TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, November 12, 2014

Usapang Bilbil

Share ko din from here www.gmanetwork.com

Tamang tama para sa mga bilbilin beauties like me , relate much.

Read on :



Malaki ba ang iyong tiyan? Marahil ay marami ang iyong taba sa katawan! Pero napansin mo ba kung ang iyong bilbil ay malambot at nakalawlaw o ‘yung tipong may katigasan?


May dalawang uri raw kasi ng taba na matatagpuan sa ating tiyan. Ang subcutaneous fat at ang visceral fat. Ang subcutaneous fat ay ang taba na malambot at naiipon sa ilalim ng balat.



Ang visceral fat naman ay ang taba na nakapaligid sa abdomen at pumapalibot sa ating internal organs.

Komplikasyon ng taba sa katawan

Maaaring may pakinabang ang taba sa katawan ng tao dahil sa ito ang nagbibigay ng enerhiya. Pero ayon nga sa kasabihan, lahat ng sobra ay nakasasama.


Ayon kay Dr. Rainier Tanalgo, internist sa Philippine Doctors Hospital,"kapag tayo ay balot ng visceral fat sa katawan, humahalo ito sa ating dugo na siya namang nagiging dahilan sa pamumuo nito sa ating mga blood vessels." Kapag namuo ang taba sa daluyan ng ating dugo, maaari raw itong mauwi sa pagpalya at pagkasira ng ating organs.

Sanhi ng taba sa katawan

Maraming sanhi ang pagkakaroon ng taba sa ating katawan. Ang pinakamadalas ay ang maling pagkain at kakulangan ng sapat na ehersisyo.  Isa rin ang stress sa mga sanhi ng pamumuo ng taba sa katawan.

Ayon sa isang pag-aaral, kapag stressed ang isang tao, naglalabas ang kaniyang katawan ng hormone na cortisol. “Ang cortisol ay natural na nagpapataas ng blood sugar at pressure na konektado naman sa pagkakaroon ng visceral fat.  Kapag tayo ay stressed, kain din tayo nang kain,” ani Dr. Tanalgo.

Maliban sa mga nabanggit, maaari ring mamuo ang taba sa katawan dahil sa genetic component ng isang tao. Ibig sabihin, kung nasa pamilya ninyo ang pagiging malusog sa pangangatawan, malaki ang tsansa na mamana mo ito.

Marami ka bang visceral fat?

May ilang pamamaraan para malaman kung marami na ang visceral fat sa ating katawan.  Maaari itong matukoy sa pagsailalim sa Magnetic Resonance Imaging o MRI.

Bukod sa MRI, marami ring paraan ang puwedeng gawin upang malaman kung may visceral fat ka. Isang palatandaan ay ang beer belly. Ang beer belly ay pagkakaroon ng mabilog at matigas na tiyan.



Isa pang paraan ay ang pagtukoy sa hugis ng iyong tiyan. Kapag apple-shaped ang inyong tiyan, mataas ang inyong visceral fat. Kapag mataas naman ang iyong subcutaneous fat, hugis-peras ang iyong tiyan.

Maaari ring masabi na mataas ang iyong visceral fat kung ang waistline ng isang babae ay 31 inches pataas o kapag mataas sa 35 inches naman para sa mga lalaki.

Tip sa pagsukat ng waistline: para makuha ang tamang waistline, siguraduhing nakatapat sa pusod ang marker ng tape measure bago ito iikot sa iyong katawan.



Bye, Beer Belly


Marami mang komplikasyon na hatid ang visceral fat, mas madali naman daw itong alisin sa katawan sa pamamagitan ng ehersisyo.  Kapag mataas ang iyong subcutaneous fat, ang isang mabilis at epektibong paraan para maalis ito ay ang pagsailalim sa liposuction.


Pero kung wala ka namang budget para sa operasyon na ito, maaaring subukan ang High Intensity Interval Training o HIIT. Ang HIIT ay isang set ng exercises na naka-focus sa endurance kaysa sa lakas. Ibig sabihin, mas nakatutok ito sa iyong endurance o kakayahang magtagal sa isang ehersisyo kaysa sa iyong lakas na gawin ito.Tumatagal lang ng 30 minuto ang HIIT pero sa bawat ehersisyo, 10 segundo lang ang iyong break o pahinga.


Kapag nag-eehersisyo, natural sa isang tao ang hingalin. Kapag tayo ay hinihingal, ibig sabihin ay nagkukulang sa oxygen ang ating katawan. Pero agad naman natin itong nababawi tuwing nagpapahinga. Susi rin ang mataas na oxygen level sa pagsunog ng taba sa katawan.

Ang taba ay maihahalintulad daw sa pera. Kung hindi mo ito planong sunugin, bakit mo naman iipunin? -Gerald Vista/BMS, ARP

No comments:

Post a Comment