TRAVELBOOK NOW!

Friday, October 17, 2014

TPV Mushroom Haus

I have met another enthusiastic entrepreneur in the person of  Mam Thelma P. Vinoya.

Mayruon siyang foodcart located on the 3rd floor of SM Masinag foodcourt area.

That is the Mushroom Haus -home of original and authentic mushroom based  foods like siopao , siomai , burger , empanada and even chicharon too plus many other dishes made of mushroom.


Ayon na rin  kay Mam Thelma sila ay nagsimula sa negosyo ng mushroom o kabute nuong 2013 sa loob ng Philippine Heart Center nuong Nutrition Month nito gayundin sa loob ng Veterans Hospital kung saan ay nagtitinda sila ng ibat ibang klase ng ulam na gawa sa kabute.

Tinangkilik naman ang kanilang mga produkto kung kayat mas lalo silang ginanahang ipagpatuloy ang kanilang bagong endeavor kung kayat buwan ng Abril ng taong 2014 ay kanilang itinayo ang kanilang kauna-unahang foodcart sa SM Masinag kung saan ay naka-display ang kanilang mga produktong may kinalaman sa kabute o mushroom.
  
At ito na nga ang Mushroom Haus.


Mayruon din silang branch sa SM Centerpoint sa Santa Mesa Manila.

Ang kanilang mga produktong gawa sa kabute ay ang  coco mushroom, toasted siopao, empanada, siomai , hamburger at maging chicharon ay mayruon sila.

The following are the prices :
Coco Mushroom - 10.00
Mushroom Burger – 50.00
Mushroom Siopao – 12.00
Empanada – 15.00
Siomai – 25.00 / 4 pieces
Chicharon – 100.00 / 90 grams
At ang kanilang signature drink na Lemon Grass o Tanglad Juice sa halagang 25.00 per bottle.

Toasted Mushroom Siopao 

Mushroom Burger

Lemon Grass Juice 
In fairness ay masarap ang kanilang mga mushroom products at hindi mo malalasahan na ito ay isa palang gawa sa  kabute.

At ang kanila namang mga tinapay na ginagamit ay gawa din sa mushroom at malunggay.

Sabi  ni Mam Thelma ay may idinadaos silang monthly training sa kanilang Marikina farm tungkol sa tamang pagku-culture ng mushrooms .

Ang training fee ay 2,500.00 na nagsisimula ng alas otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Ito ay ginaganap every fourth Saturday of the month.

Dagdag pa ni Mam Thelma ay ang klase ng mushroom na kanilang pinapatubo ay ang Milky Mushroom dahil sa madali itong patubuin, paborable sa ating klima at madaling ibenta sa market.


Sabi pa niya ay taong 2004 ay nagsimula na silang pasukin ang negosyo ng pagkain na nuong una ay franchise ng isang coffe shop . At nang lumaon ay naging concessionaire din sila ng isang canteen.

Taong 2012 ay kanilang sinimulan ang pagpapatubo ng mushroom at dito na nila napagtanto na ito na  ang klase ng negosyo na kanilang pag-uukulan ng panahon at oras.

Hanggang sa ngayon nga ay ito na ang kanilang ipinagpapatuloy na palaguin  at palakihin.

May pinaplano  din silang franchising ng kanilang foodcart business in the future. 

At kung nais ninyo silang mapakinggan ay may programa din sila sa radio sa DZMM Agribusiness .

Nai-feature na din sila sa programang Kabuhayang Swak Na Swak ng Channel 2.

Ang mushrooms ay isang mainam na sangkap sa pagkain dahil ito ay mayaman sa protina , minerals , vitamins at antioxidant . It is low in calories and also low in fat.

Para sa mga nagnanais na makontak o para sa iba pang mga detalye at kaalaman tungkol sa Musroom Haus ay maaaring tawagan si Mam Thelma sa cellphone number 09189792855.

O mangyaring bisitahin ang kanilang Facebook page dito TPV Mushroom Food Haus

At para sa huling paalala ni Mam Thelma para sa negosyong mushroom , ang negosyong ito ay mayruong sure at ready market dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Kaya para sa kanila ay panigurado na ang pag-unlad at paglago sa larangang ito.

At higit sa lahat , siyempre  kahit saan namang larangang ating papasukin ay kailangan ang mamuhunan ng ibayong sipag at tiyaga at pagpapasensya nang sa gayon sa huli ay ating makamtan ang katagumpayan at kasaganaan sa ating buhay.

Maraming salamat po!

No comments:

Post a Comment