TRAVELBOOK NOW!

Saturday, November 8, 2014

Hi Rice Grill

Nagpunta kami ng kaibigang si Rommel sa HI RICE GRILL sa Marcos Hiway Pasig City.


Malapit lamang ito sa aming lugar sa Marcos Hiway din sa Antipolo kaya gora ang mga lola n’yo dito.


In fairness ay masasarap ang pagkain dito huh.

Paano ba naman ay gawa ng kanilang chef na si Gerald

Maraming choices bukod sa mga delicious viands like their Mongolian Rice , Filipino , Japanese and Korean dishes at ibat ibang mga soups and pastas and desserts like ice cream , fresh fruits , saba , gulaman , kakanin  and your all-time favorite halo halo.

Plus free drinks na , saan ka pa.

Talagang busog at bundat na ang tiyan mo sulit pa sa bulsa .

Dahil 299.00 lang per head at wala nang kung anu-ano pang add-ons kaya swak na ang lunch o dinner buffet mo.

Wala ka nang mahihiling pa.

Ikanga ni Daniel Padilla ay  " nasa 'yo na ang lahat "

Kakaiba sa ilang mga eat all you can na aming nabisita na walang kakwenta-kwenta ang mga inihahaing buffet.

Tapos ang mamahal pa like sa Nong Chinoy at sa isang restaurant diyan sa Antipolo na panis na ang mga inihaing pagkain sa amin.

Nuong una nga ay akala naming puro Mongolian dishes lang ang kanilang inihahain , mali pala kami.

Isa lang pala ang Mongolian Rice sa mga signature dishes na inihahain  nila dito.

Ang sabi nga ay give the credit where it’s due kaya naman ibinabalik namin ang nararapat na papuri sa restaurant na ito dahil sa kanilang magandang serbisyo.

Idagdag pa ang magandang social ambience ng restaurant at ang magiliw na pagsisilbi  ng kanilang mga staffs and crews na inaasikaso ang lahat ng aming mga pangangailangan.

No wonder ay dinadayo at laging jampacked and blockbuster ang loob nito dahil sa dami ng mga parukyano.


Kapag pumupunta nga kami ay laging all seats taken at full house ang mga tao sa loob dahil sa dami ng mga kumakain dito.

Kaya kung naghahanap ka ng masarap, bongga , sulit at picture-perfect na settings ng isang buffet , 
dito ka na sa Hi Rice Grill.

Matatagpuan sa Semicon Building Marcos Hiway Delapaz Pasig City.

For more info, visit and like their Facebook fanpage here Hi Rice Grill












No comments:

Post a Comment