Thursday, December 4, 2014

Ashley Madison

Sino si Ashley Madison ?

Excuse me , pero hindi siya isang Hollywood actress o celebrity at hindi rin isang kilalang model o kahit na isang sports personality.

Kundi isa siyang dakilang kabit.

Opo .

Isa siyang datematching website na kung saan ang mag-asawa na gustong mangaliwa ay puwedeng umentra sa website na ito para maghanap ng kabit o kulukadidang o mga kalapating gabi kung lumipad ha ha ha.

In short , welcome na welcome ang mga adulterous affair sa website na ito.

Ang pralala nga ng website na ito ay " Life Is Short.Have An Affair "


Mas nakakapanindig balahibo sa Tagalog : " Ang Buhay Ay Maikli. Mangaliwa. "


 Biruin mo tuturuan tayong mangaliwa , eh samantalang makikanan tayong mga Pilipino di ba .

Seriously , hindi pabor ang inyong holier than thou and innoccent and so pure ninyong lingkod para dito.

Choz.

I still believe in the integirty and purity of The Filipino Family.

At kapag pinasukan mo nang ganiyang kabalahuraan ang Pilipinas, I am sure na maraming pamilya ang mawawasak.

Siguradong matutuwa si Eva Eugenio niyan dahil magiging mabenta ang kaniyang kantang Tukso.

" Kayrami nang winasak na tahanan
  Kayrami nang matang pinaluha
  Kayrami nang pusong sinugatan
  O tukso , layuan mo ako ! "

Hindi naman porke may mga teleserye at pelikula tayong Two Wives at The Secret Affair at The Mistress at No Other Woman at Ang Kabit Ni Mrs. Montero at My Neighbor's Wife at isama mo na rin ang My Husband's Lover at marami pang iba ay pabor na tayo sa mga kabit at bawal na relasyon huh.


Iyan ang napapala ng mga pelikula ninyong may temang puro sa kabit akala siguro ng mga iho de putang nagpapatakbo ng website na iyan ay utak-kabit na tayong lahat.

Hmmmm , ang sabi nga ni Ateng Vilma Santos ay


At dahil diyan ay sumigaw si Sharon Cuneta ng


At huwag ninyong hintayin na



Entiendes ?

2 comments:

  1. Tama ka, mas lalo tuloy nai-stimulate ang mga tao na mangaliwa dahil sa mga palabas na may kinalaman sa affair. Enough na siguro kung konti lang, pero kung taun-taon na may mga palabas na ganyan eh iisipin ng bayan na trend ito at dahil diyan marami ang makiiuso. Kaya naman marami na ang di naniniwala sa forever dahil ganyang shows ang mas nae-emphasize.

    ReplyDelete
  2. What a terrible world we live in:(
    Sad to say, yan ang mga nag click, but still there are people who still do the right things.

    ReplyDelete