TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, November 25, 2014

Pacquiao- Algieri Fight at High Rice Grill

Sa paanyaya ng kaibigang Rommel at Fred ay nanuod kami ng labang Manny Pacquiao at Chris Algieri sa High Rice Grill along Marcos Highway.

Complete with Eat All You Can buffet ay sulit na dahil habang nanunuod ka ng pinaka-aabangang laban ng taon ay busog ka pa sa mga masasarap na lapang.



May mga kasama ka pang mag-cheer at humiyaw para sa ating great kababayang boxer Manny Pacquiao.

Undermatch ang laban . Umpisa  pa lamang ay alam na ng lahat na matatalo si Algieri at liyamadong di hamak si Brother Manny.

At hindi nga nagkamali ang balana dahil in the 12th round ay idineklarang panalong muli si Pacman.

Ang sabi nga ng ilang sports analyst ay tila " blackeye " ito sa boxing industry.

Dapat ang sunod na ilaban ay iyong ka-match na ni Manny in strength and power.. At hindi iyong isang pipitsuging sirkero at runner.

Ilang beses kayang bumalentong at nagpa-tumbling tumbling ang kawawang Algieri.

Nasira pa ang guwapong mukha niya.

Mayweather and Pacquiao ang dapat nang isunod at wala nang iba.

And that would be aptly titled " The Fight of the Century "

Samantala , kuwelang kuwela na naman at agaw eksena si Mommy Dionisia - ang Pambansang Daliri ng Pilipinas ha ha  ha.



Anyway , inenjoy namin ang labang ito na sinabayan pa ng masasarap na pagkain ng High Rice Grill.

Sulit Sarap ikanga.














2 comments:

  1. Na-boring talaga ako dun sa laban, walang ka-aksyon-aksyon. Parang one-sided love lang, isa lang ang nagbibigay. Ganyan naman talaga ang mga kalaban ni Pacquiao, sa una intimidating tingnan pero sa fight putchu-putchu lang. Ang lampa pala ni Algieri, parang di nag-practice. marasa pa. Bakit pa kasi nag-boxing yan, dapat nag-model na lang siya ng underwear or mag-b*ldstar nalang. (manunuod ako, landeeeh! nyehehe) Andami kong tawa kay nanay Dionisia. xD. Papalitan na daw apelyido nila, from Pacquiao to Pacquio. Sabi niya sa bf niya: “Please Pacqme or else I will Pacquio!” nyahahahaha

    ReplyDelete
  2. Ha ha ha quota ka na sa comments ha Anonymous Beki ... thanks for always visitng and reading my blog and for the effort of commenting : ) ... sorry kung medyo hindi ko madalas nasasagot ang mga comments .. busy lang ang lola n'yo he he he .... God bless you always!

    ReplyDelete