TRAVELBOOK NOW!

Sunday, October 19, 2014

Let's Ask Pilipinas

Minsan at  nakanuod ako ng programa sa TV 5 at ito ay ang Let’s Ask Pilipinas ( na patented mula sa Amerika ) ay nahalina akong sumali at maging contestant.

Simple lang naman maglaro : nasa comfort ka lang ng iyong bahay habang naka-sign in ka sa iyong Skype online  account.

Ang mga nasa studio ay ang main host na si Mr. OA o Ogie Alcasid habang ang apat na preliminary contestants ay naka-Skype lamang.

O di ba , so cool and comfy at the same time.

Online din ang registration.

First ay mag-register ka sa kanilang website.

Kapag ikaw ay tinawagan sa telepono ay dadaan ka muna sa initial online interview.

Kapag nakapasa ka sa initial ay mayruong final interview sa kanilang operations manager.

Tapos nuon ay pasok ka na sa banga.
 
Ganuon lang kadali.

Hintayin mo na lang ang tawag nila kung kailan ka maglalaro.

In my case, September 16 ang official playing date ko.

Nagsimula na ang show at ipinakilala na kami isa isa.

Sa umpisa ay apat ang maglalaro.

May dalawang pagpipiliang sagot para sa isang survey question.

Kung sino ang may pinakamaraming puntos na tamang sagot ay siyang uusad sa susunod na round.

Sa round 2 naman ay tatlo na lamang ang maglalaro.

May tatlong posibleng tamang sagot para sa isang survey question.

Sa final round naman ay dalawa na lamang kayong maglalaro na may apat na posibleng tamang sagot para sa isang survey question.

Himala ng mga himala namang nalagpasan ko ang tatlong rounds na iyan.

Ni hindi ko nga namalayan na ako na pala ang pasok para sa jackpot round.

Sa jackpot round ay mamimili ka na kung wager o all in.

Kung all-in ang pinili mo ay itataya mo ang pot money mo ( in this case ay 19,000.00 ) at if ever na tama ang sagot mo ay magiging times five ang pot money mo ( kaya magiging 95,000.00 ito )

Pero kung mali naman ang sagot mo ay saklap na wala kang maiuuwi maliban sa consolation prize.

Subalit kung wager naman ang pipiliin mo ay maglalagay ka ng  halagang itataya o ipupusta mo nang hindi bababa sa iyong pot money at kung sakaling tama ang sagot mo ay dodoblehin nila ang iyong waged money.

At kung mali naman ay ibabawas ang iyong waged money at ang matitira ay ang iyong maiuuwing premyo.

Ang pinili ko ay wager dahil sigurista ang lola n’yo he he he.

At ang aking waged  amount ay 9,000.00 ( para kung sakaling mali ay may maiuwi pa akong 10,000.00 he he )

At may isang survey question na may apat na pagpipiliang posibleng tamang sagot.

At ang survey question ay ito :

Tinanong namin ang mga beauticians , ano ang pinakabagay na hairstyle para kay Sadako?

At ang mga pagpipiliang posibleng tamang sagot ay :

A) Blond

B) Emo

C) Ponytail

D) With Bangs

Confused ang lola n’yo

Lalo pa at may time pressure.

At first time ma-televised at mapanuod sa TV ha ha ha.

Ang isinisigaw ng mga studio audience ay With Bangs.

Samantalang ang isinusubo naman ng aking dalawang pamangkin na kasama ko sa kuwarto nang mga oras na iyon ay Emo daw.


Hindi ko na alam ang isasagot ko.

Mas pinili ko ang emo dahil sabi ko ay medyo sad si Sadako. Emotional ikanga.

Yun pala ay ako ang masa-sad.

Up to the last minute ay pinagpipilian ko ang dalawang sagot, ang Emo at ang With bangs.

With bangs na ang nakataas kong sagot sana.

Kaso ang makulit at maharot kong pamangkin , bigla ba namang hinila ang With bangs ko na sagot kaya ang natira ay ang Emo na sagot na nasa ilalim nito.

At yun na nga , With bangs ang tamang sagot.

Bakit ba kasi nakinig pa ako sa dalawa kong pamangking ito huh.

Tuloy 10 kiyaw lang ang naiuwi kong panalo.

Sadako sadlak.

Hindi bale , blessings pa rin from God above he he he.

Mas mabuti nang mayruon kaysa wala.

Kung nakinig lang kasi ako kay Mr. OA eh.

Ang tigas lang kasi ng ulo ko huh.

Ewan , kinabahan siguro ako o ninerbyos.

O sadyang engot lang ang lola n’yo he he he.

At any rate , panalo pa rin naman huh.


Panuorin n’yo na lang dito ang aking kagagahan.

At huwag n’yo akong pagtatawanan please lang!










No comments:

Post a Comment