TRAVELBOOK NOW!

Thursday, July 31, 2014

Paolo Bediones Scandal

Heto na naman ang isa pa at quota na sila .

4 X 4 na sila , sino pa ang sasakay ??!!

SCANDALS  o BAD CLASS ?

May gusto pa bang sumabit ?

In fairness kay Paolo Bediones , nakunan daw ang videong ito nuong siya ay baguhan pa lamang at nasa GMA 7 pa.

Nuong Extra Extra pa sila ni Ethel Booba na isa ring sangkot sa karima-rimarim na video nila ni Alex Crisano.

Ibig sabihin ay wala pa siya sa stature niya ngayon na iginagalang at nirerespeto bilang isa sa mga may posisyon sa GMA 7 .

Ang nakakagulat lang ay bakit ngayon lang inilabas ?

At sino ang babaeng kaulayaw niya sa video ?

Nagsimula kay Kho then kay Miranda then kay Bayola  at ngayon kay Bediones.


Ayaw talaga nila magpaawat.

Sige Videones pa hala bira .

At nang kayo naman ang sumunod na ma-involve sa sex scandal brouhaha.

Click n'yo na lang ang link na ito for more sensual photos:


The Stryker


Wednesday, July 30, 2014

Always Leave Office On Time

FROM: SIR CHRIS DELIS



Makes sense and so true naman  ? Always manage our time between our work and our family.
Dapat equal lang ang time na iniuukol natin sa bawat isa.
Kapag lumabis na , it's not that healthy anymore.
Think about it : ) 

Tuesday, July 29, 2014

Daddy's Toasted Siopao

Kung ang Bicol, Southern Luzon at maging dito sa Metro Manila ay pinipilahan ang 3N Toasted Siopao ng Libmanan Camarines Sur  , ang mga taga-Cavite naman pala ay mayruon ding ipinagmamalaking sariling bersyon nila ng toasted siopao.

Ito ay ang Daddy's Toasted Siopao.


At ito ang kanilang pinipilahan dito.

Nang mapadako ako sa Cavite minsan ay ito ang aking nadiskubre.


Ang Pork at Chicken flavor ng kanilang Daddy's Toasted Siopao.


At saan ka pa dahil 8.00 lang ang presyo niya .

Mura na masarap pa huh !

Mainit at fresh na fresh from the oven ang kanilang mga toasted siopao kaya sigurado kang lagi itong bago.


At isa ko pang napansin  ay mas malambot ang bun na ginagamit dito kumpara sa ibang toasted siopao na mas matigas.

Halos lahat yata ng kanto sa Cavite ay may branch ng Daddy's Toasted Siopao na ito.

Patunay lamang na tinatangkilik ang produktong ito kaya't nagsulputan sa ibat-ibang panig ng Cavite.


At meron din silang mga nagbebenta sa loob ng bus huh.

I will soon meet its owners and interview them kaya siguradong  mas mahaba pang istorya ang inyong matutunghayan dito tungkol sa pride of Cavite na Daddy's Toasted Siopao.

Abangan lahat iyan dito sa Daily B.I.T.E.S.

In the meanwhile sa mga interesado for mor information about Daddy's Toasted Siopao , bisitahin ang kanilang Facebook page dito :

Daddy'sToasted Siopao

More story about Daddy's Toasted Siopao soon .

Saturday, July 26, 2014

Eden's Pastillas

Isa sa na-discover kong masarap na pang-himagas ay itong mga pastillas na ibinebenta ni Ate Eden ng Eden's Pastillas sa Cavite.

Sa aking patuloy na paglalakwatsa/trabaho  sa ibat ibang panig ng Luzon ay nadiskubre ko ang ibat-ibang flavors, sizes and colors ng pastillas na ibinebenta ng Eden's Pastillas foodcart sa mall ng SM sa Dasmarinas at Rosario sa Cavite.

Ayon sa salesclerk ay dalawa pa lang branches ng pastillas ni Ate Eden.


Subalit huwag malungkot dahil may mga idadagdag pa silang branches katulad sa Bacoor dahil tunay namang tinatangkilik at unti unti nang nakikilala ang mga pastillas ni Ate Eden.

Ang pastillas kasi ni Ate Eden ay tama lang ang timpla , hindi masyadong matamis , hindi rin naman matabang.

Kumbaga ,swak sa iyong panlasa at hahanap-hanapin mo talaga ang sarap nito bilang dessert.

Bukod pa dito ay may ibat ibang designs , shapes and colors ka namang mapagpipilian na sasakto sa pihikan mong panlasa.




Sa darating na mga araw , ayon kay Ate Eden ay iimibitahan niya ako upang siya ay makapanayam ng personal at maibahagi ang kaniyang mga nalalaman tungkol sa pastillas na kaniyang negosyo kaya abangan po ninyo ito.

In the meanwhile , kung kayo ay mapapadaan sa Cavite , huwag ninyong kalilimutan ang Eden's Pastillas sa mga carts nito sa SM Dasmarinas at SM Rosario at siguradong babalik-balikan ninyo ito sa sarap at linamnam nito.




Bisitahin mo  ang kanilang official Facebook page for more information :

Eden's Pastillas

Thursday, July 24, 2014

Jolou Relaxation Massage

Nang matapos ang pananalasa ng Bagyong Glenda dito sa Rizal , dahil sa hapo ang aming mga katawan mula sa halos maghapong paglilinis sa mga iniwang kalat ng bagyo , napagpasyahan naming magkakaibigan nila Fred at Rommel na  magpamasahe.

Bilang may malapit lang naman sa amin sa Masinag Antipolo na alam kong massage parlor ay dito na kami pumunta .

Ito ay ang Jolou Relaxation Massage center.



Hitsurang halos kababalik pa lamang ng kuryente nuon at hindi pa ganap na nakakabangon ang Rizal sa lugmok na pagbayo ng Bagyong Glenda ay heto na kami at nakapila para magpamasahe sa kanila.




Aming in-avail ang kanilang Signature Massage whole body for 1 hour .

At ang aking naging attendant ay si Weng.

Banayad at swabe ang hagod ni Weng sa aking pagal na katawan.

Tama lang para ako ay ma-relax.

Ang maganda rito ay ang mixture na ipinapahid nila sa iyong katawan na hindi oily at greasy hindi katulad ng ibang oil.

At matapos ang 1 hour session ay lumabas kaming feeling rejuvenated dahil sa husay ng kanilang massage services.



Lalo na ang Fred na lumabas na todo ang ngiti sa labi  dahil nag-enjoy daw siya sa kakatsika sa kaniyang masahistang si kuya.


Ang daming tanong ng lukaret sa relihiyosong si kuya.

Kalokah.

Nope , don't misinterpret me dahil wholesome po ang massage center na ito.

Mga born-again kasi ang may-ari nito na sina Jo at Lou .

Wala ditong after-massage service na siyang hinahanap ng iba .

Kaya kung ang type mo ay ang extra service after ng massage session , sorry ka , dahil hindi ito ang lugar para sa iyo.

Pumunta ka sa Quezon Avenue o Kamuning at marami duon he he he.

Pero kung type ninyo ang wholesome approach , relaxed ambiance at well-trained therapist dito ka na sa Jolou Relaxation Massage.

Diyan lang sila sa tapat ng Jollibee  sa Masinag Antipolo City.

Kaya nga kaming magkakaibigan ay siguradong babalik ulit dito para magpamasahe for sure.

Di po ba Sir and Mam Jolou ?

Enjoy !

Wednesday, July 23, 2014

Glenda ( Rammasun )

Isa na namang bagyo ang bumisita sa Metro Manila at mga karatig probinsya nito kasama na ang giliw naming lalawigan ng Rizal.

And she is an unwelcomed visitor.

Her name is Glenda.

For the nth time ay naranasan na naman ng mga Metro Manilans at naming mga Antipolonians ang lupit ng isang bagyo.

Kung hindi ako nagkakamali ay kay Bagyong Milenyo pa namin ito huling naranasan.

Humuhugong ang hangin sa ibabaw ng aming bubong at pakiramdam namin ay huhugutin  nito at tatangayin ang buong bubong namin habang kami ay nagsisiksikan sa isang madilim at walang kuryenteng kuwarto.

Halos tatlong oras binayo ni Glenda ang aming lugar na nagsimula ng alas-sais ng umaga at humupa bandang mga alas-nuwebe na ng umaga.

Nang tumigil na ang unos sa matinding pag-ihip nito ng hangin at pagbuhos ng ulan ay ito ang mga eksenang tumambad sa akin :






Tuesday, July 22, 2014

Malaysian Airlines Flight 17 and Flight 370

Nakakalungkot naman itong balitang bumulaga sa World news headline na isang eroplano ( na naman ??!! ) ng Malaysia , ang Malaysian Airlines Flight 17  , na galing sa Amsterdam The Netherlands at patungong Kuala Lumpur Malaysia ay pinabagsak ng mga terorista mula sa ere na sakop ng bansang Ukraine .



Sakay nito ang 298 na pasahero at cabin crew na lahat ay pawang namatay.

At ang mas nakakalungkot ay may mga Pinoy na nadamay sa trahedya at pananabotaheng ito.

Ito ay ang mag-iinang Gunawan ( Irene Pabellon , Sherryl Shania at Darryl Dwight )


Tila ba inaalat ang mga Malaysian Airlines nitong mga nakaraang araw dahil kamakailan lamang ay 'di ba't nasangkot naman sa isang misteryosong pagkawala ang isa pa nilang eroplano ( Malaysian Airlines Flight 370 ) nito lamang buwan ng Marso na sukat ay nawala sa papawirin at magpahanggang-ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang tunay na nangyari sa flight na ito at sa mga sakay nitong pasahero na humigit kumulang 300 din .

Biruin mo nga namang pati na pala ang paglipad sa eroplano ay hindi na rin safe ngayon dahil sa mga bantang ito ng terorismo.

Wala kang kamalay-malay at prenteng prente ka lang na nakaupo sa iyong assigned seat sa airlines na ito ay bigla kang sasalpukin ng isang surface-to-air missile na tiyak magpapalasog-lasog sa iyong katawan.

Iba na talaga ang panahon ngayon.

Pati ang mga walang kalaban-laban at tahimik na mga sibilyan ay nadadamay at inaasinta o tinatarget na rin ng mga walang puso at walang kaluluwang mga teroristang iyan.

Lubos na nakikiramay ang espasyong ito sa mga naulila ng mga namatay dahil sa trahedyang ito ng Malaysian Airlines Flight 17.

Nawa ay makamit nila ang hustisya sa pangyayaring ito na labis na ikinalungkot ng mga taong nagmamahal at may  pagpapahalaga pa rin sa buhay ng mga kapwa nila tao.