Wednesday, December 3, 2014

The Maserati Driver and The Traffic Constable

Isa na namang road rage incident ang naganap sa ating lansangan.

And this tme ay sangkot ang isang MMDA traffic constable na may pangalang Jorbe Adriatico


At ang isang Maserati driver na may pangalang Joseph Russell Ingco


Ayon sa video na nakunan ay makikitang kinakaladkad ng driver ng kotse ang traffic constable ng mga humigit kumulang sa 2 o 3 kilometro bago ito bitawan.

At nang mabitawan ang konstable ay tadtad ito ng bugbog at pasa sa mukha at katawan na kagagawan diumano ng nasabing Maserati driver.

Na diumano ay nagalit ang nasabing Maserati driver dahil kinunan ng cellphone ng konstable ang sasakyan nito nang mahuling lumabag sa isang traffic violations.

Na agad namang itinanggi siyempre ng nasabing Maserati driver.

Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa, subalit base naman sa video na nakunan ay kitang kita kung paano kaladkarin ng kotse ang mamang pulis dahilan upang  masaktan ito.

Minsan kasi ay talagang umaabuso at ubod na ng yabang itong mga driver na ito ng magagarang sasakyan na porke nakapag-drive lang  ng isang mamahaling sasakyan ay akala mo kung sinong prinsipe na kung umasta sa lansangan na may astang Noli Me Tangere ( huwag mo akong salingin ).

At kapag sinita sa kanilang traffic violations ay akala mo nakawalang umaatungal na lion sa pag-depensa sa sarili nila.

Hindi naman sila sisitahin ng konstable kung wala talaga silang nilabag na batas trapiko.

Kung totoo man na wala siyang nilabag na batas trapiko at basta na lang siya pinag-tripan ng nasabing konstable ayon sa  depensa nito , sana ay maayos siyang bumaba ng kaniyang sasakyan at nakipag -usap ng maayos sa traffic enforcer na iyon at nang masolusyunan ang kanilang problema sa mahinahong paraan.

Eh hindi bagkus ay pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan at pinabayaang humabol ang nasabing traffic enforcer.

Tunay nga na walang naibubungang mabuti kailanman ang pagiging mainitin ang ulo.

Pang-ilang road rage incident na ba ito sa kalsada at hindi nadadala ang ating mga motorista?

Ilang Eldon Maguan pa ang magbubuwis ang buhay bago tayo matuto ?








5 comments:

  1. Ang mga insidenteng ganyan, init ng ulo ang puno’t dulo. Ba’t pa kasi kelangang away agad di ba pwedeng idaan na lang sa mabuting usapan.

    ReplyDelete
  2. sad incident...yes the filipinos need to be patien!

    ReplyDelete
  3. What an Awesome post. Just wanted to drop a comment and say I am new to your blog and really like what I am reading. Thanks for the share.

    ReplyDelete
  4. Very interesting blog. A lot of blogs that I see these days don't really provide anything this interesting. But I'm definitely interested in this one more than any other blog. Just thought to share my views on this to let you know how useful these articles are. Thanks.

    ReplyDelete
  5. Amazing blog and very interesting stuff you got here! I definitely learned a lot from reading through some of your earlier posts as well and decided to drop a comment on this one.

    ReplyDelete