Saturday, December 13, 2014

Blind Item by Lukring

Blind Item nga muna tayo courtesy of istariray na family driver na si Lukring.



Siya ang dakilang family driver ng isang showbiz celebrity na naanakan ng isang dating matinee idol nuong 1980's.

At naanakan muli ng isa pang matwinee idol ngayon namang 1990's.

Chika ni dalahirang driver na super matapobre pala sa true to life ang mala-angelic face daw na aktres na ito.

Na akala mo ay hindi makabasag  pinggan sa kabaitan , iyon pala ay may sa demonic powrs na sumasanib dito once na hindi na  nakukuhanan  ng kamera at nasa bahay lang siya.

Kapag nasa bahay na daw siya at wala nang CCTV na nagbabantay sa kaniya ay lumalabas na daw ang mala-split personality nitong si aktres dahil super mataray , masungit at matapobre na daw kapag nasa balur nila.

Isang kaganapan na nagpapatunay nito ay minsan daw na nasa shooting sila ay may lumapit na isang matandang babae na niyakap at hinalikan si  aktres dahil fan na fan nito ang matanda.

Super  lambing naman daw ang aktres  at game na game na nagpahalik at nagpayakap kay matandang huklubang fan with all smiles from ear to ear.

At chika pa daw ni aktres na nagpapasalamat kuno sa matanda dahil sa walang hanggan nitong pagsuporta sa kaniya kahit nuong __________ days niya .

Subalit nang sumakay na sa kotse ang aktres at maisara na ang bintana ng kaniyang sasakyan ay dito na daw nag-alburuto sa inis ang aktres dahil mabaho daw ang matanda at amoy malansang isda na kung bakit naman yumakap at humalik pa daw sa kaniya.

Katunayan ay nagpahingi pa daw ito ng alkohol kay driver dahil baka daw mahawahan siya ng germs mula sa mabahong nasabing fan na matanda.

Super imbyerna to the max daw si aktres sa matanda dahil masyado daw makulit at mapilit na kahit na pilit na siyang lumalayo dito ay hinabol pa rin siya at ang matindi ay yumakap pa at humalik pa daw na lalong ikinabanas nito.

Ha ha ha kalokah.

May double personality pala si Mam.

At isa pang chika ni driver friend ko ay minsang dumalaw itong isang hunky actor at isang director sa bahay ni aktres.

Masaya daw nilang pinagkukuwentuhan o pinupulutan ang isa pang aktor na medyo may kalansahan  silang naaamoy.

Nagtanong daw si direktor kay hunky actor kung anong masasabi niya sa sekswalidad ng aktor na malansa ang amoy.

Buong ningning na ibinida ni hunky actor kay direktor na may bahid ng kabaklaan daw talaga si malansang aktor.

In fact may gusto daw ito sa kaniya.

Dahil minsan daw ay nagsabi ito sa kaniya na kapag wala at hindi ito dumating sa birthday niya ay malulungkot siya.

Nang tanungin daw niya kung bakit naman malulungkot si malansang aktor kapag hindi nakarating si hunky actor sa birthday ni malansang aktor ay buong ningning na sinabi ni malansang aktor kay hunky actor na " kasi mahal kita eh "

At napuno ng tawanan ang bahay ni aktres na mula sa direktor  at hunky actor.

Clue : Sino si aktres ?

Ang apelyido niya ay uso kapag Pasko.

Sino si hunyk actor ?

May pagkabanal  din ang apelyido niya . Itanong ninyo pa kay Pip.

Sino si direktor ?

Hmmmm , may pagka-mayaman naman ang name niya huh.

At sino si pinag-uusapang malansang aktor?

Hindee ko alam noh!

Yun na !

1 comment:

  1. Mahina akeli sa mga blind items, ang slow ng utak ko jan pero bet na bet kong magbasa ng mga ganiyan. Nagpatulong talaga ako kay mudra, then finally na-gets ko din!

    Di ba ang name ni aktres ay ang beki word natin for spoiled (referring to a food)? Example: Haynaku, jinamay mo kasi 'tong fudams, ayan tuloy ****** na!

    Ang name ba ni hunk aktor ay katunog ng ingles ng ilog? Di ako sure.

    Ang name ba ni direktor ay kumikinang? Parang diamond ba 'to?

    Sayang walang clue kay malansang aktor.

    ReplyDelete