TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 23, 2014

Thank You , Ang Babait Ninyo

Bet na bet ko itong bagong Christmas Station ID ng ABS-CBN na " Thank You , Ang Babait Ninyo " featuring The Voice Kids Top 4 winners .

Panalo ang liriko at melodiya.

Swak na swak ang theme ng kanta na tungkol sa pagpapasalamat sa mga taong mahalaga para sa atin na madalas ay ating nate-take for granted o napapasintabi na lamang pasalamatan.

Kaya sana ngayong Pasko sabihin natin sa kanilang  mga gusto nating  pasalamatan na " ang blessings ko'y kayo ... thank you thank you ang babait ninyo "

Huwag na 'yong dating " ang babarat ninyo " ha ha ha.

It's time to give them gratitude and appreciation.

Watch the video here :

2 comments:

  1. Super favorite ko din yan! LSS to the max! Actually favorite ko naman lagi ang Christmas Station ID ng ABS-CBN kada-taon. Sana wag silang tumigil sa paglikha ng ganitong magaganda at meaningful na mga awitin tuwing Pasko.

    ReplyDelete