Monday, March 31, 2014

Transparent umbrella


Ang cute ng transparent na umbrella na ito kaya naman binuyla ko agad nang ma-sight ko sa isang thrift shop.

Ewan ko ba at mukhang obssessed ako lately sa mga Rihanna-favorite things na ito.

Ang cute naman kasi .

Kitang kita mo na ang kaluluwa  niya.

Debah naman.

Oh bawal daw ang magpayong sa loob ng bahay .


Hindi ka na daw tatangkad.

'Di bale , matangkad naman na ako eh 

Enjoy : )

Sunday, March 30, 2014

Government-issued ID

Sa wakas nakumpleto ko na ang lahat ng aking government issued ID.

Lately ko lang siya nakumpleto kaya naman kuntento na ako sa aking pundasyon bilang isang Filipino.

That's SSS , BIR , Philhealth , Pag-Ibig and Comelec for you .

Passport na lang which I have yet  to renew in the coming months.

'Di bale hindi pa naman ako lalabas ng bansa in the nearest year to come he he : )




Saturday, March 29, 2014

Earth Hour 2014

It's Mother Earth's hour once again and this time it's March 29 , 2014.

Todo suporta ko ang oras na ito para kay Inang Kalikasan dahil talaga namang kailangan na niyang gumaling sa maraming mga sugat na kaniyang natatamo mula sa atin .

Kaya sa ganap na alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi ay sabay sabay nating patayin ang  mga enerhiya nang sa gayon ay makatipid sa paggamit nito sa lalong madaling panahon .

Lights out , aha , bless bless  bless!


Friday, March 28, 2014

iduyan mo ako ...

Dahil mahilig akong mag-duyan .

Kaya iduyan mo ako please .

Tara , dalawa tayong mag-duyan.  







Thursday, March 27, 2014

Crocodile Park Manila

Sa kaugnay na kaganapan pa rin sa kabutihang loob ni Mr. Vir Valdez Pedo , ang Senior Naturalist ng Crocodile Park Manila , ay nakarating kami ng aking kaibigang si Rommel Garces sa lugar na ito malapit sa CCP Complex , katabi lamang ng Star City sa Maynila.

Ang Crocodile Park Manila ay branch ng Crocodile Park sa Davao na pinamamahalaan ng Dizon Farms .

Makikita dito ang maraming klase ng buwaya at iba pang mga hayop katulad ng ostrich , tiger , monkey , civet cats , goats ,  mga ibon at marami pang iba . 

Something like a mini zoo but more .

Mayruon din silang mga shows like The Birdshow and Crocodile  Feeding live .

All for just a minimal entrance fee of 250.00 all in.

So come and visit this amazing site .

Open sila everyday.  

For more information , just visit their site here : Crocodile Park


























Wednesday, March 26, 2014

Fire Dance Show at Crocodile Park Manila

Sa kagandahang loob ni Mr. Vir Valdez Pedo , ang Senior Naturalist ng Crocodile Park Manila , kami ng kabigang si Rommel Garces ay nakapanuod ng Fire Dance Show na pinamunuan ng Tribu K'Mindanawan Fire Artist.

Ang galing ng grupo kung fire dancing lang naman ang pag-uusapan , promise .

Lalo na ang climax at finale na kumislap , nagningning at lumiwanag ang buong studio dahil sa literal na pasabog  ng grupo.

Sila lang daw ang gumagawa nito ayon sa grupo .

Available pa ang show hanggang sa March 29 at 30 at April 5 at 6 na nagsisimula ng 5 PM.

Bale tumatagal ng 45 minutes ang Fire Dance Show at 150.00 ang entrance fee.

So , para sa kakaibang pagtatanghal ng Tribu K'Mindanawan Fire Artist Dance Show  away from Boracay , here is your chance to see this fantastic , fabulous and once in a lifetime experience .

For more information , visit their site here : Crocodile Park Manila






Tuesday, March 25, 2014

Justin Alexander Casquejo

Type ko ang pagiging adventurous at daredevil nitong si Justin Alexander Casquejo  huh !

FYI , sa mga hindi nakakakilala pa , siya lang naman ang 16 year old Filipino-American na nakaakyat sa ituktok ng World Trade Center Tower sa New York City US of A nang hindi namamalayan ng mga nagkalat na security men-in-black  ng nasabing tore !

Break that !

Parang may sa invisible yata itong batang ito huh !

At ang mga matitinik na jaguar , aba at nagawang malusutan na tila yata natutulog sa mamihan huh !

And also the fact na cute siya he he he ; )











Sunday, March 23, 2014

paano ka umechas ?

FROM: KUYA ED



Nakakatawa naman 'yung mga numbers 7 , 8 , 9 at 0 ha ha ha .

Saturday, March 22, 2014

Friday, March 21, 2014

" I am a son of a farmer "

FROM: SIR BUTCH RIVERA

Bill Gates once entered a restaurant and gave a $2 tip .

The waiter said :

" Yesterday , your son entered here and gave a $200 tip . But you , a billionnaire , is only giving a $2 tip ? "

Bill Gates replied :

" My son is a son of a billionnaire . But me , is only a son of a farmer "

Make sense !

Thursday, March 20, 2014

" Frozen is evil ... " - Pastor Kevin Swanson

Anong kaguluhan ito huh ???!!!

Nagmamarunong daw ang isang Pastor Kevin Swanson na ito at sinasabing ang award-winning na pelikulang Frozen ng Disney Films at ang equally award-winning song na Let It Go ni Idina Menzel aka Adele Dazeem ay purely evil and from the devil himself!

Ang sarap lang maka G R R R R R R nito !

Iyan ang ayaw ko minsan sa mga overly religious and fanatic leader na tulad nitong si Pastor pa man din kuno.

Sobrang holier than thou at exaggerated kung makapanghusga!

Gawain ba iyan ng isang tunay na Kristiyano huh ?

Ito ay dahil daw ang character na si Elsa ay isa daw lesbian dahil hindi daw nagpapaligaw at walang asawa kaya naman it depicts homosexuality and promotes being  gay.

At ang kantang Let It Go naman daw ay nagpo-promote ng coming-out of the closet para sa mga bata. 

Helloooww Pastor , naririnig mo ba ang sarili mo ???

Ang husay naman ng imagination ni Pastor!

Palakpakan!

Kung ganiyan ka-twisted ang pananaw at kukote ni Pastor , aba'y dapat nang sunugin ng buhay ang lahat ng mga bachelor at hindi nag-aasawa sa buong mundo .

Kaya naman  President Pnoy , tumabi - tabi ka na at baka ikaw ang unahin nila he he he.

Oh huwag ninyo akong isunod huh !

And how about the greatest bachelor of all time ?

Walang iba , kundi ang ating Panginoong Hesukristo mismo huh !

Aaahhhh , mga walang magawa sa buhay !!!!

Get a life please !!!!

So babaw ninyo huh !!!!

Wednesday, March 19, 2014

Line To Heaven - a repost from Kalansay Collector

Bet na bet ko ang post/entry na ito ni Mr. KC Kalansay Collector kaya humingi ako ng permiso from him to repost it here in my site . Umagree naman siya . Thank you po!

Read on :

line to heaven
Dear God,

Kailan ba tayo nag-usap ng masinsinan? As in 'yung ganitong levels. Miss mo na ba ako? Ikaw ha pumaparaan kung paano ako kalabitin. Chos. Haha. Anyway highway, I'd like to believe we have this special relationship. Haha. Pinalaki akong Katoliko kaya napagdaananan ko rin ang magsimba tuwing linggo, hindi maligo tuwing Mahal na Araw at ang kuwestiyunin ang sarili ko dahil isa akong bakla at labag iyon sa utos mo. Pero malaki na ako. Tumigil na kami sa pagsisimba tuwing Linggo. Naliligo na ako tuwing Mahal na Araw at alam kong hindi ka naman talaga namamatay kapag Biyernes Santo at hindi rin December 25 ang birthday mo. Okay lang naman. Paborito ko ang mga araw bago mag-Pasko. At higit sa lahat isa na akong NPC.

Non-practicing Catholic.

Na-realize ko kasi bakit ako magsisimba sa isang institusyong naniniwalang masusunog ang kaluluwa ko sa impiyerno? Nakakaloka 'di ba Lord? Pero huwag kayong mag-alala dahil sa kabila ng pagtalikod ko sa mga utos ng kinalakhan kong relihiyon, sa tingin ko mas lalong nag-mature naman ang pagtingin ko kung Sino at ano Kayo sa buhay ko. 

Naniniwala ako na nasa langit kayo. Naniniwala ako na hindi kayo lalaki at hindi rin kayo babae, basta powerful ka. Hindi masyadong humanize. Naniniwala ako na kayo'y mapagpatawad at hindi mapagparusa gaya ng sinasabi sa Biblia. And with that, I believe na isa lamang literature ang Bible at hindi ninyo talaga sinulat. But yeah, I still respect it, remnants ng aking pagiging Catholic. Haha.

Naniniwala ako na kayo ang may likha ng lahat at namasdan na kita sa iba't-ibang mukha. Mga random good Samaritan. Ang magandang Coron at ang Lawa sa bunganga ng Pinatubo. Alam kong Ikaw yun. Alam kong nakikinig ka kapag nagdadasal ako pero hindi ibig sabihin nuon sinasagot Mo na. Para Kitang kaibigan. Ikaw lang ang mas nakakaalam ng mga sikreto ko higit pa sa aking mga kapamilya at matatalik na kabarkada. Minsan nagdadasal ako sa Iyo ng mga masasamang bagay. Haha. Pero kebs lang dahil pakiramdam ko kaya ako tao at Diyos ka dahil duon. Feeling ko pinagtatawanan Mo lang ako sa tuwing nagdadasal ako ng mga ganuon pero ginagabayan mo din ako para makuha kung ano talaga ang dapat kong makamit.

Marami akong bagay na hindi maintindihan na gusto kong itanong sa iyo. Gaya na lamang kung sino nga ang pinakikinggan Mong dasal, o kung paano Ka nagdedesisyon kapag may namamatay nang biglaan. Natatakot ako , sa totoo lang, sa kung ano ang kaya Mong gawin. Pero kapag iniisip ko, mas lalo lang nagsasanga-sanga ang mga tanong. Naisip ko, kaya mas masarap ding maging tao dahil mas maraming tanong. Siguro nababagot Ka na dahil alam Mo na ang lahat. All knowing Ka pala e. Chos. Haha.

Minsan naisip ko paano kung hindi naman pala Kayo totoo, eh di nagmukha lang akong tanga na umasang may Diyos akong makikilala someday. Pero naisip ko naman, mas mabuti na yun kaysa naman hindi ako naniwala tapos malalaman ko na lang na totoo Ka pala hindi ba? Hehe.

Ewan. Minsan iniisip ko simple lang dapat ang paniniwala Sa'yo. Hindi masyadong complicated. Basta ang alam ko marami Kang mukha. Ikaw ang Diyos, pati rin si Allah, minsan trip mong maging si Buddha o kaya ang mga nakakatakot na mga Diyos ng India. Pero feeling ko wala Ka naman talagang mukha. Ninais lang ng mga tao na i-physicalize Ka para meron silang mahawakan, masamba, masumbatan kapag hindi nasagot ang kanilang mga panalangin, maalayan at kung anu-ano pang ritwal. Gusto Mo ba talaga ang mga prutas na ino-offer sa'yo sa offertory?

Minsan mas madaling paniwalaan na totoo Ka kaysa hindi. Ewan. Nararamdaman ko namang totoo ka. Kaya nga ako nandito e. Naisip ko ang swerte siguro ng mga taong nakausap mo. Bakit noon nakikipag-usap ka kina Moises? May drama ka pang burning bush. E bakit ngayon ayaw mong mag-tweet? Or gumawa ng FB page? Ang saya lang siguro na makakuha ng mga sagot at magabayan sa mga desisyon sa buhay kung nakakausap Ka. Mas madaling maniwala Sa'yo.

Kung tutuusin ang daming kumplikasyon sa mundo para hindi Ka paniwalaan. Bakit may mga bagyo? May giyera. Kamatayan. Mga sakit. Si Tita Aida. Ang mga mamamatay-tao at masasamang nilalang. Gusto ko rin yang itanong at alam kong marami akong makukuhang sagot pero iba siguro kung Ikaw mismo ang nagsasabi di ba? Hehe. Howell siguro masyado Kang busy para sagutin kami isa-isa. Ilang language din siguro ang kailangan Mong i-on at i-off.

Natutuwa ako na alam kong mahal Mo ako sa kabila ng aking imperfections.  Siguro ang hirap nuon 'no? Kaya minsan nahihiya akong humarap Sa'yo sa simbahan. Nagdadasal na lang tuloy ako sa simbahang sarado kahit na alam kong tumatagos ang iyong mga tingin sa makapal na pinto. Tinging walang judgement, wala akong dapat ikatakot dahil kahit paulit-ulit ang mga dasal ko na walang katuturan, kahit minsan walang laman, alam ko, alam Mo na yun. Basta umaalis ako, nararamdaman kong sapat na ang mga pinagsasasabi ko dahil hindi naman talaga nasasabi ang dasal ng puso. Nadidinig Mo.

XOXO,

Kalansay

PS

Pasok ang post ko pala sa isa kong blog about morality.

"Paglabas ko ng locker room at gym, mas madaling mag-discern ng tama at mali dahil malayo sa mga nagkalat na “temptations”. Naisip ko siguro kung wala ang ahas at ang mansanas, naging maganda ang buhay nina Adam at Eve. Wala sanang kasamaan ngayon. Mas madali naman talagang umiwas sa kasamaan kung wala ang pag-uugatan nito."

Tuesday, March 18, 2014

AyosDito.ph Surf And Share Summer Promo






Gusto mo ba ng #AyosNaSummer? No worries. We’re having the ultimate beach party this coming April and you’re invited to party with us. Surf and Share #AyosNaSummer on AyosDito.ph to win tickets to Summer Siren 3-day beach party, the hottest music festival of the season.

We’re giving away a total 35 Summer Siren tickets and 10 limited edition Loudbasstard speaker docks in our Surf and Share promo.

Sali ka na and meet great people at Summer Siren event at Crystal Beach, Zambales. It’s very easy to join, just Surf and Share #AyosNaSummer on AyosDito.ph!
To join:
1. Search #AyosNaSummer on AyosDito.ph then open the Win Summer Siren Tickets ad.
2. Reply to the ad with your #AyosNaSummer wish. The more replies you leave, the more chances of winning exclusive Summer Siren tickets for you and your friends.
Sample Entries:
1. My #AyosNaSummer wish is to visit the beach with my friends! (Jenny, 0917.876.5432)
2. I want to read lots of books this summer para #AyosNaSummer talaga! (Marie, 0917.567.8901)
The prizes:
Total of 15 tickets and 3 room accommodations to be won! (5 Super Ayos winners will win 3 tickets and 1 room accommodation each)
Total of 20 tickets up for grabs! (5 Ayos Barkada winners of 4 tickets each)
Exclusive consolation prizes for music lovers up for grabs. (10 winners of Loudbasstard speaker docks)
Winners will be selected at random. The more #AyosNaSummer wish you send, the higher your chances of winning. Each ticket is valid for entry to the Summer Siren event at Crystal Beach, Zambales this coming April 4 to 6, 2014. Check out their awesome line-up!
Summer Siren Bands and DJs
Transportation, accommodation, and food will not be shouldered by AyosDito (except for the 5 Super Ayos winners who will receive 1 room accommodation as part of their prizes). Selected #AyosNaSummer entries will receive an email from Team AyosDito; thus be required to respond within (3) days notice to avoid forfeiture. Upon winner confirmation, ticket assignments will be confirmed for claiming before the Summer Siren event. Promo runs from March 10 to March 23. 
Ayos ‘di ba? So open the Win Summer Siren Tickets ad na to win FREE Summer Siren Tickets!

Monday, March 17, 2014

National Breakfast Day - Mc Donalds


At dahil Love Ko 'To ang Mc Do , join ako sa kanilang National Breakfast Day ngayong araw na ito , March 17, 2014.


with Chickenjoy on the side : D
Free Mc Muffin sa lahat ng Mc Donalds branches for the first 1,000 customers in each store from 6 to 9 in the morning.

Happy Breakfast Day ! 

Sunday, March 16, 2014

Patupat

Salamat sa pasalubong ni Mother Dear straight from her hometown province in Balaoan , La Union.

Miss ko na ang native delicacy na ito from Ilocandia na gawa sa malagkit na bigas at asukal na pula.

Ang tagal ko nang hindi nakatikim nito since bata pa ako , ngayon na lang ulit .

Masarap talaga siya , pramis.

At nakakatuwa ang paraan ng pagbalot nila ng palapa ng niyog , so intricate and complicated he he he .

Thank you Mother !

Sa uulitin !



Saturday, March 15, 2014

Selfiest City - Makati and Pasig City

Selfie, Manila Bulletin, mb.com.ph, Time Magazine, Pasig City, Makati City

Pasok na naman ang Pilipinas sa listahan .

At number one pa huh .

Iyan ay dahil sa listahan ng Time Magazine na Selfiest City o kung saang lugar mas marami ang nagse-selfie picture kuda .

O debah .

After ng pagiging Texting Capital of the World , ngayon ay Selfie Capital naman ang Pilipinas ha ha ha.

Pasok din sa listahan ang mga lugar ng Cebu ( 9th ) , Baguio ( 16th ) , Quezon City ( 59th ) , at Ilo-Ilo
( 72nd )

O ha , 'san ka pa!

Onli in da Pilipins.

Friday, March 14, 2014

ATTITUDE = 100%

Very interesting and meaningful message to share:

If:
A B C D E F G H I J K LM N O P Q R S T U V W X Y Z
is equal to:
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

Then,

H+A+R+D+W+O+R+K ;
8+1+18+4+23+15+18+11=98%

K+N+O+W+L+E+D+G+E ;
11+14+15+23+12+5+4+7+5=96%

L+O+V+E;
12+15+22+5 = 54%

L+U+C+K ;
12+21+3+11 = 47%

None of them makes 100%. 


Then what makes 100%?

Is it Money? 


NO!

M+O+N+E+Y= 13+15+14+5+25=72%

Leadership? 


NO!

L+E+A+D+E+R+S+H+I+P= 12+5+1+4+5+18+19+8+9+16=97%

Every problem has a solution, only if we perhaps change our "ATTITUDE"...

A+T+T+I+T+U+D+E
1+20+20+9+20+21+4+5 = 100%

It is therefore OUR ATTITUDE towards Life and Work that makes
OUR Life 100% Successful.

Amazing mathematics is it?



Thursday, March 13, 2014

My bestfriend Alex

Presenting , one of my few and chosen bestfriend - Alex Gesmundo of San Pablo City Laguna.

He is a model government employee of  the Department of Science and Technology located in Bicutan , Taguig City.

We became bestfriends for more than ten years na .

But lately , bihira na na din kaming magkita because of being busy as a bee sa kani-kaniyang mga raket and schedules.

Siya ang ikalawa kong naging kaibigan when I came out ten years ago.

Yung una , si Mar ay wala na kaming balita .

Kaya itong si Alex na lang ang natitira sa mga orig na magkakasama about ten years ago .

I am glad that our friendship stayed strong amidst and through many circumstances that may seem to end it. 

But we've passed the threshold of ten years and have emerged stronger than before .

I hope it will lasts ten years more .

To our 10 years of  lasting friendship , cheers to my dearest bestfriend Alex Gesmundo!