TRAVELBOOK NOW!

Sunday, October 26, 2014

Sister Glory

Minsan pa ay napadako kami ni Mother dear kay Sister Glory.

Ang naaalala ko lang , bata pa ako ( maging ng aking kapatid ) ay parati na akong dinadala ni Mother dear kay Sister Glory.

Si Sister Glory ay isang faith healer o albularyo na nasa Kalookan.


Dinadayo si Sister Glory sa kaniyang tahanan ng maraming tao na nais magpagamot sa kanilang ibat ibang karamdaman o sakit na nararanasan.

At sa himala ng himala , mabisa naman ang kaniyang panggagamot dahil marami din ang gumagaling.

Naaalala ko , minsan na naratay ako sa banig ng karamdaman na halos mag-iisang buwan na akong hindi makabangon.


Kung saan-saang doktor na din ako lumapit at kung anu-anong gamot na rin ang aking nainom.

Subalit mailap ang paggaling ng aking karamdaman.

Ngunit sa himala ng Diyos, bilang last alternative step para gumaling ako , ay muli akong dinala ni Mama kay Sister Glory.

And sa maniwala kayo at sa hindi , para lang akong nagdahilan na maysakit ako.

And after a week, I am up and running again ready to do my work.

This time , muli kaming bumisita ni Mother dear kay Sister Glory para magpatingin na din sa kaniyang iniindang karamdaman o kirot sa kaniyang likod.

Tila wala namang masyadong nagbago sa kapaligiran.

Number 15 kami sa listahan  ng mga nagpapagamot.

Mga 10:00 nang magsimulang manggamot si Sister Glory na kaniyang inumpisahan sa pamamagitan ng dasal.




Pagkatapos ay isa isa nang tinawag ang mga nasa listahang nagpapagamot.

Ibat iba at samut sari ang klase ng nagpapagamot.

Hanggang sa dumating ang time ni Mama para gamutin.

Konting hilot , himas , dasal at masahe ng langis kay Mama ay natapos din agad ang sesyon o ritwal ni Sister Glory.

Tapos ay punta na siya sa mesa kung saan mabibili ang ibat ibang klase ng herbal medicines upang tuluyang magpagaling sa iniindang sakit ng aming ina.

So far , ayos naman ang kinalabasan ng nasabing ritwal ni Sister Glory.

As for my honest opinion , I have some doubts and apprehensions in faith healing.

But then minsan we can't help but just believe and have faith na gagaling tayo sa ating karamdaman sa tulong ng Panginoon.

At siguro , siguro lang , kasangkapan si Sister Glory ng Panginoon upang pagalingin ang mga mahihirap niyang mga anak na walang pambili ng mga nagtataasan at nagmamahalang mga presyo ng gamot at pagpapagamot.

Minsan hindi mo rin masisisi kung may mga naglalabasan mang mga albularyo o faith healer na katulad ni Sister Glory.

At minsan hindi mo rin masisisi kung bakit may mga naniniwala at nagtitiwala rin kay Sister Glory.

At isa na kami duon.

PS:

Natawa naman ako dito:




4 comments:

  1. This is one of a kind experience. Ano ang naging sakit mo? May donation box ba si Sr. Glory?

    ReplyDelete
  2. @ Mc Wright wala akong sakit eh ang mother ko lang ang sinamahan ko punta dito kay Sister Glory

    ReplyDelete