TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, October 28, 2014

Magpasikat 2014 - It's Showtime

I am truly amazed by this years Magpasikat 2014.

Ito ay ang taunang paglalaban-laban ng mga hosts ng noontime program na It's Showtime sa Channel 2.

Wala kang itulak kabigin lahat sila ay may kani-kaniyang galing sa kanilang ipinakitang husay sa kanilang mga team production number.

Nauna nitong Lunes ang Kuya Kim - Karylle Team na nagpasikat sa pamamagitan ng pagkanta ni Karylle at pagpapakita ng mga ibat ibang eksperimento at kaalamang siyensya ni Kuya Kim na mayruon pang pasabog ni Mommy Dionisia sa finale nito.



Nang Martes ay nagpasikat naman sina Vhong Navarro at Jhong Hilario sa pamamagitan ng storyline performance tungkol sa kanilang pambihirang pagsasamahan na nabuo simula nuong kanilang Streetboys days. At ang pasabog na ending ay ang kanilang painting ng kanilang mga portraits na nabuo matapos sabuyan ng powder. Very touching and emotionally-packed ang performance na ito.



Nang sumapit ang Miyerkules ay nagpakitang gilas naman ang Team Anne Curtis and Colleen Garcia sa pamamagitan ng aerial and acrobatic stunts involving a blanket na talagang makapigil-hininga. Pabulosa din ang kanilang musical performance sa umpisa ng palabas.



Nuong Huwebes naman ay bumaha ng luha at emosyon dahil sa madamdaming pag-awit ni Vice Ganda with Ryan Bang at nang mga kasamang differently abled na mga bata at maysakit ng isang original composition na may tema ng pagmamahalan , pagtanggap at pagkakaisa. Truly this one is a heart-wrenching showcase of talent and love and care.



And last but not the least , nito namang Biyernes ay hindi nagpatalo ang Team Billy Crawford , Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa kanilang spoof ng mga nagpasikat mula Lunes hanggang Huwebes  plus ang kanilang original concept ng isang game show na may ipinanalo pang isang studio audience .



Truly , sa lahat ng performance na ito ay wala kang ilalaglag dahil lahat ay may kakaibang galing at husay.

In the end ay ang audience ang panalo dahil nakapanuod sila ng mga magagaling na palabas na pinagbuhusan ng ibayong effort at talino.

Next year for sure ay paniguradong aabangan na naman ito ng madlang pipol na naging tradisyon na taun-taon at pinananabikang panuorin sa telebisyon.

Happy 5th Anniversary sa It's Showtime at nawa ay tumagal pa ng maraming taon ang inyong programa.


2 comments:

  1. Napanood ko yung kila Vice, I can say isa sa mga heart warming na presentation.

    ReplyDelete