Wednesday, December 10, 2014

Pizza Ng Ina Mo

Nang madako ako sa lugar ng Angono Rizal ay isa na namang kainan ang aking nadiskubre .

Very catchy ang name huh : PIZZA NG INA MO


Akala ko ay minumura lang ako.

Hindi pala.

Pero talagang mapapamura ka sa sarap ng mga dishes nila dito he he he.

Of course ang signature menu nila ay ang PIZZA as its name implies davah.



Bukod sa pizza ay mayruon din silang mga silog , noodles , breakfast dish at marami pang iba na pagpipilian.

And since busog na ako that time ay pinatawad ko muna ang kanilang mga pizza.

I am sure naman na babalik ako dito to try their pizzas of course.

Ang aking nilafang na lang ay ang kanilang special mami complete with shredded meat , vegetables , sliced egg and chicharon bits.




Ummmm , super linamnam promise.

Mapapa-pizza ka sa sarap , pramis.

And then ang kanilang breakfast ( kahit na gabi na nuon ) na bacon combo complete with toasted breads , 2 fried egg , tomatoes and cucumbers and the bacon of course.




Swak sa panlasa at magaang sa bulsa.

Diyan lang ito sa Manila East Road Angono Rizal malapit lang sa SM Angono , hindi ka maliligaw pramis.

Try it and I am sure na sulit ang ibabayad mo dito.





Next time ay ang pizza naman ang titirahin namin ni katotong Rommel .


See you next time.

Smile!

1 comment: