TRAVELBOOK NOW!

Monday, November 3, 2014

Nong Chinoy Restaurant ( a rant review )

Nakita ko sa Metrodeal ang promotional discounted offer na ito.



Oh di ba very enticing nga naman .

Sa halagang 169.00 lang ay makakalantak ka na ng sari-saring masasarap na putahe nang walang sawa.

Unlimited as in.

Kaya naman nagkasundo kami ng kaibigang si Rommel na mag-purchase ng Metrodeal na ito online para sa aming dalawa.

Bale 348.00 ang amount para sa aming dalawa na binayaran ko sa LBC Gate 2 Antipolo City.

Naghintay na lang kami ng ilang days para sa nakatakdang araw kung kailan puwedeng i-redeem ang deal.

Saturday and Sunday lang available ang deal ayon sa promo nito.

We chose the Saturday evening schedule dahil busy kami sa aming kani-kaniyang work.

What we expect of course is iyong nasa promo slant/invites nila di ba ?

Iyon ang nakalagay sa promotional offer nila so naturally iyon ang ine-expect namin na daratnan.


Pero nang dumating kami ng pasado alas 8 ng gabi sa kanilang Victory Mall store sa may Libertad ay halos waley na kaming nadatnan na mga pagkain.

Ang nanduon na lang ay dalawang klase ng gulay sa main dish nila.

Ano kami vegetarian?

Waley ang mga ine-expect naming mga pagkain para sa isang eat all you can buffet setting .

Marami na kaming napuntahang eat all you can dining resto kaya hindi na kami banyaga sa ganitong setting.

And first time namin na makakita ng isang buffet setting na ang nakahain at gustong ipakain sa amin ay puro gulay lamang.

Wala namang nakalagay sa promo poster nila na eat all you can gulay di ba ?

Naturalmente umusok ang ilong ni Rommelita.

Parang torong gustong sumugod sa pulang bandera.

Pinigilan ko lang siya dahil may finesse at breeding naman ako , choz.

Magiliw naming nilapitan ang kanilang head officer na si Mam Rea.

Ang paliwanag ni Mam , ay gabi na daw kasi kami dumating so medyo naubos na daw yung ibang mga available dishes.

So kami pa ang may kasalanan ganun.

Ang Rommelita naman kasi kung saan saan  pa humada kaya naman ginabi na kami , choz.

Kasalanan ng malanding si Rommelita ha ha ha.

Hindi bale , para daw ma-appease ang aming galit ay nagpa-reschedule na lang kami.  

Same day which is Saturday and same hour next week ang aming reschedule.

Sabi namin dapat ay kumpleto na ang mga dishes as what the promo slant was stating.

With the matching dessert and the bagnet or Lechon Cebu main dish like what is stated in the poster.

We just call it a day that night kahit hindi kami naka-lafang nang maayos.

Then the rescheduled date came.

We are excited to see the new dishes as we are ushered in to the buffet table.


But lo and behold this is what we saw.



The dishes that we have seen are only buttered vegetables , chopsuey and a chicken dish which were slowly diminishing.

Opo , malapit nang maubos ang chicken nila , ilang piraso na lang at maggu-goodbye na ang Chickensad.

Kaya naman nakipagpambuno sa pakikipag-agawan si Rommelita para makadampot ng kahit isang pirasong manok lang.

Ah , I forgot may pansit bihon nga rin pala.

At saka kanin na din.

At may libreng glass of water matapos naming humingi.

In fairness , nilabasan ( ang bastos mo ) naman kami ng isang platito ng bagnet like what we have requested daw.


At maya maya pa ay naglabas din ng mga lumpiang shanghai.


At maya maya pa rin ay may bagong dalang dish si Manong waiter.

Nang aming suriin ang dala ni manong na isinalin sa dish tray ay mga crispy buto buto pala.

Pramis.

Ginawa kaming aso ha ha ha.

Palibhasa mukhang bulldog si Rommelita at ako naman mukhang chihuahua ha ha ha.

Hindi ko lang na-picturan , pero pramis , buto buto talaga siya as in .

Itanong ninyo pa kay Rommelita.

Kapag minamalas ka nga naman.

Tinext ko agad si Mam Rea , dahil promise niya the last time we talk ay may dessert daw para sa amin.

Maya maya nga ay heto na si waiter at dala ang aming dessert.


In fairness , mukha naman siyang yummy kahit na petite lang siya.

Inenjoy na lang namin siya dahil wala na kaming magagawa maglupasay man kami sa panghihinayang.

At magreklamo man kami to the highest heavens ay wala na ring mapapala dahil bayad na namin ang Metrodeal .

Non-refundable daw ito.

Sumumpa na lang kami sa langit na this is gonna be our first and last na punta sa kainang ito.

Itaga ninyo pa sa bato ni Ding.

Buti na lang at maganda ang boses ni ate singer nuong gabing iyon kaya medyo na-entertain kami at humupa ang nagbabagang Mayon Volcano ni Rommelita.



And after hearing her singing 4 of her favorite song versions , gumora na kami ni Rommelita.

Promised to never to return again for the rest of our lives to this Nong Chinoy store huh !


4 comments:

  1. hhahahha! I'll take note of that! Mabuti pa ang Tramway! Sulit na sulit ang 245! hehe

    ReplyDelete
  2. Trulalu ka McWright panalo ang Tramway sa sarap at sulit ...
    : )

    ReplyDelete
  3. Hindi ko mapigilang matawa habang binabasa ko to. Grabe inechos kayo ng 2x. Kung ako baka napahagulgol na ako sa lungkot.

    ReplyDelete
  4. ganan din ang nangyari samen ng kapatid ko at pamilya ng pinsan ko.. di na daw need magpareserve maavail namen punta lang kami ng sat dun, nun nagpunta kami, wala dw at may function, so, ang offer samen, order all u can, then nun umoorder na kami, which is hindi kami umorder ng madami, kasi nahihiya din kami, tumawag yung owner, bigyan lang daw kami ng 5% discount sa total ng oorderin nmen, haha, kaloka di ba? operational pa kaya sila ngayon sa dami ng reklamo at bad reviews sa kanila? di ko na masearch yung fb page nila eh, baka deleted na kasi dami bad reviews.. di na nila kinaya...

    ReplyDelete