Sunday, December 28, 2014

A despedida/send-off party for my Brother Louie

At dahil paalis na nga papuntang Dubai ang aking loving Brother Louie ay may despedida sa kanilang balur last December 21 , 2014.

Bale send-off party and reunion na din ito para sa lahat ng mga minamahal at kamag-anak.








At ngayong araw din na ito ay kaniyang birthday at malamang sa alamang ay nanduon na siya sa Dubai for now.

We'll gonna miss him of course because usually at this time na birthday niya ay may celebraton kami for him.

But this time ay tama na muna ang Skype at Facebook bati for him.


Ganiyan talaga ang buhay para magkaruon ng mas magandang kinabukasan para sa iyong pamilya.

Kailangan mo talaga minsang lumayo at mamuhay na mag-isa at malayo sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.

Kung hindi lamang sana sobrang sakim at gahaman ang mga pulitiko dito sa ating bansa.

Hindi na sana tayo kailangan  pang lumabas ng bansa para lamang mabigyan ng mas maalwan at mas maginhawang buhay ang ating mga kapamilya.

Hayzzz , may pag-asa pa rin naman akong nababanaagan.

Sana nga .



3 comments:

  1. Sana naman New Year’s Resolution na ng mga pulitiko ang maging honest.

    ReplyDelete
  2. Good luck sa career ng brother mo :D

    ReplyDelete
  3. Sad naman, umalis si brother dear..bilinan mo na lang na may monthly padala na balikbayan box :) Happy holidays Ed! :)

    ReplyDelete