Friday, December 19, 2014

Lifestyles of the Bitch and Infamous - The Bilibid Kubols

Grabe , akala ko ay interior ng mga  magagarang bahay sa Forbes Park o Ayala-Alabang o Corinthian Garden o Alta Vista o mansyon ni Binay sa Batangas ang nakikita ko.

Pero hindi pala dahil namamalik-mata lang ako.

Ang mga ito pala ay mga kubol lamang sa loob ng .....

Walang iba kundi sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.


Anak ng may Ebolang baka .

Aba at mas magaganda at kumpletos gadget pa ang mga ito kaysa sa mga nasa labas ng kulungan ah.




Kumpletos rekados ang mga mamahaling gadget na nasa loob gaya ng mga imported and branded na relos and appliances gaya ng LED TV at refrigerator at washing machine with air condition pa  na nasa loob ng mga sarili nilang entertainment rooms and game rooms at ang pinakamasaklap pa ay may nakuha pang sex toy sa kuwarto ng isang inmate huh.


Nakakapanginig kayo ng laman huh!

Nasa loob na nga kayo ng bilangguan ay ang lilibog n'yo pa.

Ang siste , ang may-ari pala ng mga kubol na ito ay mga mayayamang Chinese drug lords sa loob ng Muntinlupa.

Heto ang kanilang mga pangalan for the record : Peter Co, Eugene Chua, Vicente Sy, George Sy, Tony Co, Willy Chua, Michael Ong, Tom Chua, Jacky King, Willy Sy, and Sam Li Chua


Na kahit na nakakulong din pala ay nagbubuhay-hari pa din ang mga kumag na ito. At kahit sa loob ba naman ng bilangguan ay sila pa din ang mga negosyante at business tycoon?

Dinaig pa ang mga nasa labas at laya.

Aba at imposibleng walang mga padrino iyan huh.

Go go go Secretary Leila De Lima .

Bakbakan at sampolan na ang mga hinayupak na padrino ng mga pesteng drug lords na iyan huh.

Kaya hindi napuputol ang problema ng droga sa bansa eh ay dahil sa inyong mga kabulbulan at kabulukan.

Nakakawindang kayo ha at nakakapag-dabog ng patilya huh !

3 comments:

  1. Grabe lang sila, parang mas masarap pa ang buhay ng bilango kung ganyan ang levels! Sana naman hindi sila mabalik sa ganyang comfortable lifestyle after masiwalat ito, alam mo naman sa atin, pag lumipas na ang issue, balik na sila sa dating gawi

    ReplyDelete
  2. Nasaan ang hustisya!!!??? Sana matigil na ang mga ganyang bagay. Sila ang swak na swak sindihan sa papasok na bagong taon.

    ReplyDelete
  3. Grabe. Pag may pera talaga, kahit saan nagagamit:(

    ReplyDelete