TRAVELBOOK NOW!

Saturday, November 22, 2014

MYX MO 2014

Nagkaruon kami ng chance na manuod ng MYX MO 2014 sa Smart Araneta Coliseum last November 11 and that is a Tuesday.



Karay karay ang aking dalawang pamangking sina Christian at Junjun ay sumugod ang inyong lola sa Cubao past 6 PM.

At siyempre dahil maaga pa naman ay tsumibog at lumafang muna kami sa Kenny Rogers Roasters SM Cubao.





At matapos lumafang ay buyla din ng makukukot habang nanunuod kami ng concert sa Shopwise.



Ang ending ay hindi pala puwedeng magpasok ng sitsirya sa loob ng coliseum kaya ipinamigay na lang namin sa mga guard ang aming mga biniling snacks  ( tutal Pasko naman na eh ha ha ha )

Past 8 nagsimula ang sing-along concert na pinasimulan ni Jonalyn Viray.


At matapos iyon ay sunod sunod na ang paglabas ng mga biggest names in music ang rumampa sa stage.

In no particular order ay nagpaunlak ng one or two songs ang mga performer na ito:

Nikki Gil
Sam Concepcion
Christian Bautista
Jovit Baldivino
Salbakuta
Eric Santos
Angeline Quinto
Gracenote
Banda Ni Kleggy
Morisette Amon
Clarisse De Guzman
Julie Ann San Jose
Rocksteady
Calla Lily
Enchong Dee
Jay R
Q York
KZ Tandingan
Sponge Cola
Yeng Constantino
Rico Blanco at marami pang iba ...




Pinaka-applauded at masigabong palakpakan with matching standing ovation ay ang sa paglabas ni Mareng Yeng Constantino.

Sayang at hindi niya kinanta yung Hawak Kamay signature song niya.

At ang binirit ay ang Chinito song niya na nakakabingi ang OA na hiyawan ng mga tao sa gallery.

In fairness , ang lakas din ng hiyawan kina Enchong Dee , Calla Lily , Rocksteady , Sponge Cola at Rico Blanco.

Yung iba , oh well .

Natapos ang concert ng mga past 11 na.

Punta daw ulit kami next year sabi ng two of my pamangkins.

Sagot ko , kapag may complimentary tickets ulit ang ABS CBN para sa akin he he he he







Smile : )


1 comment:

  1. na-sad ako dun sa fudangs (sa fudangs talaga ako concern ha?), pero at least nakakain na kayo before kayo manood. swerte ng mga guardenia ha, dapat kinantahan ka nila ng “Thank you thank you ang babait ninyo!” Anyway, kinanta rin ba ni mareng Yeng yung song na Ikaw? Bet na bet ko ang kantang yun, sobrang romantic at nakakakilig.

    ReplyDelete