Saturday, December 20, 2014

130+ Children Killed In Pakistan

Nakikidalamhati ang espasyong ito sa pamilya ng halos 140 na mga bata , guro at sibilyang namatay sa isang pamamaril na naganap sa isang state-run na paaralan sa Peshawar City Pakistan.




Ito ay isang act of terrorism diumano at kagagawan ng grupong Al Qaeda o Taliban.

Diyos ko pong mahabagin at bakit pati mga inosente at walang kamuwang-muwang na mga bata ay idinadamay sa ganitong insidente ng karahasan.

Sadya bang wala nang puwang ang pagmamahalan at pag-ibig sa mundong ito na napuno ng galit at poot ang puso ng tao.


Wala akong masabi .

Basta durog ang puso ko dahil sa ganitong karahasan.

Rest In Peace God's Little Children of Pakistan.



1 comment:

  1. Nakakahabag ang kalunos-lunos na sinapit ng mga inosenteng biktima. Sana mahuli na ang mga terorista na gumagawa ng mga ganyang kasamaan.

    ReplyDelete