Friday, January 31, 2014

Wheel Of Torture

Walanghiya talaga itong mga kapulisan ng Pilipinas hane , partikular itong mga hinayupak na pulis ng Binan, Laguna .

Akalain mo ba namang ginawa pang torture game ang ang aking favorite game show na Wheel Of Fortune ni Vanna White huh!


Ang creative lang ng juices na dumadaloy sa utak nila noh , ang sarap pigain .

Hayan tuloy at in Jeopardy ang takbo ng buhay ninyo ngayon !

Kayo ang mga Weakest Link ngayon ha ha ha .

Game na ba kayo ???!!

Sa Russian Roulette , gusto n'yo ?

Eh ito gusto n'yo  !





Thursday, January 30, 2014

Vhong Navarro , bugbog-sarado

Hot topic , trending at headline ang pagkakabugbog sa comedian / It's Showtime TV host na si Vhong Navarro kamakailan lamang sa loob ng isang condo unit sa The Fort Taguig City.

Pasa-pasa , lamog at namamaga ang mukha ng kawawang Vhong Navarro nang humarap ito para sa isang one on one interview with Boy Abunda at duon ay isiniwalat at idinetalye niya ang mga pangyayari na nagresulta sa kaniyang pagkakabugbog.


Ayon sa salaysay ni Vhong , siya daw ay hiniya , tinakot , tinorture , hinarass at kinikilan ng malaking halaga ng pera ng mga personalidad na sangkot dito gaya nina Deniece Cornejo , Cedric Lee at marami pang iba .

Iba rin naman ang detalye ng diumano'y tunay na pangyayari ng mga pinangalanang sangkot sa bugbugan blues.

Ayon naman sa side ni Deniece , si Vhong daw ay nabugbog dahil tinangka diumano siyang gahasain nito.


Masalimuot ang mga pangyayari.

Hindi pa malinaw kung sino ang nagsasabi ng totoo.

At kung kaninong panig ang kakampihan ng nakapiring na hustisya.

Bawat panig ay may paliwanag kung ano ang totoong mga pangyayari .

Subalit kung susuriin ang mga inisyal na pruweba at ebidensya , tila ba patungo ito sa pagiging pabor sa panig ni Vhong Navarro.

Una ay detalyado ang pagsasalaysay ni Vhong kung ano ang tunay na nangyari. Walang pangingimi at kagatul-gatol na isiniwalat niya sa madla ang detalye ng pangyayari step by step. Ang mga suspek naman ay tila ba walang emosyon kung magsiwalat ng mga detalye. Mayruon bang babaeng muntik nang ma-rape ang kumikilos at nagsasalita nang ganuon lamang na para bang okay lang sa kaniya ang lahat ? Hindi  kasi halata sa tono niya na isa siyang babaeng muntik magahasa eh sa totoo lang. 

Pangalawa, ay tumugma ang mga detalye na isiniwalat ni Vhong  sa mga nakalap na kuha ng CCTV video and images mula sa lugar ng pinangyarihan. Samantalang ang sa mga suspek ay hindi tumutugma ang kanilang bersyon sa kuha ng mga CCTV.

Pangatlo , walang anumang kaso ng panggagahasa at pananakot ang kinasangkutan ng dancer/comedian at host na si Vhong Navarro hindi katulad ng sa mga suspek na may nauna nang kaso ng pambubugbog lalo na kay Cedric Lee na diumano ay isang mayabang at aroganteng negosyante.

Anu't anuman ay tiyak na mahaba pa ang lalakbayin ng kasong ito .

Sana lang , sa bandang huli ay lumabas din ang katotohanan at malaman kung sino ang nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo.

Mayruon lang akong ilang mga agam-agam tungkol sa high profile na kasong ito:

1.) Kung ito ay puwede palang mangyari sa isang sikat , mayaman at may maimpluwensyang personalidad , paano na lang ang mga walang kalaban-laban , mahihirap at hindi kilalang mga tao ?

2.) Nuon pa pala may kaso ng pambubugbog itong si Cedric Lee ( kina David Bunevacz at Jessica Rodriguez ) bakit ngayon lamang ito lumutang ?


3.) Kailangan ba talaga sa isang citizen's arrest na ang taong iyong inaaresto ay bugbog-sarado , maga ang mukha , nakatali ang mga kamay at may duct tape na nakatapal sa bibig bago mo dalhin sa presinto at isumbong sa mga pulis ? Sa dami nilang iyon ay hindi nila kinayang i-subdue  ang nag-iisang si Vhong ? May powers ba si Vhong na mala-Gagamboy kaya natakot sila at nagawang bugbugin si Vhong?

4.) Kung tutoong tinangkang gahasain si Deniece ni Vhong , bakit walang narinig na sigaw o tili mula sa loob ng kaniyang unit ang mga kalapit kuwarto niya ? Gusto rin kaya ni Deniece ang nangyayari ?

5.) Ano ang relasyon nina Cedric at Deniece ?

6.) Bakit ba tila inaalat ang mga miyembro ng It's Showtime na nasangkot sa ilang mga kontrobersya ?
Billy Joe Crawford on split-up with long-time girlfriend Nikki Gil . At ngayon ay rumored na may something going-on with fellow co-host Colleen Garcia.
Vice Ganda for his joke attacks on GMA host Jessica Soho.
Anne Curtis on her drunkard scene at a posh club also in The Fort.
Kim Atienza on his battle with Guillain-Barre disease.

Hayzz , ang daming mga tanong , wala akong sagot .

Kayo ba meron ?

In the meantime , to make this issue much lighter , heto muna ang isang bagong pelikula starring the triumvirate of Vhong Navarro , Deniece Cornejo and Cedric Lee . Watch out for it at your favorite police precinct.



Wednesday, January 29, 2014

Surprise Balloons

FROM: CHRISTIAN BRIONES ALANO

ha ha ha , kalokah

Tuesday, January 28, 2014

Monday, January 27, 2014

UPO

Ang upo , bow !

Ang kulit lang ng alagang upo ni Father dear .

Ang daming manganak.

Kakatuwa naman.

Stress reliever 'pag nakita mo galing ng work : )

At dagdag benta pa sa tindahan ko at saka libreng ulam kapag may time magluto he he he .

Ang upo , bow !





Sunday, January 26, 2014

Saturday, January 25, 2014

Billboard bumigay!

FROM : ROMEO DE LEON

ay bumigay na nga ang billboard !

Friday, January 24, 2014

Famous Belgian Waffle


In fairness , masarap talaga siya , pramis.

Lalo na iyong flavor na Ham and Cheddar , Chocolate Peanut Butter at Blueberry Creamcheese.

Ayon kay Pareng Wiki , una itong nakita sa isang Brussels Exposition sa Belgium kaya pinangalanang Belgian nga , ang kulit lang paulit-ulit.

But actually ay hindi ito originally gawa ng mga Belgians but from North America.

And mas famous ito sa America kesa sa Belgium.

Ang gulo lang anoh.

Kumain na nga lang tayo.


Thursday, January 23, 2014

Oral B Twins

Nuon pa man ay Oral-B na ang aking toothbrush na ginagamit.

The brand of toothbrush that more dentists use.

Kaya naman nang pinagsama ang dalawang favorite color ko na green at pink sepilyo sa isang lagayan , buy agad ako.

Kahit na  ayos pa naman ang toothbrush na ginagamit ko at meron pang limang bristles na natitira he he he.

Smile : D




Wednesday, January 22, 2014

Ang manok sa kusina

FROM: GHIEAN FAJARDO

Anak: 'Tay, may manok sa kusina tinutuka yung bigas!

Tatay: Paalisin mo!

Anak: Hoy manok, umalis ka nga dito!

Tatay: Bobo gulatin mo!

Anak: Hoy manok bulaga!

Tatay: Engot takutin mo!

Anak: Manok! Aswang akoooo! Awoo

Tatay: Adik bugawin mo!

Anak: Boss chicks! 50 lang batang bata!

Tatay: Hulihin mo na nga lang!

Anak: Manok! Pulis ako! Taas pakpak! 

Monday, January 20, 2014

Munich Olympiad Medal ?

May nagbigay sa akin ng medalyang ito.




Matagal na panahon na.

 At dahil may nakita akong word na Olympiad ay itinago ko ito.

At ngayon ko lang nahalungkat.

Kung hindi ako nagkakamali , ay ito ang Olympiad kung saan ay nagpakitang gilas si Adolf Hitler sa Munich , Germany nuong 1972 para makita ng buong mundo kung gaano kalakas at kamakapangyarihan ang kaniyang pamumuno sa Alemanya.

A prelude to the dreaded Holocaust.

And the rest is history as they say.

Authentic kaya ito?

May value kaya ito ?

Maibenta nga sa Sulit !


Sunday, January 19, 2014

Chuck Norris Split

Walang panama ang epic Volvo split ni Jeanne Claude Van Damme dito.

Ito ang the best split ever he he he.

Starring Chuck Norris himself.

Watch here:


Saturday, January 18, 2014

Unli Rice - Joey Umali

Tamang tama ang librong ito for me .

Perfect for my soul-searching and spiritual cleansing ganap , charos he he he.

Puwera biro - it never fails to uplift and refresh my spirit everyday na binabasa ko ito .

It is my Daily Bread .

Ay iba pala iyon he he he.

Ang dami na kasing lumabas ngayon.

Meron pang Daily Tinapay at Chicken Soup For The Soul.

At least ito Unli Rice.

Saan ka pa !

Wala bang Unli Ulam at Eat All You Can ?

Smile : D

Friday, January 17, 2014

Kalokah Moment 1

Sisimulan ko ang mga kalokah moment na ganap sa aking life from now on.

Heto iyong mga kaganapang hindi masyadong kagandahan at todo laughtrip ako kapag naaalala ko.

Puro true to life etits na nangyari sa akin promise .

At sisimulan ko ang pagsi-share ng isang ganap na ito.

Galing ako nuon sa isang isang interview para sa isang call center job na inapplayan ko diyan sa may bandang Libis Quezon City.

Tapos na ang interview ko at nakatanggap ako ng note sa isang maiksing papel na nagsasabing hindi daw ako pumasa para sa nasabing interview.

Saklap ( insert hagulgol here )

Mag-try na lang daw ako ulit mag-apply after 3 months.

Pababa na ako ng escalator at ready na akong mag fly-away-home ngunit sumisiksik pa rin sa utak ko kung anong mali ang nangyari sa akin sa interview portion para hindi ako matanggap ng nasabing call center company.

Pilit kong binabalikan ang mga pangyayari .

Habang patuloy ako sa paglalakad palabas ng building.

This time nakababa na ako sa escalator.

Tinutungo ko na ang exit door ng building.

Maya maya pa, isang malakas na " blaggggghhhh " ang umalingawngaw sa lobby ng building.

Blagggghhhhh !!!

Hindi ko namalayan , nauntog ako sa salaming dingding ng building.

Talagang nakipag-lips tolips at smack ako sa nasabing salamin complete with the sound effect na halos dumagundong sa buong lobby.

Buti nalang at walang masyadong tao nuong time na iyon sa lobby at  ang tanging nasilip ko ay may isang tao na nanduon sa customer desk na pihadong bumunghalit nang makita ang kagagahan ko.

Hindi ko na siya pinansin at dali-dali na lang akong tumalilis palabas ng " totoong pinto "

At buti na lang hindi nabasag ang salamin !

Kung hindi ay poproblemahin ko pa ang pambayad sa salamin eh naghahanap nga ako ng mapapasukang trabaho , waaahhhh!

Kalokah talaga!

Thursday, January 16, 2014

Congratulations Rose Fostanes - X Factor Israel Grand Winner

Nagdiriwang ang sambayanang Filipino dahil sa pagkapanalo ng OFW na si Rose Fostanes na isang caregiver para sa kauna-unahang X-Factor talent show sa Israel.

Patunay na kahit nasaan mang dako ng mundo ay patuloy na angat ang talento at kalibre ng mga Pilipino.

Dagdag pang karangalan para sa mga miyembro ng LGBT kung saan siya kabilang.

Naging daan tungo sa kaniyang tagumpay ang awiting My Way ni Frank Sinatra na ilang beses na naging sentro ng usapan dahil umano sa akibat nitong sumpa ng kamalasan at kamatayan.

Subalit para kay Rose Fostanes , ang awiting  ito ang nagsilbing suwerte tungo  sa pag-abot ng  kaniyang pangarap na katagumpayan.

Panuorin ang kaniyang winning performance dito:


Wednesday, January 15, 2014

The Christian's ABC

Matagal na itong nakasabit sa aking kuwarto pero hindi ko pinapansin.

Ngunit kamakailan lang bago mag-Bagong Taon ay saka ko lamang siya napag-ukulan ng matamang pagsisino.

Hmmmm , maganda naman pala ang mensahe.

How soul-refreshing and revitalizing.

Take a look :






Tuesday, January 14, 2014

Niagara Freezes Over

OMG , talagang iba na ang weather weather ngayon .

Climate change is here , no doubt about it .

And it's getting worst over time .

Imagine, even the Niagara Falls freezes .

Dahil daw ito sa Polar Vortex ek ek .

Lately ay maraming mga terminologies ang nage-emerge at medyo bago sa ating pandinig kaya naman nakakalito para sa marami.

Who have ever heard of Storm Surge na dala-dala ni Yolanda kaya naman marami ang hindi nakapaghanda?

Needless to say , the Niagara Falls freezing  has been turned into a marvelous work of art , isn't it ?








Monday, January 13, 2014

Lourd De Veyra's " open letter " to Vic Sotto

It had become viral , what else , the open letter of Lourd De Veyra to Vic Sotto regarding  the latter's film My Little Bossing.

I am republishing here the whole content of the letter I have gotten from the net.

Paalala : Hindi ko ito pag-aari at hindi ko ito inaangking pag-aari ko.

Para lang mabasa ng iba.

So be it .

Here is the open letter :

Dear Bossing Vic Sotto,
Una sa lahat, happy new year.
Magpapakilala muna ako. Ako po si Lourd de Veyra. Fan ako ng Tito, Vic, and Joey bago pa lang ako natutong magsulat—kung tutuusin, kaya kong magsulat ng academic thesis tungkol sa mga pelikula ninyo (Ang kaibigan kong direktor na si R.A Rivera ang gumawa naman ng undergraduate dissertation sa UP tungkol sa mga pelikulang pinagtampokan nina Joey at Rene Requiestas.
Naka-uno daw siya kay Dr. Nicanor Tiongson). Kaya kong magdiskurso tungkol sa parodic element ng Ready… Aim… Fire at Forward March laban sa estado ng kapulisan at militar nung ’80s. Puwede rin nating pag-usapan ang Doctor, Doctor I Am Sick bilang isang satirikong pagpuna sa medical malpractice (genius ang eksenang kinukunan ng 1,000 cc ng dugo si Palito), ang mga surrealistikong katangian ng Fly Me to the Moon, ang pagsubvert ng Kabayo Kids sa imahen ng Japanese superhero groups at paghihinete sa Pilipinas, ang Ma’am May We Go Out bilang isang critique ng Philippine educational system, etc.
Joke lang. Sinusubukan ko lang i-justify. Pero sa totoo lang, ika nga, silliness is its own joyful justification. Gusto ko lang ipakita lang na hindi ako high-brow snob na nanggagaling sa kawalan (Alam mo yung mga tipong manonood ng Bresson o Godard para aliwin ang sarili?).
Sabihin na lang natin na kayong tatlo ang Gomburza ng komedya para sa aming henerasyon. Kung ano man ako ngayon bilang tao at manlilikha, siguradong may bahid ng inyong impluwensiya. Nakatatak sa kamalayan namin ang mga eksena, ang mga “acheche!”
Sumusulat ako dahil film fest na naman.
As usual, ikaw na naman ang topgrosser. May special effects at mga engka-engkanto man o wala. Ang tindi lang talaga ng pulso mo sa bata, kaya naman ikaw ang consistent topgrosser. Bagong record daw: P50.4 million?
Pero kapapanood ko lang nung My Little Bossings. May problema ako eh. Malaki.
Saan ba tayo magsisimula?
Sabihin na lang natin na hindi ako ang audience ng My Little Bossings. At tama nga—paglabas ko ng sinehan, puro mga chikiting ang nakapila. Obvious naman kung anong demographic ang puntirya nito. Alam ko ang unang depensa niyo ng mga producers: hindi ako ang audience niyo. “Eh di huwag ka na lang manood.”
Pero huwag naman ganun, Bossing.
Nagbayad ako ng P220 kaya karapatan ko bilang manonood na magbahagi ng saloobin.
Gaano niyo ba kabilis ginawa ito? May pakiramdam ito na parang tatlong araw lang eh, parang minadali, or what we in our circles refer to as: PNY (“Puwede na ’yan.”)
Hindi kami nagbayad ng P220 para bentahan ng pancit canton, tinapay, sabong panlaba, cough syrup, at kung ano-ano pang produkto ang ine-endorse ninyong dalawa ni Kris Aquino. Ganoon na ba kayo ka-desperado? Hindi naman siguro.
Hindi kami nagbayad ng P220 para lunukin ang storyline na may babaeng willing magbayad ng P20 million para patirahin anak sa bahay ng accountant niyang hindi naman niya ka-close. Mahirap lunukin ang kuwento na may babaeng milyonara at edukada na magpapadala sa banta ng salbaheng kapatid na isisiwalat raw sa media na siya (Kris) ang mastermind ng pyramiding scam (Nalito ka ba? Ako rin eh).
Mabuti na lang at nandun ka, bossing. Nandun din si Ryzza. At higit sa lahat, nandun si Aiza na ako’y hindi natatakot na ideklara bilang isa sa mga pinakamahuhusay na artista ngayon.
Kulang sa exposure yung batang babaeng mataba. Ang ganung level ng pagka-cute, dapat nasa kanya ang 90% ng camera. Yung batang lalaki naman… Ano ba… sana magaling magbasketbol paglaki niya (Saka kung gusto niyang mag-artista sa Pilipinas, mag-aral siya ng Tagalog).
Pero bossing, maiba tayo: hanggang ganito na lang ba?
Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami-dami niyong puwedeng gawin. But this is the best you can come up with? ’Wag niyo sabihing “Pinaghirapan namin ito,” dahil maglolokohan lang tayo.
’Wag niyo ring sabihing, “Ano bang problema mo? Eh masaya naman sila.” Please naman.
Take note: hindi nanood ang mga tao ng My Little Bossings dahil tingin nila’y maganda ang plot at storyline—wala naman ito sa mga trailer eh, hindi pinakita. Pero hindi naman porke naka-bangko kayo sa ka-kyutan ni Ryzza Mae at patawa mo ay PNY na lang ang ibang aspekto ng pelikula.
Sa totoo lang, ang huling pelikula mong pinanood ko sa sinehan mismo habang film fest ay Iskul Bukol: The Reunion. Bilang miyembro ng henerasyon na lumaki sa Iskul Bukol, sabihin na lang natin na ako’y disappointed—dahil kalahati ng pelikula ay nauwi pa rin sa mala-Enteng Kabisote na habulan, barilan, at pakikipagdigma sa mga pantastikong nilalang (Ang saving grace lamang ng pelikula ay ang linya ni Joey de Leon na “I want to be an eskimo/ Es, es, / Ki-…”).
Bossing, heto lang talaga ang gusto kong sabihin. Ngayon ikaw ay nasa maimpluwensiyal at makapangyarihang posisyon. Kaya mong gumawa ng mga pelikulang makabuluhan, isang pelikulang maipagmamalaki ng lahat sa punto de bista ng kultura at estetiko. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng indie film na may mga tauhan na nakakatitig lang ng isang oras sa kawalan.
Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang tatlong tao lang ang nakakaintindi, yung tipong masusuka ka sa lalim. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang pang-Cannes. Pero wala namang masama dun, ’di ba? Buti pa nga si ER Ejercito eh, nagte-take ng risks sa mga pino-produce na proyekto (Ampangit lang ng mga poster; siya raw kasi mismo ang nagde-design porke’t VisCom grad daw ng UP Fine Arts).
Hindi ka na rin bumabata. Panahon nang gumawa ka ng pelikulang puwede mong ipagmalaki sa lahat—mula sa iyong mga magiging apo hanggang sa mga “supladong” kritiko. Minsan kasi may punto rin sila.
At least si Dolphy, merong Tatay Kong Nanay. Ang problema, bossing, mukhang wala sa filmography mo—mula sa Good Morning, Titser hanggang sa Enteng ng Ina Mo— ang puwedeng mapabilang sa tinatawag na “canon” ng Pinoy cinema. Kahit isa lang? And don’t even think about remaking Tatay Kong Nanay—that would be sacrilege. Please.
Tingin ko’y posible naman ito. Nasa posisyon ka na kumuha ng mahuhusay na manunulat at director na kayang magbalanse ng komersiyal na elemento at ng tinatawag na diskurso sa kondisyong mortal. Kunwari, sa bawat tatlo o apat na fantasy- o romance-comedy, ano ba naman ang lumikha ng isang komedya na tatalakay sa isang isyu ng lipunan, isang pelikulang kikiliti rin sa kanilang mga puso? Kikiliti na parang hindi “cheap” at parang hindi masyadong pinag-isipan.
You’ve always understood your strength as an actor: for the past several decades, mapa-Enteng man o partner ni Dolphy, you’ve always played the same character. At alam mong click ito—at mukhang ito ang nagugustuhan sa iyo ng Filipino audience, dahil honest ka lagi sa iyong karakter.
Pero what if: kunin mo ang prototypical Vic Sotto role at ilagay sa isang sitwasyon na sumasalamin sa kondisyon ng mas nakakarami nating kababayan? Imbes na mga multo at lamanglupa ang humahabol sa iyo, bakit hindi mga abusadong pulis, mga mapang-aping panginoong may-lupa? O kaya’y mga pork barrel scammers. Puwede namang magpatawa pa rin habang nagtataas ng antas ng kalidad ng paggawa ng pelikula. At hindi na nito kailangan ng mga mamahaling special effects. Kayang kaya niyo ’yan—we only have to look at Eat Bulaga’s Lenten specials. May kurot talaga sa damdamin.
Bossing, kahit wala ka sa politika, ikaw ay kasama sa iilan sa industriya na may pagkakataong baguhin ang kamalayan at panlasa ng mga manonood—kahit pa-konti-konti lang.
Sana’y pag-isipan mo ang posterity. Tandaan: iba ang paghusga ng sining at kasaysayan. Twenty years from now, wala nang makakaalala ng My Little Bossings, kahit kumita ito ng lampas P50 million. Hindi ito pag-aaralan at hihimayin sa mga unibersidad bilang halimbawa ng isang mahusay na pelikula.
Puwede kang makabola sa festival, pero, ika nga ni Andres Bonifacio, hindi mo puwedeng takasan ang hatol ng kasaysayan. Hindi rin naman kumita ang Kisapmata ni Mike de Leon, pero sino ang nakakaalala sa mga kasabay nito sa 1981 Metro Manila Film Fest: Tropang Bulilit ni Nino Mulach (Ito malamang ang My Little Bossings nung panahong yun), Babae sa Ulog (starring Jean Saburit), Init o Lamig (Dindo Fernando, Gina Alajar), Kamlon ni Ramon Revilla?
Bossing, ayaw mo bang maging Chaplin? Na hindi lang nagpatawa kundi tumalakay din sa human condition at nagkaroon ng komentaryo sa lipunan (The Dictator, Modern Times)?
Alam kong hindi madaling gumawa ng pelikula. At mas accurate: alam kong hindi madaling magproduce. At ikaw mismo bilang producer na nagpapatakbo ng isang kumpanya, isanlibo’t isa ang mga konsiderasyon.
Naiintindihan ko na negosyo pa rin ’yan. At hindi lingid sa akin ang maraming hamon sa bawat proyekto (’Yan minsan ang hindi naiintindihan ng ilang kritiko—porke’t walang slum area at handheld camera at Joel Torre o Ronnie Lazaro sa pelikula, basura sa kanila).
Tingin ko naman ay puwedeng gumawa ng pelikulang nakakaaliw at pipilahan ng buong pamilya—na hindi sinasakripisyo ang kalidad ng kuwento. Ang tagal mo nang kumikita, bossing. Malaki-laki na rin ang naibigay sa iyo ng taumbayan. Oras na siguro para sila ay suklian. Magbalik ka naman. To whom much is given, much is required, ika nga ng Bibliya.
Marami kang batang pinasaya at patuloy na napasaya—at isa na ako doon. Tutal Pasko naman, di ba, Bossing? (Christmas season parin hanggang Three Kings.) If Christmas is for children, isip bata pa rin naman ako. Sige na.
Your fan,
Lourd de Veyra

Ang masasabi ko lang , " Lourd Patawad ! "

Sunday, January 12, 2014

My Helionresearch Family

Thank you to my Helionresearch Family for making my year 2013 A-OK.

Wish to have more projects with you this year 2014!

If you wish to know more about Helionresearch , click here : HELIONRESEARCH

Saturday, January 11, 2014

Who Wants To Be A Milyonaryo?

Share ko lang :

with Bossing Butch Rivera he he he at Riverbanks Shopalooza

Friday, January 10, 2014

Rose Fostanes - X-Factor Israel

Isa na namang Filipina ang gumagawa ng ingay internationally, walang iba kundi ang caregiver na si Rose Fostanes na isang patok at hinuhulaang mananalo sa X-Factor Israel  itong season na ito .

Tunay nga namang kahit saang sulok ng mundo ay umaalagwa at umaariba ang magagaling at mahuhusay na mga Pilipino.

Heto ang mga video tungkol sa kaniya :




Thursday, January 9, 2014

Angeli Dione Gomez - Miss Tourism International 2014

Congratulations to Angeli Dione Gomez for winning this year's Miss Tourism International title at the recently concluded pageant held in Putrajaya, Malaysia.

What a fitting honor to herald this year 2014 year of the wooden horse .

Back to back ang ating pagkapanalo dito dahil last year 2013 ay ang ating pambatong si  Rizzini Alexis Gomez din ang nanalo dito . ( at parehong Gomez pa ang apelyido nila huh ) , a first in the history of beauty pageant in the Philippines .

Tuloy tuloy na ito hanggang sa katapusan ng taong ito I bet .

Patunay na kakaiba talaga ang Gandang Pilipina !



Wednesday, January 8, 2014

Personalized Calendar 2014

Nagpapa-order din ako ng mga personalized silkscreen calendar na katulad nito .

Price is 50.00 ang maliit at 150.00 ang malaki.

Libre na ang printing ng pangalan.

Tamang tama para sa bagong taong 2014.

Here are samples:



Order na !

Just message or comment at this post !

Tuesday, January 7, 2014

Monday, January 6, 2014

Fight - VCC Fasting and Prayer

Naengganyo naman akong tumugon sa panawagan ng Victory Christian Church patungkol sa Praying and Fasting nitong first full week ng January .

At sa case ko ay skip ako ng breakfast for one whole week.

Kering keri lang naman.

Dahil pagdating ng lunch ay lapang to the max ang drama he he.

Puwede naman daw ang ganun sabi ni Pastor.

Plus sabayan mo din siyempre ng prayer para mas effective anuman ang wish mo.

At saka mayruon pa akong isang pinag-fasting .

Stop muna sa habit na .........

Alam mo na  'yun ; )

Hmmmmm , at least effective !

To God be the glory talaga, amen !

Saturday, January 4, 2014

GKM Diagnostics General check-up

Nag-try ako ng isang health  machine na nakita ko diyan sa may bandang Isetann Mall Recto .

Ayon sa pralala ng nasabing health machine ay malalaman mo kung ano na ang estado ng iyong katawan in just matter of few minutes.

Sa halagang 50.00 lang ay lalabas na kung anu-ano na ang mga karamdamang maaaring mabuo sa loob ng iyong katawan.

Sabi ng health attendant na nangangasiwa sa pagpapatakbo ng nasabing machine , ito daw ay 95% accurate.
Hmmmm , masubukan nga .

At after nga lang  ng ilang minutong pagkabit ng aparato sa aking kamay ay nalaman ko na ang resulta ng aking health condition.

At ito ang lumabas.

Sa paliwanag ng health attendant na tumingin sa akin ay mukhang okay naman daw ang resulta ng aking general check up.




Medyo pag-ingatan ko nga lang daw ang mga organs like my prostate , kidney , mga narrowed blood vessels and also my bones daw .

Iwas iwas daw sa mga masesebo at ma-cholesterol na pagkain.

But he said that generally ay good naman daw ang aking health condition.

Hayyyy , a sigh of relief.

At least ay hinarap ko ang isa sa mga kinatatakutan ko : ang maideklarang deteriorated na ang aking kalusugan.

Anyway , sabi nga nila ay health is wealth .

So I must declare that I am wealthy after all.

Smile : )

Friday, January 3, 2014

Chino Roque - First Filipino in outer space

Bongga at astig ang kauna-unahang Pilipino na makakarating sa kalawakan as in universe ito marekoy at parekoy.

Masisilip na niya ang mga nakamamanghang  mga bituin , buwan , kometa , asteroids , galaxy , constellations , planets at kung anu-ano pang bagay bagay within arms reach huh .

Siya lang naman ay si Chino Roque na siyang kumuwalify bilang kauna-unahang Pilipino na makakita what is it out there in the wide wide universe.

Pangarap lang ng iba iyan , pero si Chino ay mari-realize ito in the coming days 'pag take-off niya mula sa Earth and into the outer space sakay ng mahiwagang kapsula.

Neil Armstrong at Yuri Gagarin lang ang peg mo huh .

Hurray for Chino Roque.

Enjoy your travel and bon  voyage !

Huwag mong kalimutang padalhan kami ng mga pictures and images at saka mga selfie mo na din diyan sa mundo ng alapaap at pangarap !



Thursday, January 2, 2014

Wednesday, January 1, 2014

Top 7 Moments of 2013

Heto na lang ang year-beginning post ko from Ensogo Living Social:

Hello Loyal Friends,

2013 has truly been an eventful year! And to cap off the year, we've decided to share with you LivingSocial's Top 7 Moments of 2013. Let's look back and reflect on the things that left an impact on us that made 2013 a challenging but crazy ride that we hope made us stronger and wiser. Here goes:
7. Meteorite Explosion in Russia – On a seemingly normal day of February 15, 2013 a meteorite exploded over Chelyabinsk, Russia. Studies reveal it was 30 times brighter than the sun and the explosion was as strong as 400,000 tonnes of TNT. According to researchers, the meteor crash is the largest in a century.
6. Batkid, the little Superhero – Last November 15, 2013, a 5-year-old leukemia patient was surprised by Make-A-Wish Foundation. They fulfilled his dream of becoming Batkid through a citywide production complete with a Batmobile and Batman himself as his partner. San Francisco was Gotham City for a day. The touching event brought so much joy to this little boy and brought San Francisco together as well.
5. Miley Cyrus – It was obvious that Miley Cyrus wanted to let go of the Hannah Montana image more so this year, and she definitely succeeded when she performed with Robin Thicke at the 2013 Video Music Awards last August 25, 2013. She twerked, had her tongue out and did some dirty dancing on Thicke. The most memorable part is how co-celebrities reacted to this jaw-dropping performance especially with the negative tweets. The Disney darling definitely shocked many.
4. Syria’s Civil War - On the morning of August 21, 2013 there were gas attack reports from a Damascus suburb. This 2-year ongoing civil war already cost 100,000 lives and a large refugee crisis. CNN showed videos of dead women and children which stunned and saddened the world. 2 weeks later, an intelligence report was made public that link Syrian President Bashar Assad firing weapons that killed at least 1,429 people which Assad and his allies denies. This did not stop President Barack Obama from stepping in and getting authorization from the Congress to strike Syrian chemical weapons installations.
3. The Bangladesh Factory Disaster – On April 24, 2013 one of the worst industrial disasters in the world happened in Bangladesh. Rana Plaza, a building located in the outskirts of Bangladesh’s capital Dhaka collapsed and killed over 1,100 workers. It exposed the poor conditions of the four million people employed in that factory. The disaster encouraged discussion of major reform acts for both local and global factories that supply major retailers in Europe and America.
2. New Pope, Francis - Habemus papam! A new pope was announced on March 13, 2013. We call him Pope Francis as he is an advocate of the poor like Saint Francis of Assisi . He is an Argentine cleric named Jorge Bergoglio. He replaced Pope Benedict XVI who resigned from the office because of his old age. Pope Francis is named TIME Magazine’s 2013 man of the year. As Pope, he has since shaken things up, spearheading financial reform within the Vatican, challenging traditional Church views on homosexuality and women, and denouncing the rapacious nature of Western capitalism according to TIME.
1. Supertyphoon Yolanda – On a Saturday, November 9, 2013 Yolanda hit the Philippines with wind speeds that reached up to 170 mph, this was 20 mph faster than Hurricane Katrina. It smashed central Philippines and the coastal city of Tacloban. More than 5,000 people were killed and left 2 million people homeless. It was the strongest typhoon ever recorded in the world.
Thank your for going on this journey with us and trust that we will always be the friend who knows the funnest and most exciting things to do in the city! Cheers to an adventure-filled 2014! Through thick and thin, we will always add surprise to your 2014 calendar!

Your local adventure-guide,
The LivingSocial Family