TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 31, 2014

Lugaw Queen


Nang magkaruon ako ng tsansang makabisita sa Lungsod ng San Pablo sa Laguna , hindi ko pinalampas ang pagkakataong makapunta sa pinakasikat na lugawan sa Southern Tagalog Region.

Walang iba kundi ang Lugaw Queen.


Ang Lugaw Queen ay pag-aari ng mag-asawang Beverly at Sherwin Aquino.

Aking pinuntahan ang lugar na  pinagsimulan ng matayog na pangarap ng mag-asawa.

Ito ay ang kanilang kauna-unahang sangay sa J.M. Basa Street sa San Pablo City Laguna.

Dito nagsimula ang lahat ng kanilang pangarap.

Taong November 2007 unang binuksan sa publiko ang kainang ito.



Ngayon ay nagkalat na sa buong Southern Tagalog Region ang mga sangay nito katulad sa Laguna, Cavite , Batangas at Quezon. Maging sa Metro Manila ay unti-unti na rin silang dumadami katunayan ay mayruon silang sangay sa Alabang , Commonwealth Avenue at ang kabubukas lamang na sangay sa Farmers Market sa Cubao na nito lamang April 2014 pinasinayaan.


Sa ngayon ay mayruon na silang 15 branches at 5 dito ay company owned.
Tumatanggap sila ng franchisees at kung nais ninyong umunlad o umasenso at maging may-ari ng pinakasikat na lugawan sa buong Pilipinas ay pumunta lamang sa kanilang website sa www.lugaw-queen.com

Sa sobrang sikat at kilala ng lugawang ito ay nai-feature na sila sa ilang mga shows at palabas katulad ng My Puhunan , Kabuhayang Swak Na Swak, Sharon Kasama Mo, Kapatid , Thumbs-Up TV at iba pa.

Huwag ninyong ipagkakamali dahil hindi lamang lugaw ang inyong matitikman sa kainang ito.

Mayruon din silang mga silog meals ,dimsums like siomai , siopao at puto , chicken feet , all day meals , tokwa at baboy , coolers like sago’t gulaman , halo-halo and different flavored shakes , sisig at marami pang iba .



Sa pag-aasikaso ng Marketing Assistant na si Mam Angel Albano ay magiliw nila kaming tinanggap ng aking kaibigang si Alex Gesmundo.

Aming tinikman ang pinag-uusapan sa kanilang mga hanay ng menu , ang Lugaw Queen Special na mayruong goto laman , egg at special chicharon .


Tunay ngang mas malasa ito kaysa sa ibang lugaw na aking natikman.

At siyempre hindi rin namin pinalampas na tikman ang kanilang siopao asado.


At panghuli bilang panghimagas ay ang kanilang malamig at masarap na shakes. Ang sa akin ay chocolate flavor samantalang pandan flavor ang kay Alex.

Sa aking tanghalian naman ay aking nasubukan ang Porkchop Meal na binalot sa dahon ng saging with matching kamatis at nilagang itlog , sarap.



Tunay na kakaibang foodtrip ang aking naranasan dito kasama na ang maalagang pag-aasikaso ng mga staff and crews sa pangunguna ni Mam Angel Albano.

Salamat po sa pag-welcome sa amin sa inyong hapag-kainan.


Sobrang naibigan namin ang aming maiksing pagtigil sa inyong lugar at tinuring ninyo kaming tunay na reyna at hari .

Tunay na kayo ay Reyna Sa lasa at Swak Sa Bulsa.

Keep up the good work at saludo kami sa inyong tagumpay.

Sa uulitin.  















Friday, May 30, 2014

A visit in San Pablo City Laguna

Dahil sa isang project assignment in Laguna coming from an Auditing Company ay napadpad naman ako sa bandang Timog partikular sa mga Lungsod ng Calamba , Santa Rosa at San Pablo.

At dahil nakatira sa City of Seven Lakes ang bestfriend kong si Alex ay hindi ko nakalimutang bisitahin siya.

Kung hindi ako nagkakamali ay pangatlong pagbisita ko na sa kaniya ito dito sa San Pablo.

At muli naming binalikan ang mga magagandang tanawin at pasyalan sa Lungsod ng San Pablo.

At siyempre ang magandang bahay ni Alex kung saan ako nagpalipas ng isang gabi.

Here are some pictures to share:




the lavatory

kitchen

verandah

Capiz display from Boracay

inside alex's room

at the gate

the sala

dining area



sala room

Lion's Club stairs

treehouse


at the park

Sampaloc Lake


Sampaloc Lake

Rotary Club


Mount Banahaw


City Hall
San Pablo Church








 

Thursday, May 29, 2014

Rodillas Yema Cake

The Original Store , close that day
Sa aking pagbisita sa Lungsod ng San Pablo sa Laguna , siyempre ay hindi ko kakaligtaang bisitahin ang ipinagmamalaking delicacy ng mga taga - Laguna at Quezon .

Walang iba kundi ang Yema Cake na originally ay gawa ng mga Rodillas sa Monica and Jett Bakeshop .

Nakakuha kami ng sample nito sa loob ng Le Manays Bakeshop .

Sadly kasi ay sarado ang original store nito sa isang kalye sa San Pablo City .

Heavenly ang masasabi kong lasa ng fabulous Yema Cake na ito .

For sure babalik-balikan ko ito kapag napapadako ako sa mga lalawigan sa Timog like Quezon , Laguna at Batangas.

Enjoy .


two slices for me and Alex

the spongy and cheesy yema cake


Alex , my bestfriend


inside Le Manays store where we bought the cake


Wednesday, May 28, 2014

X-Men: Days Of Future Past Screening Night

Courtesy of Nuffnang ay napanuod namin ng kaibigang si Alex ang premiere special screening ng pelikulang X-Men: Days of Future Past sa Shangrila-Mall.


ayaw magpa-picture ng friend ko kaya solo lang ako he he
9:30 ang simula ng screening at nakahabol naman kami ng friend ko sa awa ng Diyos kahit na kagagaling lang namin sa kani-kaniyang mga trabaho at raket .

the tickets for two
Umpisa pa lang ay umaatikabo na ang aksyon.

As expected ay hindi na naman kami binigo ng batikan at magaling na direktor na si Bryan Singer.

Action kung action.

Drama kung drama.

At walang patumanggang moment at emote ng bawat character ng pelikula.

Panalong panalo sa bawat aspeto ng isang matinong pelikula.

Central character ang favorite kong si Raven Darkholme aka Mystique na ginampanan ng equally favorite kong si Jennifer Lawrence.

At kuwela at aliw factor ang bagong dagdag na character na si Pietro Maximoof aka Quicksilver na sobrang bilis kumilos partikular  na ang slow motion scene nang kaniyang kabilisan with matching Time In A Bottle background music.

Nakakatakot naman ang mga Sentinels na  mga halimaw na pumapatay ng mga mutants.

For sure ay aabangan ko na naman ang next installment nito.

Can't wait to see it next. 

Havey na havey at wagas na wagas , kudos to the entire casts and crews of this magnificent film.

Tuesday, May 27, 2014

drugs pa ...

FROM: JOHN MICHAEL CALANASAN

ano kayang mukha mo kapag katol at rugby ang binabanatan mo?


Monday, May 26, 2014

Marikina Star 2014

I was invited by Sir Butch Rivero sa graduation ceremony ng mga nagsipagtapos nang acting and talent workshop para sa mga kabataang Marikenyo at may titulong Marikina Star 2014.

Ginanap ang graduation ceremony   sa Marikina Theater at dinaluhan ng Vice Mayor ng Marikina na si Dr. Jose Fabian Cadiz .

Iprinesent din sa ceremony ang limang  short films and videos na gawa mismo ng mga nagsipagtapos at may mga pamagat na Rugby Boys , Flush , Life And Misery , Walang Kwenta at Gantimpala.

Ang mga videong ito ay gagamitin ng Marikina Vice Mayor's office bilang  information tools para sa kanilang drive campaign laban sa droga na siyang umaabuso sa maraming mga kabataan ngayon.

Narito ang ilang mga kuhang litrato :

Marikina Star 2014

The theater  lobby

The Graduates


Vice Mayor Jose Fabian Cadiz

Sir Butch Rivero

The you-know-who