TRAVELBOOK NOW!

Saturday, October 18, 2014

Saboroso Cooler Delight

Sa wakas at nagbagong bihis na ang aking kaibigang si Roke Molina.

Hindi na siya ang dating dugyot at rated PG na baklang nakilala ko he he he he.

Nagbagong anyo na siya as in.

Dahil ngayon ay mayruon na siyang bagong tayong negosyo sa mataong lugar ng Gate 1 Cogeo Antipolo City.


At ang kaniyang negosyo ay ang walang kuwentang Saboroso Cooler Delight na palamigan.


Hango daw sa Italian word na " sabroso " meaning delicious , eklat ng baklang hayok.


Kung dati ay may I limos at may I makitulog ang drama ng hitad , ngayon ay donya na ang bruha.

Dahil kumikita ng 1, 200.00 a day ang foodcart ng lukaret.

business model sa left and the store manager on the right 
 At plano daw niya na makapagpatayo ng 10 booths/stall  pa bago magtapos ang taong 2014.

Ikaw na ang bongga.

Baka mai-feature ka niyan sa My Puhunan ni Karen Davila huh.

At ang title ay " ang baklang umahon mula sa putikan " he he he he.

On the serious side , bilib naman talaga ako kay Mareng Roke dahil at least ngayon ay natututo na siyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa.

Hindi katulad dati na laging nakasandal sa mga tito at tita niya huh.

si Roke ( the owner ) ang baklang nakatalikod at may-ari ng dambuhalang puwet he he he
At desidido na rin siyang ituwid ang kaniyang baluktot at liku-likong landas at sumunod sa yapak ni Pnoy na daang matuwid.

Out na muna ang mga mensung na laging nakaabang ang paysung at akala mo ay palaging may patabing pera sa iyo kung makahingi.

At ang mga friends na friend ka lang kapag merun ka , pero 'pag nganga ka na ay hindi ka kilala at mga bad influence pa.

Suportado kita diyan friend at wish ko na sana ay lumago at lumaki pa ang negosyo mo at matupad mo din ang mga pangarap mo.

Who knows baka dumating ang time na mas mayaman ka na sa akin , charot he he he.

Paarbor naman ng isang booth kapag naka 100 stores ka na nationwide he he he.

At salamat sa Czyrah's Pizza nga pala he he he.



Sabroso nga talaga ito.

Franchise na dali!

2 comments:

  1. Hi po, bat po kayo nagthank you sa Czyrah's Pizza? Alam mo po ba kung saan pwede magfranchise ng Czyrah's? God Bless po. :)

    ReplyDelete
  2. hi po.. gusto kopo mag franchise ng Czyrah's pizza. ito po contact ko 09298486308 email: raetumamak@yahoo.com
    salamat..

    ReplyDelete