TRAVELBOOK NOW!

Sunday, November 30, 2014

Du-Shaunt " Fik-Shun " Stegall

Bet na bet ko itong human robot na ito kaya ise-share ko dito.

Panuorin n'yo na lang dito at sabay sabay tayong pumalakpak para sa kaniya:




Saturday, November 29, 2014

Yakibuta Japanese Carinderia

Isang kakaibang karinderya ang nagbukas sa pusod ng Tondo sa Maynila.


Ito ay ang Yakibuta Japanese Carinderia.

You have seen it right , Japanese ang theme ng karinderyang ito.
 
It is owned by a Japanese chef  na na-forget ko ang name he he he.

Yakibuta means roasted or grilled pork in Nippongo.

Marami silang inihahaing menu ranging from noodle ramen , silog ( Japanese style ) , burgers and sandwiches,  dimsums and viands.

At higit sa lahat mura pa.

Very Japanese din ang ambience ng lugar dahil puwede kang sumalampak sa sahig habang kumakain dahil meron silang low table na katulad ng sa mga Japanese table settings ang style.


Or puwede rin naman sa usual dining table ka kumain like us ( hindi kasi kami sanay sumalampak sa sahig habang tsumitsibog at si Rommel maiipit ang tiyan kapag nakalupasay na kumain he he he )


Try it here in Herbosa corner Velasquez Streets in Tondo Maynila.















Friday, November 28, 2014

Dr. Kong

Isa sa mga nasubukan kong stall sa katatapos na Blogapalooza 2014 ay ang Dr. Kong.

Mayruon silang free foot assessment para sa mga attendees.

Siyempre sumubok din akong magpa-assess ng aking mga tired and stressed feet.


And the verdict :

I am Pronated Flatfooted.

Ang pagiging Flatfooted ay mayruong 3 conditions.

Ang Severe , Moderate at Pronated nga which is my case.

The definition of Flatfoot is lower/collapsed arch in standing posture.

Ang effect naman nito ay you will tire and pain easily when you are standing or walking.

At least hindi naman severe ang pagiging flatfooted ng aking mga paa , ganiyan.

But then dahil sa situation na ito ay mas nagkakaruon ng major impact ang bigat ng aking katawan sa aking mga heels.

That is why kaya pala madalas sumakit ang aking heels kapag ako ay nakatayo o naglalakad.

And isa pang nadiskubre ko ay ako din daw ay mildly knock kneeded.

Medyo piki daw , slight lang he he he.

May recommendations or suggestions silang remedy para dito which is an arch support na isusuot sa iyong sapatos para mabawasan ang impact sa iyong gastadong heel area.

O kaya ay ang forefoot wedge slippers and sandals na puwede mong mabili sa kanila.

Salamat na lang at binigyan nila ako ng discount card para makamenos sa pagbili ng mga recommendations nilang ito.


Kung gusto mo ring ma-assess ng kanilang well trained foot specialists at magkaruon o makabili ng recommended  shoes or sandals na akma sa iyong foot and leg problem situation ay bisitahin lang ang kanilang showrooms sa Robinsons Magnolia , Robinsons Place Manila , SM Aura and at the Greenhills Center.

And for more information just kindly visit their Facebook page here Dr. Kong Philippines




Thursday, November 27, 2014

One Two Three Four Five Six Seven Eight Nine Ten


.
Kahit anong mangyari huwag mo akong ii-ONE dahil 

papa TWO-nayan ko sa iyo na hindi kita pagti-THREE-

pan kaya FOUR-ever na kitang mamahalin at kahit na 

FIVE-bigat ako sayo makikipag-SIX-sikan ako kahit 

dumaan pa ako SEVEN-tana kaya EIGHT-o tandaan mo 

mahal na mahal kita NINE-TEN-dihan Mo ?

Wednesday, November 26, 2014

Bipolar and Me

Here is a contribution article from Laura Chapman .

Read on :


Bipolar and Me
It sounds really silly to say it, but when Robin Williams passed away last month, it wasn’t necessarily just the shock that someone I’d grown up watching on TV and in the cinema had died, but it was also reading about the manner of his death and how he must have suffered for so long – not necessarily in silence, but feeling as though he might have been fighting his demons alone, all the time still trying to do his best for others who were less fortunate than he was.
I have to say, it really affected me personally, as it brought my own problems into the spotlight. Something about his manner, about the way he suffered really resonated with me and I realised that in part, my own behaviors mirrored his. It took me a few days and a lot of soul searching to come to terms with the fact that there was, and had been, something wrong with me for a long time.
It’s a shame that it did have to take a sad event like this to highlight the issues I had. For a long time, my moods were either manically high, or so low that I could barely crawl out of bed for longer than it took to shower and fix something to eat – I sometimes bothered with neither. In my lucid, hyper states I’d plan to conquer the world and feel as though I could. I was so full of uncontrollable energy I felt like I might explode – hovering between anger, because everyone else was slowing me down, and elation, because I felt invincible and nothing could stop me.
In the end, it was my sweet, patient mom who took me to one side and convinced me to see someone. Going to the doctor, actually sitting down and opening up felt like a big deal, but she sat in with me as I poured out what was in my head. In the end, you know what? It wasn’t that bad. Finding out I had bipolar disorder wasn’t a huge shock. Getting the help I need means I can face family, friends and also tell others to get out there and speak up. If you recognise the signs and symptoms then talk to someone. Better late than never.

Tuesday, November 25, 2014

Pacquiao- Algieri Fight at High Rice Grill

Sa paanyaya ng kaibigang Rommel at Fred ay nanuod kami ng labang Manny Pacquiao at Chris Algieri sa High Rice Grill along Marcos Highway.

Complete with Eat All You Can buffet ay sulit na dahil habang nanunuod ka ng pinaka-aabangang laban ng taon ay busog ka pa sa mga masasarap na lapang.



May mga kasama ka pang mag-cheer at humiyaw para sa ating great kababayang boxer Manny Pacquiao.

Undermatch ang laban . Umpisa  pa lamang ay alam na ng lahat na matatalo si Algieri at liyamadong di hamak si Brother Manny.

At hindi nga nagkamali ang balana dahil in the 12th round ay idineklarang panalong muli si Pacman.

Ang sabi nga ng ilang sports analyst ay tila " blackeye " ito sa boxing industry.

Dapat ang sunod na ilaban ay iyong ka-match na ni Manny in strength and power.. At hindi iyong isang pipitsuging sirkero at runner.

Ilang beses kayang bumalentong at nagpa-tumbling tumbling ang kawawang Algieri.

Nasira pa ang guwapong mukha niya.

Mayweather and Pacquiao ang dapat nang isunod at wala nang iba.

And that would be aptly titled " The Fight of the Century "

Samantala , kuwelang kuwela na naman at agaw eksena si Mommy Dionisia - ang Pambansang Daliri ng Pilipinas ha ha  ha.



Anyway , inenjoy namin ang labang ito na sinabayan pa ng masasarap na pagkain ng High Rice Grill.

Sulit Sarap ikanga.














Monday, November 24, 2014

All About That Bass -Meghan Trainor

LSS naman ako dito sa kanta nitong  si Meghan Trainor.

Ang All About That Bass.

Complete ang video with a tabachingching na beki ha ha ha .

Ang galing gumiling ni bakla.

At ang dami na ding spoofs and parodies. 

Dito ang mga video:








Sunday, November 23, 2014

Hunger Games: Mockingjay Part 1 by Nuffnang and Cadbury

I would like to thank Nuffnang and Cadbury for treating me , my brother and his wife in the screening of Hunger Games : Mockingjay Part 1 at the Shangrila Cineplex November 21 , 2014.




Complete with a popcorn to munch and softdrinks while we are enjoying the movie.


And after the movie screening , Cadbury treated us with a box of chocolates.






Oh so tempting.

Diabetes attack na naman ako nito.


As for the movie , ho-hummmmm : )

Nakatulog ako sa sobrang talkie ng movie he he he he.


Once again , Nuffnang and Cadbury our heartfelt thanks.

See you next time : )

Saturday, November 22, 2014

MYX MO 2014

Nagkaruon kami ng chance na manuod ng MYX MO 2014 sa Smart Araneta Coliseum last November 11 and that is a Tuesday.



Karay karay ang aking dalawang pamangking sina Christian at Junjun ay sumugod ang inyong lola sa Cubao past 6 PM.

At siyempre dahil maaga pa naman ay tsumibog at lumafang muna kami sa Kenny Rogers Roasters SM Cubao.





At matapos lumafang ay buyla din ng makukukot habang nanunuod kami ng concert sa Shopwise.



Ang ending ay hindi pala puwedeng magpasok ng sitsirya sa loob ng coliseum kaya ipinamigay na lang namin sa mga guard ang aming mga biniling snacks  ( tutal Pasko naman na eh ha ha ha )

Past 8 nagsimula ang sing-along concert na pinasimulan ni Jonalyn Viray.


At matapos iyon ay sunod sunod na ang paglabas ng mga biggest names in music ang rumampa sa stage.

In no particular order ay nagpaunlak ng one or two songs ang mga performer na ito:

Nikki Gil
Sam Concepcion
Christian Bautista
Jovit Baldivino
Salbakuta
Eric Santos
Angeline Quinto
Gracenote
Banda Ni Kleggy
Morisette Amon
Clarisse De Guzman
Julie Ann San Jose
Rocksteady
Calla Lily
Enchong Dee
Jay R
Q York
KZ Tandingan
Sponge Cola
Yeng Constantino
Rico Blanco at marami pang iba ...




Pinaka-applauded at masigabong palakpakan with matching standing ovation ay ang sa paglabas ni Mareng Yeng Constantino.

Sayang at hindi niya kinanta yung Hawak Kamay signature song niya.

At ang binirit ay ang Chinito song niya na nakakabingi ang OA na hiyawan ng mga tao sa gallery.

In fairness , ang lakas din ng hiyawan kina Enchong Dee , Calla Lily , Rocksteady , Sponge Cola at Rico Blanco.

Yung iba , oh well .

Natapos ang concert ng mga past 11 na.

Punta daw ulit kami next year sabi ng two of my pamangkins.

Sagot ko , kapag may complimentary tickets ulit ang ABS CBN para sa akin he he he he







Smile : )