless Sport Stereo Bluetooth Headset A880
Orginal PriceP250052% Off
TCAT PriceP1199 
Awei
Wireless Sport Stereo Bluetooth Headset A880
[Click Here]
 
Automatic Washing Machine w/ 2-year motor warranty
Orginal PriceP499024% Off
TCAT PriceP3799 
Micromatic
Automatic Washing Machine w/ 2-year motor warranty 
[Click Here]
3D2N Accommodation at La Isla Bonita Resort + Roundtrip Airfare (MNL­-KLO­-MNL) + Complimentary Breakfast +  Roundtrip Transfer
TCAT PriceP4599 
3D/2N Boracay Package - La Isla Bonita
3D2N Accommodation at La Isla Bonita Resort + Roundtrip Airfare (MNL­-KLO­-MNL) + Complimentary Breakfast + Roundtrip Transfer 
[Click Here]
 
Top Selling Deals
ES-Q3 In-ear Noise Isolation Earphones
Orginal PriceP48059% Off
TCAT PriceP199 
Awei
ES-Q3 In-ear Noise Isolation Earphones 
[Click Here]
Double Side Money Clip
Orginal PriceP48873% Off
TCAT PriceP130 
Slim Clip
Double Side Money Clip 
[Click Here]
 
Power Bank 20000mAh
Orginal PriceP200058% Off
TCAT PriceP849 
Power Bank
Power Bank 20000mAh 
[Click Here]
Pest Repelling Aid
Orginal PriceP50060% Off
TCAT PriceP199 
Riddex
Pest Repelling Aid 
[Click Here]
 
10 piece Natural Masks
Orginal PriceP50060% Off
TCAT PriceP199 
Lebelage
10 piece Natural Masks 
[Click Here]
LED Lightbulb 3W/4W/5W Daylight
Orginal PriceP36059% Off
TCAT PriceP149 
HiGreen
LED Lightbulb 3W/4W/5W Daylight 
[Click Here]
 
10000mAh Portable Charger
Orginal PriceP250056% Off
TCAT PriceP1099 
Sony
10000mAh Portable Charger 
[Click Here]
Electronic Warmer
Orginal PriceP50074% Off
TCAT PriceP129 
Electronic Warmer
Electronic Warmer 
[Click Here]
 
2pcs Vacuum Compressed Bag
Orginal PriceP30050% Off
TCAT PriceP149 
Vacuum Compressed Bags
2pcs Vacuum Compressed Bag 
[Click Here]
Chest Belt Women Body Shoulder Support Band Belt Brace Corrector
Orginal PriceP30054% Off
TCAT PriceP139 
Chest Belt
Chest Belt Women Body Shoulder Support Band Belt Brace Corrector 
[Click Here]
 
Trekking Pole Silver / Red / Blue
Orginal PriceP60064% Off
TCAT PriceP219 
Trekking Pole
Trekking Pole Silver / Red / Blue 
[Click Here]
Mini Clip MP3 Player
Orginal PriceP99986% Off
TCAT PriceP135 
MP3 Player
Mini Clip MP3 Player 
[Click Here]
 
From your TCAT Philippines
Office Hours: Monday-Friday 9:00 am to 5:00 pm
* CONTACT US AT *
Email : support@tcat.com.ph
TELEPHONE #(02) 555-1160, 555-1070, 555-1123
FAX #(02) 224-2091
©2011 TCAT Philippines | SoONE Inc 10/f Pacificstar Bldg, Makati Ave corner Gil.Puyat Ave, Makati City

Wednesday, February 25, 2015

Pancit Batil Patong

Sa wakas ay nakatikim na din ako ng ipinagmamalaking original Pansit Batil Patong ng mga taga Isabela at Cagayan.

Dito ito sa 128 Panciteria na nasa Balzain Highway Tuguegarao City Cagayan.

Sa aking pagtungo sa Cagayan dahil sa isang work assignment siyempre hindi ko na palalagpasing matikman ang putaheng ito ng mga Cagayanons.

Perfect is the word for this food.

Ito ay isang klase ng luto ng  pansit na may itlog sa ibabaw.

Kaya nga Batil Patong - itlog na ipinatong he he he.

Tapos ay sinahugan ng malinamnam na shredded meat , chicharon at sibuyas .

May sabaw pang kasama.

Sabaw pa lang solb  ka  na.

Yummy talaga.

At siyempre uulitin ko pa ito sa muli kong pagtuntong dito in the middle of this  year.









Tuesday, February 24, 2015

BENCH : ALL KINDS OF LOVE

Very controversial at seemingly palaban ang bagong billboards na ito ng Bench Clothing Company ni Sir Ben Chan diyan sa Guadalupe Bridge EDSA.

Especially ang image na may  kinalaman sa LGBT kind of love .




Oo nga naman .

Love knows no boundaries.

It transcends and defies all  forms of gender, race , color and age .

So be it !

Monday, February 23, 2015

Gyu Kaku with Rommel and Donn

Muli na naman naming binisita ang Gyu-Kaku Japanese Restaurant dito sa Fort Bonifacio Taguig City.

For the first time ay nakasama namin ni Rommelita ang kaibigang si Donn Paras Canlas.

Aba at may bagong recruit kami dito sa aming Gyu-Kaku group he he he.

Wala na , adik na talaga kami dito sa Gyu-Kaku.

Masasarap naman kasi ang mga pagkain at very warm ang mga crew at ang over-all appearance ng resto.

Take a look :








Friday, February 20, 2015

A prayer for Jam Sebastian

Naantig ako sa isang balitang naging headline sa isang showbiz column.

Jam Sebastian ng Jamich , humihingi ng Mercy Killing sa kaniyang pamilya !

Si Jam Sebastian ay ang other half ng online real-life couple Jamich together with his fiancee Mich Liggayu.


Kung dati ay larawan si Jam ng isang lalaking punong puno ng buhay : makisig , masigla , masaya .

Ngayon siya ay larawan ng isang taong upos na ang pag-asa : payat , malungkot , lupaypay.
 
He is currently suffering from Stage 4 lung cancer and is bedridden in Saint Lukes Hospital for several months now.

Ang sabi sa balita ay halos buto at balat na si Jam na nakaratay pa rin sa banig ng karamdaman.

May bedsore nang kalat sa kaniyang katawan.

Ayon pa sa balita  ay in so much pain ang bata na ultimong banayad na ihip ng aircon ay mahapdi para sa kaniyang balat.

Gayundin ay hindi na rin ito nagdadamit at halos hubot hubad na lamang dahil ultimong pagsusuot ng damit ay masakit na iniinda niya sa kaniyang katawan.

Grabeng paglalarawan ito ng hirap at pasakit na pinagdaraanan ng isang tao.

Ako mismo ay hindi ko masabi kung kaya ko bang tiisin ang hirap at sakit na nararamdaman ni Jam sa ganitong panahon.

Which puts me into thinking : kung ako siguro ang nasa katayuan niya ay paniguradong hihilingin ko na rin ang agarang Mercy Killing para sa akin.

Ano ba ang Mercy Killing ?

Ang Mercy Killing ay ang agarang pagpatid o paghinto o pagtigil sa life support na nakaugnay sa isang pasyenteng dumaranas ng ibayong paghihirap at sakit upang tuluyan na siyang malagutan ng hininga tungo sa kaniyang minimithing kamatayan at pagpapahinga sa pagpapahirap ng iniindang karamdaman.

Ito ay ipinagkakaloob sa mga terminally ill patient lalo na iyong may mga cancer na halos wala nang pag-asang gumaling o magamot bilang paraan ng pagpapakita ng habag o awa sa pasyente na lubhang nagsa-suffer sa karamdaman katulad ni Jam Sebastian.

Subalit sa aking pagkakaalam ay bawal ito sa batas.
Ito ay dahil batay sa doktrinang ang Diyos lamang ang tanging may karapatan na bumawi sa buhay ng isang tao.

Tama din naman ang doktrinang ito.

Diyos ang nagbigay ng buhay , Siya din ang babawi.

Subalit kung ikaw ang nasa sitwasyon ng nasasaktan at naghihirap , mapapangatawanan at mapapanindigan mo ba ang doktrinang ito?

Kung  halos gabi-gabi ay hindi ka makatulog dahil sa labis na hapdi ng katawan.

Na parang ang katawan mo ay sinusuntok at binubugbog ng napakadaming tao na humahambalos sa iyo.

Na sa bawat turok ng hiringgilya ay mapapahiyaw ka sa kirot na dulot nito.

Sa pag-inom ng sangkaterbang piraso ng mapapait na tableta na pilit sa iyong ipinalulunok.

Na kahit hinahainan ka ng sa tingin mo ay masasarap na pagkain ay hindi mo magawang kainin dahil wala  kang panlasa at pang-amoy.

Na ang amoy mo ay pagkabaho-baho dahil sa ilang buwan ka nang hindi naliligo at dagdag pa ang mga amoy mula sa mga sugat sa iyong katawan na nagnanana at hindi gumagaling.

Na patuloy mong nakikita na nahihirapan din at palihim na umiiyak dahil sa paghihirap ng kaloobang makita ka sa iyong kalagayan.

 Kung masakit ito para sa mga pamilya ng pasyente , pihadong tripleng ibayo ang pighating dulot nito sa maysakit.

Kaya hindi ko masisisi kung humiling man ng Mercy Killing si Jam sa panahong ito.

Ako man ang nasa kalagayan niya ngayon ito ang unang unang hihilingin ko sa pamilya ko.

Do not prolong the agony will be my cry.

Pagpahingahin ninyo na ako dahil gusto ko nang matulog.

Subalit para sa pamilya ng maysakit at sa mga nagmamahal dito , hindi ito madaling gawin. 

Hindi ito ganuon kadaling ipagkaloob at isakatuparan para sa humihiling nito.

Mahirap na mahirap ito para sa pamilyang wagas na nagmamahal.

Ang sabi nga ng butihing ina ni Jam Sebastian ay " hilingin mo na ang lahat at kaya kong ibigay huwag lang ang iyong maagang pagpanaw."

There is hope.

There can be miracle .

Pero ang tanong , hanggang kailan ?

Hanggang saan ang paghihitay ?

Samantalang habang hinihintay ang oras ng paggaling at himala ng kamay ng Diyos , patuloy na nagsa-suffer ang ating pasyente.

Its a dilemma.

Parehong ayaw nating sundin ang hinihiling ng ating mahal sa buhay na naghihrap.

Samantala , nakakatuwang malaman na tinupad ni Vice Ganda ang hiling ng ating pasyente na makita sa personal ang komedyante.


Nagsilbing panibagong dingas ito ng pag-asa para sa aandap andap na kandila ni Jam Sebastian.

Sapagkat sa bawat masayang mukha na dumadalaw at nakikiisa sa pakikipaglaban ng ating pasyente ay nagsisilbing bagong hibla ng pag-asa sa kaniyang buhay.
 
Nakikiisa ang espasyong ito sa pananalangin ng agarang paggaling para sa internet sensation na si Jam Sebastian. 

Sana agad agad at isang mirakulo ang ipagkaloob sa kaniya.

Sana sa lalong madaling panahon ay gumaling na agad si Jam.

Sana bukas na .

O kahit sa susunod na araw ay magaling na siya.

Na parang nagdahilan lamang siya sa kaniyang sakit.

Na parang walang nangyari.

Nang sa ganuon ay muli silang makagawa ng mga romantic videos nila ni Mich Liggayu na muli nating mapapanuod sa Youtube.

Sana Po , Sana !

Thursday, February 19, 2015

Pizza Ng Ina Mo

Napaunlakan kami ng kaibigang si Rommel na magtungo sa kainang pag-aari ni Mr. Marvin Munar - walang iba kundi ang PIZZA NG INA MO.

Ang kainan ay matatagpuan sa M.L. Quezon Street Angono Rizal. Malapit lang ito sa SM Angono , ilang tumbling lang ito mula sa SM Angono ay matatanaw mo na ito.


May dalawa pa silang branch , ang isa ay nasa Muzon Taytay Rizal at ang isa naman ay nasa Cainta Rizal.

Talaga namang head turner at curiosity filled ang pangalan ng business ni Sir Marvin . Subalit ano nga ba ang pinagmulan ng kanilang business name na PIZZA NG INA MO.

Nope , hindi naman kayo minumura ni Sir Marvin he he he.

Ang totoo , nakuha niya kay Sir Joey De Leon - the icon ng Eat Bulaga - ang pangalan nito.

Taong 2011 nang lumabas sa Eat Bulaga si Sir Joey na may suot na T-shirt at sa mga manggas nito ay may nakasulat na INA MO at INA KO sa magkabilaan.

Dito niya nakuha ang idea na PIZZA NG INA MO.

Same year 2011 ay ipinalabas ang pelikulang Enteng Ng Ina Mo ni Bossing Vic Sotto at Ai Ai Delas Alas.

That same year ay nag-file siya sa DTI  ng permit to use the name PIZZA NG INA MO as his business name.

Pero na - reject ito ng DTI .

Masyado raw bulgar at malaswa.

But our bold entrepreneur ay hindi paaawat.

Aba'y talagang buo sa kaniyang loob na magamit ang PIZZA NG INA MO bilang kaniyang sariling  business name.

Kaya't muli niya itong inapply bilang business name sa DTI Rizal.

Katuwiran niya , bakit ang pelikulang Enteng Ng Ina Mo ay pinayagan samantalang buong bansa pa ito ipapalabas.

Samantalang ang kaniyang business name ay sa Rizal lamang puwedeng gamitin ay bakit hindi pinapayagan.

Nasaan nga naman ang hustisya dito.

Porke ba milyonaryo si Bossing Vic Sotto?

Porke ba kapatid niya si Senator Tito Sotto ?

Charing lang he he he.

Love ko 'yan si Bossing !

Sa madaling salita , pinayagan din ng DTI Rizal na gamitin na ni Sir Marvin ang kaniyang dream name para sa kaniyang booming pizza business.

Approved ang kalokang name.

Simula nuon ay nakilala na ito sa buong lalawigan ng Rizal bilang prime pizza center .

Sa kagandahang loob ni Sir Marvin ay pinatikim niya kami ng kanilang bestseller  pizza , walang iba kundi ang  Supreme Ng Ina Mo.


Ito ang kanilang pinaka-the best of the best pizza kung saan ay all toppings ang inilagay dito katulad ng pepperoni, bell pepper, bacon , pineapple ,mushroom , beef.




Marami silang selections ng flavors ng Pizza like Hawaiian , Garden Fresh , Quatro Combo at siyempre ang Supreme. Puwede mo ring gawin ang sarili mong version ng pizza by selecting kung anu-anong toppings ang gusto mong ilagay. 

At bukod sa pizza ay marami pa silang available na foods sa kanilang menu of course.

Ang iba pang ino-offer nila ay mga silog like Longsilog , Porksilog, Sisig , Tocilog  at mga breakfast foods like burgers, footlong , bacon , ham at marami pang iba.

Ang kanilang super sarap na mami ay binubuo ng shredded meat , egg , chicharon , vegetables at masarap na sabaw siyempre.



At kung rice naman ang gusto mo ay mayruon silang Porksilog na malutong or crispy ang porkchop.


Talagang Sir Marvin didn't fail to offer us a hearty dinner that night .

Kung madadayo kayo sa dakong ito ng Rizal ay huwag ninyong kalilimutang sumaglit sa PIZZA NG INA MO dahil siguradong sulit ang anumang ibabayad ninyo sa kanilang mga ihahaing masasarap na pagkain sa inyong harapan.

At tiyak kong uulit ka pa at babalik-balikan mo ang sarap ng PIZZA NG INA MO.

For more information on Pizza Ng Ina Mo like deliveries , pick-up and dine in services call their hotline number at 0917 491 4201 , 710-2262 , 710-0310 , 710-3320 or visit their Facebook page here PIZZA NG INA MO















At pasalamat ulit kami dahil mayruon pang pasalubong he he he.


Salamat po Sir Marvin  and sa staffs and crews na kami ay pinagsilbihan nang maayos.

Mabuhay po kayo !